Nasapo ni Stefan ang ulo niya at kaagad na napabalikwas ng bangon. He was… naked. Ilang minuto pa ang binilang bago niya napagtanto na mag-isa na lang siya sa silid. Maliwanag na sa labas ng bintanang natatakpan ng kurtina at naririnig niya na ang tunog ng mga sasakyan sa labas. Saglit niyang isinubsob ang kanyang mukha sa dalawang palad at nagpakawala ng buntong-hininga. Tumayo ang lalaki. Pinulot ang mga damit niyang nagkalat sa lapag habang pilit na inaalala ang mga nangyari noong nakaraang gabi.
Hindi siya magsisinungaling. Inasahan niyang… makikita niya ang babaeng iyon paggising niya. Strange, really. Because one night stands do not work like that. Noon, wala siyang pakialam kung sino ang unang magigising sa kanila ng nakatalik niya. Madalas ay iniiwan niya na lang ito mag-isa kapag pagod na at tulog. Ganoon siya kagago. Pero ngayong natikman niya ang lasa ng sarili niyang rutinaryo, ay tsaka niya lang napagtanto na hindi pala iyon maganda.
But still, it was a one night stand, Stefan. You don’t expect people to stay and wait and do romantic sh*t to you after a one night stand, kontra niya sa kanyang nararamdaman. Saglit niyang tiningnan ang suot na relos. Alas nueve na ng umaga at may mga mensahe si Sebastian sa kanya na pinapaalala ang dinner date nila mamaya kasama ang fiancee nito. Kaagad siyang nagpadala ng reply at itinuloy na ang pagbibihis. Wala silang gig ng kanyang mga kabanda noong araw na iyon kaya naman napagdesisyunan niya na umuwi sa kanyang apartment at mag-relax saglit. Pumipintig pa ang ulo niya dahil sa mga nainom kagabi at ayaw niya namang sagutin ang tawag ng kanyang mga magulang dahil paniguradong guguluhin lang siya ng mga ito at pipilitin na tumigil sa pagbabanda.
Papalabas na siya nang mapansin ang makinang na bagay na nakalagay sa isa sa mga wine glasses na nakakalat sa ibabaw ng drawer. Napakunot ang noo niya nang mapagtanto na hindi iyon naisuot ng babaeng nakasama niya kagabi. Sinipat ni Stefan ang singsing ngunit walang pangalan o initials man lang na nakaukit doon. Mukha pa namang mamahalin ang singsing at ipinasadya dahil bihira lang ang nakaka-afford ng ganoon kalaki na emerald stone. Ipinagkibit-balikat niya na lamang iyon at iiwan sana ngunit may kung anong bumubulong sa kanya kaya naman ibinulsa niya iyon at binayaran na ang bill niya at ng mga kaibigan niya.
Dahil hindi dala ang sarili niyang sasakyan ay walang nagawa si Stefan kung hindi ang tumawag ng taxi at magpahatid na pauwi. Habang lulan ng sasakyan ay hindi niya mapigilan ang sarili na alalahanin ang babae kagabi. Mula sa mapupungay nitong mga matang nakatago sa ilalim ng makakapal na salamin, hanggang sa kanyang mga labing mamasa-masa dahil sa alak. Sa tingin niya ay hindi ito ang tipo ng mga babaeng madalas niyang makilala. Halata naman na hindi ito sanay uminom ng alak. Mabilis itong malasing. At… may lungkot sa mga mata nitong pilit nitong itinatago, lalo na kapag nababanggit nito ang fiance nito.
Parang nais murahin ni Stefan ang sarili. Hindi niya naman ugali ang ganoon, lalo na ang pag-alala sa mga naikama niya. He was a jerk and would always be like that. Kaya naman bakit ngayon e nakakaramdam siya ng kaunting concern kapag iniisip na baka kasama ng babaeng iyon ang fiance nitong hindi naman nito gusto? Bakit pa ito tutuloy sa kasal kung hindi naman pala nito mahal ang lalaki? Hindi ba at mas lalo lang nitong masasaktan ang kung sino mang lalaking iyon, pati na rin ang sarili nito?
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Hay, Stefan Andrius. Stop thinking about other people’s problems. Mind your own.
His attention was piqued by that woman, so it seemed. Hindi maintindihan ni Stefan kung bakit pakiramdam niya ay kilala niya ang babae, kung hindi man ito pamilyar. Para bang minsan niya na itong nakilala, o hindi naman kaya ay may kakilala siya na kilala ang babae. But how often does he feel that kind of stuff? Madalas. He was a show-person. Musikero siya at maraming nakikilala araw-araw at gabi-gabi dahil parte na iyon ng trabaho niya. But the woman did not look like a fan, since she did not recognize him.
My god, Stefan. Stop it.
Maybe it was guilt. Guilt for sleeping with a soon-to-be married woman. But Stefan chose to ignore his feelings and decide to sleep in until it was almost nightfall. Alas sais na nang magising siya kaya naman kaagad siyang bumangon at nagbihis. May dinner date siya kasama ang nakakatanda niyang kapatid na si Sebastian at ayaw niya naman na magbigay ng masamang impresyon sa magiging sister-in-law niya. His older brother wanted them to get along. And he would not ruin the evening for anyone.
He chose to wear white long sleeves and slacks for the evening. Habang nakaharap sa salamin ay muli na namang napukaw ang kanyang atensyon ng singsing na naiwan ng babaeng nakasama niya. Sa hindi niya maintindihang dahilan ay ibinulsa niya iyon at pinaalalahanan ang sarili na ipakita kay Sebastian, sa pagbabaka-sakaling may alam itong paraan kung paano niya ulit makikita ang may-ari niyon. Pagkatapos masuklayan ang buhok niyang may pagka-kulay itim at tsokolate ay kaagad na tinungo ni Stefan ang kanyang asul na Audi at sumakay sa loob niyon. Pinaharurot niya ang kanyang sasakyan patungo sa isang pamosong five-star restaurant kung saan naghihintay ang kanyang kapatid at nobya nito.
Hindi malaman ni Stefan kung bakit nanlalamig ang kanyang mga palad. Wala naman siyang dapat na ikabahala ngunit heto at mabilis ang t***k ng kanyang puso habang ipinaparada ang kanyang Audi. Pagpasok na pagpasok ay kaagad niyang natanaw ang kanyang kapatid. Kumaway ito at tinawag ang kanyang pangalan. Natigilan si Stefan. Pamilyar ang kasama nito…
Desarae
“Have I already told you, precious? My brother’s a part of a popular band. He’s the vocalist and main guitarist of Lilith. It’s pretty popular here and overseas,” basag ni Sebastian sa katahimikan habang hinihintay nilang dumating ang kapatid nito. Bahagya kasing napaaga ang punta nilang dalawa sa five-star restaurant kung saan nito at ng kapatid nito napag-usapan na kumain. Wala namang kaso sa kanya dahil medyo nababagot na rin siya sa kanyang apartment.
“Talented siguro ang kapatid mo, Seb,” komento niya na ikinatawa ng lalaki.
“Yeah, he’s the most talented among us, Meyers. I’m more into numbers and business. I don’t know, maybe it’s because of my parents? They expect me to take over, anyway.”
Malungkot siyang napangiti. “Pressure, huh.”
Masuyo nitong kinuha ang kanyang kamay at hinagkan iyon. “I promise, if ever we have kids, I won’t pressure them and control them.”
The mere thought did not disgust Desarae. Hindi niya naman talaga ayaw si Sebastian. Sino ba namang hindi magkakaroon ng kaunting paghanga sa lalaki, ganoong halos perpekto ito? Ngunit sadyang hindi lang nakikita ni Desa ang sarili na ikinakasal sa lalaki. Magkaiba ang paghanga sa pagmamahal at alam niya kung nasaan siya sa dalawang iyon.
“Back to my brother, I really want you guys to meet. He’s constantly pressured by our parents and I guess it would help if he meets someone like you,” malambing na saad ni Sebastian. “And then, after the dinner, maybe we can…”
Hindi nito itinuloy ang sasabihin nito ngunit nagtanim naman ang lalaki ng matamis na halik sa kanyang labi. Napangiti na lamang siya at tumango. Halata namang nag-e-effort si Sebastian na mas maging maayos pa ang kanilang relasyon at mapunan ang kanyang mga pangangailangan. Ang tanging kailangan niya lang gawin ay bigyan ito ng pagkakataon. Pagkakataon upang paibigin siya nang tuluyan.
Natigilan ito nang may makita sa kanyang likuran. Nilingon siya ng lalaki. “My brother’s here.” Muli nitong ibinalik ang tingin sa may pinto ng restaurant at tinawag ang atensyon ng lalaking kakapasok pa lang. “Stefan! Over here!”
Nilingon niya ang kinakawayan nito na kaagad niyang nais pagsisihan lalo na nang matingnan niya ang pamilyar na pigura ng lalaking katulad niya ay tila nabato rin sa pagkasorpresa.
Sadyang maliit ang mundong ginagalawan ni Desa, ngunit bakit sa lahat ng maaaring maging kapatid ni Sebastian, bakit ang lalaki pa?