Napabalikwas ng bangon si Desa. Kaagad siyang napamura nang makita ang ayos ng kanyang katawan, pati na rin ang kanyang mga damit na nakakalat sa lapag. Napasulyap siya sa lalaking natutulog sa kanyang tabi. Hindi niya ito kilala at–
“Damn it, Hanna Desarae!” mahinang mura niya sa sarili bago nagmamadaling bumangon. Hindi niya na kailangan pang magpaalam, at mas lalong hindi na siya dapat nagpadala sa bugso ng kanyang damdamin kagabi. Nagmamadaling isinuot ni Desa ang kanyang mga damit at kinuha ang kanyang bag na nakakalat sa lapag. Nakahinga naman siya ng maluwag nang makita na naroroon pa rin ang kanyang wallet at smartphone. Dali-dali niyang isinuksok ang kanyang mga paa sa sapatos niya at lumabas ng silid.
She glanced at the time on the clock displayed on the hallway walls. Natampal niya ang kanyang noo nang makita na alas otso na ng umaga. She was supposed to meet Seb in Meyer Educational Institute around one in the afternoon and here she was, head pounding and just cheated on her fiancee. Nang makalabas ng club ay kaagad na pumara ang dalaga ng taxi at binigay ang kanyang address. Hindi niya na nilingon pa ang lugar o nagpaalam sa lalaking nahihimbing sa tabi niya. It was a one night stand, after all. Nang mag-umpisang bumiyahe ang sasakyan papalayo sa lugar ay tsaka lamang siya nakahinga ng maluwag at binuksan ang kanyang smartphone na namatay na dahil low batt.
Binundol ng isang laksang pagsisisi ang dibdib ni Desa nang makita na andaming missed calls at messages ni Sebastian sa kanya. Pati na rin mga tawag galing kina Helena, Tara, at Fritz. Siguradong alalang-alala ang mga ito kaya naman inuna niyang tawagan ang kanyang fiance. She bit her lower lip in anxiety as she dialed his number and listened to the ringing on the other line, waiting for him to pick it up. Hindi naman nagtagal at sinagot iyon ng lalaki. Maaga kasi itong nagigising madalas para mag-ehersisyo kaya naman hindi na nagtaka pa si Desa. Bahagya pa siyang tumikhim bago binati ang lalaki. “Hey, Seb…”
“Desa! My god, precious! I was sick and worried! Why weren’t you answering my calls? May sakit ka ba? Are you alright?” sunod-sunod na tanong nito sa kanya na kanya namang ikinangiwi. Bahagya kasing mataas ang tono ng lalaki at dahil nga may hungover pa siya, masakit iyon sa kanyang tainga.
“I’m… I’m alright, Seb… I overslept. Masyado siguro akong napagod kahapon. Anyway, tuloy I’ll see you later–”
“Oh, let’s move it around six in the evening, precious. Pagod ka, magpahinga ka muna. I just have to go to a meeting right now and then I’ll swing by your apartment, okay? I’ll bring you some brunch.”
Tipid na ngumiti si Desa at tumango. “Yeah. Thanks, Seb… You’re the best.”
Mahina itong tumawa. “I love you, precious.”
Nang ibaba nito ang tawag ay naihilamos ni Desa ang mga palad niya sa kanyang mukha. Mabigat ang kanyang dibdib noong mga oras na iyon at hindi niya makayanang labanan ang guilt na nararamdaman. How could she even think of having a one night stand? It would definitely hurt Sebastian if ever he learned about that. Isa pa, napakabait na boyfriend ni Seb. Hurting him was the last thing she ever wanted to do.
Nang makababa ng taxi ay kaagad na umakyat si Desa sa tinutuluyan niyang apartment. Hindi niya muna pinadalhan ng mensahe ang kanyang mga kaibigan. Dumiretso ang dalaga sa banyo at binuksan ang shower upang maligo at nang magising siya nang kaunti. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi niya alam kung paano niya ipoproseso ang lahat. Alam niyang lasing siya kagabi. At ganoon din ang lalaki. Pero hindi pa rin iyon tamang excuse sa ginawa niya. She was damn aware of her decisions last night. She slept with another man, period. To think that Seb even thought she was sick…
She let out a deep breath before opening her eyes. What has been done was already done and she has no other way to undo it. Ang kailangan niya na lang siguraduhin ay hindi malalaman ni Seb ang lahat at mananatili iyong sikreto. She could not afford him backing out of the wedding. Tiyak na malilintikan siya sa kanyang Ninong Timothy at hindi niya alam kung ano ang balak nitong gawin.
Nang matapos maligo ay inihiga ni Desarae ang kanyang katawan sa kama niya at tumulala sa kisame. Tatlong buwan na lang ang natitira bago ang napag-usapan nilang petsa ng kasal. Inaayos na ni Seb ang mga kailangan para sa araw na iyon, pati na rin ang kung sino ang mga iimbitahin at kung anu-ano pa. He was excited. Really excited. However, Desa could not say the same for herself.
Siguro ay dala na rin ng epekto ng serbesa ay muling nakatulog ang dalaga. Naalimpungatan lang siya nang maramdaman ang masuyong pagdampi ng palad sa kanyang noo at ang paghimas niyon sa kanyang buhok. Idinilat niya ang kanyang mga mata at napangiti siya nang makita ang guwapong mukha ng kanyang mapapangasawa.
"Hey… you're awake?" bati ni Seb sa kanya. "I brought brunch."
Mahina siyang tumawa at sumiksik sa gilid ng lalaki. "Can I sleep more, Seb? Medyo pagod ako simula kahapon at… to be honest, ayaw kong bumangon."
Ngumiti ito at hinagkan siya sa noo. "Sure… but of course, you'll let me stay beside you, precious."
Napakunot ang noo niya. "Wala ka bang meeting? Sabi mo may pupuntahan ka."
Nag-iwas ito ng tingin at tumikhim. Ipinatong ni Seb ang bitbit nitong paper bag sa ibabaw ng kanyang bedside table at inalis ang sapatos nito. Nang nakahiga na nang ayos ang lalaki sa tabi niya ay tsaka lang ito nagsalita. "I cancelled my other plans. May dinner tayo with my younger brother later, anyway. I want to spend time with my bride."
Mahina siyang tumawa at hinayaan na lamang ang lalaki na yakapin siya. She took the chance to play with Seb’s hair as he closed his eyes and tried to get some rest too. Nakakapagtaka na tila amoy ospital ang lalaki ngunit ipinagkibit-balikat na lamang iyon ng dalaga. Madalas kasing may medical mission ang unibersidad na pinapamahalaanan ng kanyang mapapangasawa at nakikipagtulungan ito sa Saavedra Medical Center.
Habang tahimik na pinagmamasdan ang lalaki ay mas lalong binundol ng guilt ang dalaga. Kahit naman kasi hindi nito sabihin ay halatang pagod ito at maraming inaasikaso dala na rin ng nalalapit nilang kasal. Kahit na ba sabihin niyang hindi naman tunay ang nararamdaman niya para sa lalaki, mali pa rin na hindi niya ito pahalagahan o bigyan man lang ng pagkakataon na maramdaman na totoo ang pagmamahal niya. Kagaya nga ng madalas niyang sabihin, mabait si Sebastian. At walang puso lang ang makakagawa na saktan ang lalaki.
“Des…”
“Hmm?”
“If… I fail as your husband, or if ever you’re unhappy with me, would you let me know?”
Hindi siya nakakibo. Ano naman ang sasabihin niya, na hindi siya masaya sa piling nito? Na hindi pa siya handa na magpakasal? Na nakipagtalik siya sa isang lalaking hindi niya kilala para lang makalimot saglit? Na… ginagamit niya lang ito?
“Do you think you would fail as my husband, Seb? You are perfect! You’re kind and loving and–”
Malungkot itong ngumiti at sinulyapan siya. “Precious, no matter how perfect people are, they would always disappoint somebody at some point. No matter how much I love you, we would hurt each other. So I’m just… trying to know. But if I do, there’s just one thing that I want, Desa.”
Napalunok siya. “Ano ‘yon, Seb?”
He kissed her hand before closing his eyes. “Kung hindi mo na ako mahal, o napipilitan ka lang, puwede bang huwag mo na lang aminin sa ‘kin? Ibibigay ko lahat, Desa… Huwag mo lang akong saktan. Kasi hindi ko alam kung kakayanin ko.”
She gulped, trying to remove the bitter taste forming in her mouth. “Seb, bakit mo ba sinasabi sa ‘kin ‘yan? Ikakasal na tayo in a few months. Isn’t that enough reason for you to ease your mind?”
Mahina itong tumawa at bahagyang bumangon upang pagmasdan ang kanyang mukha. “Ito namang fiancee ko, nagsusungit. Nagdadrama lang naman ako.”
She rolled her eyes before pulling him again. Pinahiga niya ang lalaki at kinumutan nang maayos. She has no guts to talk about things like that. Alam niya naman ang totoo niyang nararamdaman at hindi siya magmamalinis pero kailangan niya talagang maikasal kay Sebastian Meyer. Ito lang ang makakatulong sa kanya para maprotektahan ang mga taong mahal niya.
“That’s not a good joke, Mr. Meyer,” she teasingly warned.
Ngumiti lang ito. “It’s not a joke, Miss Moreno. I’m serious. Kung hindi mo na mahal, puwedeng… huwag mo na lang aminin? Please…”
Seb, paano ko naman magagawang sabihin sa ‘yo? Masasaktan ka. At ayaw kong… ayaw kong saktan ka. Kasi masyado kang mabait at manggagamit ako. Kaya siguro, tama na rin ang request mo para sa ating dalawa. Pareho tayong matatahimik at magpapanggap ako na mahal ka hanggang sa matutunan ko na mahalin ka.