VIII

1279 Words
Hindi na napigilan pa ni Desarae ang kanyang sarili at nasampal niya sa pisngi ang kapatid ng kanyang fiance. Oo nga at may nangyari sa kanila noong nakaraang gabi at alam nitong pinapakasalan niya lang si Sebastian para sa pera ngunit kalabisan naman yata ang ginagawa nitong pang-ba-blackmail. Nagpupuyos ang kanyang damdamin at pakiramdam niya ay para siyang nainsulto. Kaya naman bago pa ito makapagsalita ay pinadapo niya ang kanyang palad sa kabilang pisngi ng lalaki. "You're way out of line, Mr. Meyer!" galit na saad niya bago ito dinuro. "You can never make me agree to your demands, Stefan. Stay out of my way. Hindi mo kailan man maiintindihan kung bakit ko 'to kailangang gawin pero hangga't masaya si Seb sa 'kin, manahimik ka na lang. I have no intention of hurting your brother, so please, leave me alone!" Itinulak niya ito at nilampasan. Bago siya makalabas ng unisex restroom ay pagak na tumawa ang lalaki. "I hope you won't be swallowing those words of yours, Miss Moreno. And also, good luck on finding a replacement to this ring. Sh*t's really pricey, especially that my brother had this customized just for your cheating, lying ass." Hindi niya na ito pinakinggan at nagtungo na sa lamesa kung saan naroroon si Sebastian. Eksaktong nang makaupo siya sa tabi nito ay natapos ang tawag nito sa smartphone. Ngumiti ang lalaki at hinawakan ang kanyang kamay. "Hey, precious… it's getting late. Uwi na tayo, gusto mo? Medyo pagod na rin ako." Dahil ayaw niya nang makasama pa nang matagal ang kapatid ng kanyang fiance ay tumango ang dalaga. Kaagad namang sumenyas si Sebastian sa waiter at hiningi ang bill nila. Habang nagbabayad ito gamit ang black card nito ay tsaka naman bumalik sa lamesa si Stefan. Pinilit ni Desarae na magmukhang kalmante kahit na sa katunayan ay naiinis siya sa antipatikong pagkakangisi ng kaharap. Matapos bayaran ni Sebastian ang bill ay tumayo ito at inakbayan siya bago tinapik ang likod ng kapatid nito. "Una na kami, Stefan. See you when I see you, brother." Ngumisi naman ang damuho. "Ingat, Kuya Seb. Sometimes people are… nevermind." Hindi niya pinansin ang nakakagagong tingin nito sa kanya. She would only give him the satisfaction of paying him any attention. Isa pa, nais niya na lang ituon kay Seb ang atensyon niya dahil bahagyang namumutla ito at hinihingal. Bawal din kasing mapagod masyado ang lalaki dahil na rin mahina ang katawan nito. He had to rest and she had to take care of him. Nang makuha sa valet ang silver na Lexus ng lalaki at makasakay sa loob niyon ay binalingan niya ang lalaki nang may pag-aalala. Saglit itong uminom ng tubig bago i-ni-start ang sasakyan. "Are you alright, Seb? You look pale…" Ngumiti ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "I'm alright, precious… Kailangan ko lang ng pahinga. Can I stay in your apartment for a little bit?" She sighed before holding his hand. "Sa apartment ko na ikaw matulog. Huwag ka na magmaneho pabalik sa mansyon ng parents mo. Baka mamaya e mapaano ka pa." Mahina itong tumawa. "Well… are you going to make love to me?" Naiiling na nilingon niya ito. "Akala ko ba pagod ka?" She sighed. "But alright…" Tama. Ibubuhos niya na lang kay Seb lahat ng nararamdaman niya. Hahayaan niya na lang ang kanyang sarili na unti-unting mahulog sa lalaki. Ipapamukha niya kay Stefan na mali ang iniisip nito, na mali ang mga akala nito tungkol sa kanya. She has to marry Seb. And no one could stop her from doing so. Kailangan na mangyari iyon, e. Nang makarating sa kanyang apartment ay sumalampak sandali ang lalaki sa sofa habang inaayos niya naman ang pagkain na ipina-takeout nito. Nang maiayos iyon sa maliit na refrigerator at makapagpalit ng damit ay binalikan niya ang lalaking naghahanap ng pelikula sa telebisyon. Isinandal ng dalaga ang kanyang ulo sa balikat ni Seb at tahimik na pinanood ang lalaki sa ginagawa nito. "So… what can you say about my brother? He might look gruff and rough at first, pero mabait 'yon. He's just… distracted, I guess? Alam mo na, pressure galing kina Mama." Tipid siyang ngumiti. "He's alright. Hindi naman siya masyadong nakakatakot sa paningin ko. Just intimidating." Natawa si Sebastian at marahan siyang hinila upang mahiga sa kandungan nito. "Intimidating, huh…" Hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay at pinili ang isang pelikulang hindi pa nila napapanood. "Yeah, my brother really is. Pero minsan naman, puro salita lang 'yon. Hindi naman talaga gumagalaw." Nanatili sila sa ganoong posisyon habang ang kanyang utak naman ay lumilipad. Pinaalalahanan ni Desa ang sarili na dumaan sa jewelry store bukas upang humanap ng kapalit ng engagement ring niya habang hindi pa napapansin ni Seb na nawawala iyon. She could not afford him asking where the ring went. "Des, are you sleepy? Do you want us to sleep already?" Napatingin siya sa lalaki. May bahid ng concern ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya napansin na naka-pause na pala ang pinapanood nila. Bumangon ang dalaga. "Iayos ko lang 'yong pantulog mo, Seb, okay? Wait for me here." Ngumiti ito. "Alright, precious…" Wala sa sarili si Desarae habang inaayos ang t-shirt at pajama na ipapasuot sa fiance. Hindi niya man aminin ay binabagabag pa rin siya ng mga banta ni Stefan. She could not afford someone ruining her plans. Alam niya naman sa sarili niya na wala siyang sasaktang ibang tao at sa katunayan ay siya lang naman ang maaargabyado. Nang maibigay sa fiance niya ang damit ay tumuloy naman siya sa kanyang silid at inayos ang higaan. Tuluyan nang nawalan ng pakiramdam si Desa sa paligid kaya naman nang yakapin siya ni Sebastian mula sa likuran ay bahagya siyang napatalon. "Woah, darling, easy," natatawang saad ni Seb bago siya hinagkan sa pisngi. "Why are you so jumpy?" Naiiling na hinarap niya na lamang ang lalaki. "I'm just… tired, I guess. I need some rest." Masuyong ngumiti ang lalaki at hinila siya papahiga sa kama. Niyakap siya nito at hinagkan sa noo. "Then rest now, precious. Maaga pa tayo pareho bukas." Tumango siya at isinubsob ang mukha sa dibdib ng lalaki. Ilang sandali pa ang lumipas at mahina na itong naghihilik. Ngunit siya? Gising na gising at maraming tumatakbo sa kanyang isipan noong mga oras na iyon. Nang masiguro na hindi magigising ang lalaki ay marahan siyang umalis mula sa pagkakayakap nito at nagtungo sa may bintana. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at bahagyang nilingon ang fiance niya na nahihimbing. Kailangan niyang makahanap ng paraan para maialis ang kapatid nito sa landas niya. Or else he would ruin everything. Ayaw niya naman talagang saktan si Seb. Kagaya nga ng madalas niyang sabihin, sa maikling oras na nakasama at nakilala niya ang lalaki ay palagi nitong ipinapakita sa kanya na mabuti itong tao. Ngunit sadyang… hindi niya lang nais na maikasal kaagad sa lalaki. Hindi niya nais na matali kaagad. Mas gusto niya pang maranasan nang kaunti ang pagiging dalaga niya. Maagang ninakaw sa kanya ang kabataan niya at ngayon na may kaunting panahon siya para unahin ang sarili niya ay makukulong naman siya kaagad sa isang relasyong hindi niya naman gusto pa. Pero may mga bagay na kailangan niyang isakripisyo para sa kapakanan ng iba. Masakit man at mabigat sa kanyang dibdib, kailangan niyang sumunod sa kagustuhan ng kanyang ninong. Para lang hindi nito masaktan ang mga taong pinakamamahal niya. She sighed before glancing at Seb once again. She knew she would be unfair to him. But what choice did she have? Katulad ng dati, wala siyang lakas. Walang kontrol sa sarili niyang buhay. And whatever might happen, she has to be Mrs. Meyer. Come what may.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD