IX

1570 Words
"Wake up, sleepyhead." Napaungol si Desarae nang maramdaman ang bigat ni Sebastian sa ibabaw niya. Bahagya pa siyang natawa nang makita na may bahid pa ng harina ang ilong nito. Pinilit niya ang sarili na mapangiti kahit na masakit ang ulo niya dahil na rin sa puyat. Anything just to make Seb happy. "Hey... Good morning." Muli siya nitong hinagkan. "Bangon na, nagluto na ako ng pancakes. We both still have to go to work." Ngumiti na lamang si Desarae at tumango. Mayamaya ay kapwa na silang bumangon at inayos naman ni Seb ang puting t-shirt nitong bahagyang nagusot. Itinaboy niya muna sandali ang lalaki palabas ng silid upang makapag-ayos siya at makaligo. Nang makalabas patungo sa maliit niyang kusina ay nakahain na ang niluto nitong pancakes at tahimik na itong nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Desarae silently ate her food and drank her coffee as Seb kept on throwing her glances, sometimes some occasional smiles and sweet nothings. Like the usual, she pretended to be happy hearing them when in truth, she was thinking about their marriage and what she really wanted for her life. Nang matapos ay iniwanan na lang nila ang mga pinagkainan nila sa lababo bago tinungo ang mamahalin nitong sasakyang nakaparada sa labas ng kanyang apartment building. Pinagbuksan pa siya ng lalaki ng pintuan. He was a gentleman. A gentle guy. Everything about Sebastian was gentle and calming. And she would be a horrible person if she ever tries to hurt him in any way. Nagpakawala muna ito ng malalim na buntong-hininga bago i-ni-start ang sasakyan. Saglit siya nitong nilingon at nginitian bago nagmaneho papalabas ng compound. Once again, they were silent. Hindi niya rin naman kasi alam kung ano ang sasabihin kay Seb. O kung anong itatanong sa lalaki. Her brain felt like it was in a mush and all that she could do right now was to stare outside the car's window and condition herself on acting like everything about them was just fine. "Des?" "Hmm?" Nilingon niya ito. "What is it?" May pag-aalangan sa tinig ng lalaki nang sulyapan siya nito ulit. Ibinalik man ni Seb ang titig nito sa kalsada ay nanatiling nakapukol sa kanya ang atensyon nito. "Hindi mo yata suot ang engagement ring mo. What's wrong?" Nanlata ang katawan ng dalaga. How could she even forget that? Masyado siyang na-distract sa pangyayari kasama si Stefan kaya naman hindi niya na naalala pa ang singsing. Hindi niya na napag-isipan pa ang kanyang alibi. Basta na lamang bumuka ang kanyang bibig. "I left it at home. Nakalimutan ko isuot. Tsaka sumasabit kasi sa damit ko kaya... Itinabi ko na muna." Kahit na itago man ng lalaki ay halatang dismayado ang tinig nito. "Gano'n ba? Maybe I should buy you another one—" "Huwag na, huwag na," gagap niya. "I'm fine with the first one. I just don't feel like wearing it, Seb, okay?" Hindi ito umimik. Mayamaya ay nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga at mahinang tumawa. "I don't know, precious, but maybe I'm just paranoid. You not wearing the ring makes me feel like you really don't want to get married to me..." Napalunok pa siya nang hawakan niya ang kamay nito. "Seb, hindi naman sa gano'n. I really just forgot to wear it. You know me, I have a very poor memory! I always keep on forgetting things..." She knew he knew that she was hiding something. But maybe Sebastian just hated confrontations, or he chose to ignore it out of love, because he did not bother asking her again. Isang matamis na ngiti lang ang isinagot nito. Isang ngiting alam niyang itinatago ang mga damdamin na ayaw nitong maging dahilan ng kanilang pag-aaway. Nang makarating sa Meyer Educational Institute ay naghiwalay sila ng landas. Sa opisina nito dumiretso ang lalaki habang siya naman ay ang opisina ng Guidance Counselor ang tinungo. Doon muna siya nagtatrabaho habang inaayos pa ni Seb ang ilan sa mga papeles niya para maging ganap na katuwang nito sa pagpapatakbo sa paaralan. Her day passed as somewhat uneventful. Mundane and bland. Just like before. It has been a routine for Desarae and nothing could even shock her now. But unlike before, she has two pains in the ass: her engagement ring and Stefan Andrius Meyer. Mula sa mga nakalap niyang impormasyon ay mukhang palikero ang kapatid ni Sebastian. Hindi naman nasasangkot sa scandal ngunit alam na alam ang hindi nito magandang relasyon sa mga magulang nitong tutol sa pagbabanda ng lalaki. There was this one time that he made a scene in one of his father's corporate dinner parties. After that, the youngest Meyer moved out and worked hard for his band, Lilith. Ngayon ay kahit sa ibang bansa ay nag-pe-perform na ito at ang mga kabanda nito. Earning millions a month. Living the life he has always wanted. Nagpakawala na lamang ang dalaga ng mahinang palatak at naihilamos ang kanyang palad sa mukha niya. Bakit kasi sa dinami-rami ng maaari niyang makilala, ang Stefan na iyon pa? He was the devil of the worst kind. Ang masama pa, alam niyang hindi ito titigil hangga't hindi nito nagugulo ang mga plano niya. Hangga’t hindi niya iniiwanan si Sebastian na hindi niya naman magagawa. Saglit na lumabas ang dalaga at napagdesisyunan na magtungo sa mamahaling tindahan ng alahas na pinuntahan ng kanyang fiance at pinagbilhan ng kanyang engagement ring. Pilit na hinanap ng dalaga ang mga singsing na may emerald stone sa gitna ngunit nalaglag ang kanyang panga nang makita ang presyo ng singsing na kanyang naiwala. "Three hundred thousand pesos?" bulalas niya sa sarili. "Damn it, Seb! I told you not to spend too much..." Napalabas ang dalaga sa tindahan at napaupo sa mga sidewalk bench na nasa malapit. Nasapo niya ang kanyang ulo. Saang kamay ng Diyos naman siya kukuha ng three hundred thousand? E halos buong sahod niya nga ay ibinibigay niya sa kanyang ninong at sa ampunan. Hindi niya rin maaaring galawin ang kanyang mana dahil makukuha niya lang iyon kapag nagpakasal siya. At tiyak niyang hindi papayag ang kanyang ninong kapag nalaman nito ang kagagahan niya. Kaya siguro ngising-aso ang Stefan na iyon, ay dahil alam nito na mahihirapan siyang palitan ang singsing. He knew that the Meyer heir would not give her a cheap ring. And worse, it was custom made. Kahit ba makabili siya ng kamukha niyon ay iba pa rin ang ibinigay ni Seb. Nang makabalik siya sa paaralan ay umalis na para sa meeting si Seb at ang ibang mga matataas na opisyal ng paaralan. Naiwanan tuloy siyang naghihintay sa opisina ng Counselor. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Alam niyang gagawin niya ang lahat para lang maisakatuparan lahat ng kanyang plano. She has to. But now that the ring's in Stefan's hands, and a dirty secret ticking like a time bomb, did she even have the choice to keep her ego? Makalipas ng ilang sandali ay nakapagdesisyon ang dalaga. Wala na siyang choice. Kailangan niyang mabawi ang singsing na iyon bago pa tuluyang maghinala si Sebastian. Nanginginig pa ang kanyang mga daliri nang itipa niya ang iniwang numero ng kapatid nito sa kanya. Ilang beses pa iyon nag-ring bago may sumagot sa kabilang linya. "Hello, who's this?" "It's me," maikling saad niya pagkatapos mapalunok. Tumawa ito. Pagak at nakakaloko. "Oh, look who's contacting me. What, too broke to replace the ring?" "Just state your f*cking demands, Mr. Meyer!" inis na saad niya. "I'd do anything. Ibalik mo lang sa 'kin ang singsing!" Napapalatak ito. "Don't be impatient, lovely. Meet me tonight. Red Angel. Same room. 10 PM sharp. I'll tell you the details there." Bago pa man siya makapagprotesta ay naibaba na ng lalaki ang tawag. Kung tutuusin ay wala na rin naman na siyang mapagpipilian kung hindi ang um-oo. Isinandal ng dalaga ang likod niya sa swivel chair ay tumitig sa kisame. So you're really doing this, Desa, huh? Is it even worth it? Throwing everything you ever dreamed of, just... Just for them… when in the first place, you never planned having them. Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang pumasok si Seb sa loob ng kanyang silid. Kaagad siyang tumayo at sinalubong ito ngunit ikinulong siya ng lalaki sa bisig nito at mariing hinagkan sa labi. May halong dahas iyon at— "Seb..." He chuckled. "Sorry, precious. Maybe I just missed you so much." Tipid siyang ngumiti. "Seb, nasa trabaho tayo..." Nang-aasar ang ngiti nito. " Bakit, tingin mo ba may gagawin ako sa 'yo habang nasa opisina tayo ng counselor? Though that might be actually a good idea—" "Steven Sebastian!" saway niya rito na ikinalakas ng halakhak ng lalaki. "Sorry, my precious fiancee... But when it comes to you, I become a different person..." Mas lalong binundol ng guilt ang kanyang dibdib nang makita ang ganda ng ngiti ng lalaki. She was horrible. What she was doing was horrible. Seb just really wanted to be with her. And now, here she was, about to cheat again, just because... "Seb, I love you," mahinang bulong niya. Ano bang magagawa niya? Hangga't masaya sila at ayos ang lahat, wala naman siyang ibang choice. She has to do this. Even if it might make her the worst person in the whole wide world. Ngumiti ito. "You shouldn't push yourself to tell me that, Des. Don't say you love me when I can see that uncertainty in your eyes. It just... Makes the both of us feel bad."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD