“Wala ka bang napapansin, Desa?”
Nangunot ang noo ni Desa sa itinuran ni Helena. Abala kasi siya sa pagsimsim sa orange juice na hawak niya at pakikipagkuwentuhan sa kaibigan nilang si Fritz. Ang isa pa naman nilang kaibigan na si Tara ay abala sa pakikipag-usap sa isa sa mga lalaking nasa may bar area. Nang lingunin niya ang kaibigan ay napansin niyang nakatuon ang atensyon nito sa kumakanta sa stage. Narinig niya kanina na may isang sikat na banda raw na tutugtog noong gabing iyon ngunit sa kanyang pagkasabik na makipagkuwentuhan ulit sa kanyang mga kaibigan ay hindi niya na iyon napagtuunan ng pansin. Hindi rin naman kasi siya fan at mas lalong hindi niya kilala ang bandang iyon.
“Anong meron?”
Nagkibit ang balikat ni Helena. “Ako lang ba, o tinititigan ka no’ng vocalist ng banda?”
Muling bumalik ang kanyang tingin sa kumakanta. Bahagyang napasikdo ang kanyang dibdib nang mapansin na tinitingnan siya ng lalaking umaawit, habang halos karamihan ng mga babae sa paligid ay tinitilian ito. Napalunok siya ngunit hindi niya iyon ipinahalata sa mga kasama niya. Bumalik na lamang si Desa sa pag-inom sa orange juice na hawak nito. “Baka may iba siyang tinitingnan, Lena. Impossible namang ako ‘yon. Malay mo, ikaw.”
Tumawa naman si Helena. “That’s impossible, Des. Halatang sa ‘yo nakatingin si pogi.”
Naiiling na tinawanan niya na lamang ang kaibigan. “Lena, stop that. Alam mo namang engaged na ako. Sebastian’s…”
“What, a nice guy?” singit ni Fritz. “Come on, Des! Alam naman nating lahat na hindi mo gusto ‘yong tao. Na napipilitan ka lang dahil sa ninong mo.”
Siniko ni Helena ang kanilang kaibigan. “Shut up, Fritz. Ang pogi kaya ni Sir Sebastian! So technically, hindi lugi si Desa, okay?”
“But Lena, love’s different from being lucky. Hindi naman puwedeng pilitin ni Desa na mahalin si Sir Sebastian kung hindi naman talaga kaya!”
Napapalatak siya at pinatigil ang kanyang mga kaibigan. “Hey, guys, stop arguing, okay? I already made a choice. Papanindigan ko ‘to. Plus, I’m sure hindi naman magiging mahirap sa ‘kin na mag-adjust. Kagaya nga ng sabi n’yo, Seb’s a good guy. That’s more than enough for me. Madali na lang matutuhan na mahalin siya.”
Hindi na umimik pa ang mga ito, alam naman kasi ng kanyang mga kaibigan na malaki at malalim ang rason niya kung bakit nais niyang tumuloy sa kanyang engagement at kasal kay Sebastian kahit na hindi niya naman ito mahal. Mayamaya ay nakaramdam na si Desa na kailangan niyang gumamit ng banyo kaya naman saglit siyang nagpaalam sa mga ito na pupunta lang sa restroom ng club. Tumango naman si Fritz at nagboluntaryo na babantayan ang kanilang mga lamesa habang si Helena naman ay nagtungo na sa mga grupo ng nagsasayawan kung saan naroroon si Tara.
Natulala na lamang si Desa habang nakatitig sa salamin. Her mind was racing since she came home from the dinner celebration and she could not stop herself from feeling… uncertain. Tama ba ‘tong ginagawa ko? hindi mapigilan ni Desa na tanungin ang kanyang sarili. Importante ang kanyang pinoprotektahan ngunit paano kung sa pag-aasam na hindi masaktan ang mga ito, ay makasakit naman siya ng ibang tao?
“Hey, your head’s in space again,” untag ni Tara sa kanya na hindi niya namalayang pumasok sa loob ng banyo. “Not enjoying? You can leave early, if you want…”
Ngumiti siya. “Hey Tara…”
Napakunot ang noo nito. “Wait, are you alright? You don’t look good, hun. Baka naman mamaya pagod na pagod ka na tapos hinila ka pa ni Lena rito sa Red Angel…”
She sighed. “No, I’m just… thinking about what Fritz said. About my engagement. Well, you know the deal, so I won’t elaborate anymore.Pero Tara… tingin mo ba tama ang desisyon ko na pakasalan si Sebastian?”
Sandaling hindi umimik ang kanyang kaibigan. Ngunit mayamaya ay ngumiti ito at tinapik siya. “Look, personally, I’m not happy with your decision. Para kasing mas ipinapakita mo lang sa Ninong Timothy mo na susunod ka sa kanya kahit na anong mangyari. But, knowing you, alam ko na importante rin sila sa ‘yo. Plus, I have never been in your shoes. Kaya wala akong karapatan na sabihin sa ‘yo na masama ang ginagawa mo. Pero ang sa ‘kin lang, Des… take care of yourself too… You deserve to be genuinely happy. Try out some new things, girl…”
Nang makabalik sila sa table nilang magkakaibigan ay napakunot ang noo ni Desa nang makita ang lalaki na kanina lamang ay nasa stage na ngayon ay nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan. Pangiti-ngiti pa ito at palingon-lingon, tila may hinahanap. Nang makabalik siya sa kanyang kinauupuan ay kaagad siyang siniko ni Fritz. “Sabi sa ‘yo, sa ‘yo nakatingin, e,” pabulong na sabi nito bago ininguso ang lalaki.
Hindi naman nagbago ang mood ni Desa. Blangko pa rin ang kanyang mukha. “O, anong kailangan?”
“I was actually kind of… wanting to ask you if I can buy you a drink?” nakangiti na tanong nito.
Isinara ni Desa ang bag niya at tiningnan ang lalaki. Rumepeke siya ng ngiti. “Sorry, hun. I’m good.”
The guy shrugged and walked away. Pinanood pa ni Helena at Tara na maglakad ito papalayo bago siya binalingan. “Holy cow, Hannah Desarae! How can you turn down a guy like that?” bulalas ni Helena. “Ang pogi kaya!”
She just shrugged. “Engaged na ako, Helena. Ayoko ng komplikasyon sa buhay ko.”
Nang maburyong ay napagdesisyunan nilang magkakaibigan na lumipat sa bar area. Dahil ayaw niyang magpakalasing masyado ay um-order lang siya ng light drink. Inihatid naman saglit ni Fritz sina Helena at Tara dahil lasing na lasing na ang mga ito. Hihintayin lang ng lalaki na makasakay ang mga ito ng taxi pauwi, pagkatapos ay siya naman ang ihahatid ng kanyang kaibigan dahil magkalapit lang ang apartment na kanilang tinutuluyan.
Hinayaan niya ang kanyang ulo na sumunod sa beat ng tugtugin. Nilapag niya lang saglit ang baso ng martini on the rocks sa kanyang tabi at tiningnan kung may message ba si Seb sa kanya. Kaagad niya naman itong ni-reply-an nang malaman na mag-di-dinner sila bukas kasama ang kapatid nito at nararamdaman niya na naman ang unti-unting pamumuo ng tensyon sa kanyang katawan. She let out deep breaths and focused on the song once again before turning off her phone again. At least, in that way, she could relax for a little bit. Mahirap naman kung papagurin niya ang kanyang sarili kakaisip. Buo na ang desisyon niya. Bakit kailangan niya pa na mag-alala?
Akmang iinumin niya ang laman ng kanyang baso na kanina ay ibinaba niya nang tabigin iyon ng isang lalaki mula sa kamay niya. Sisigawan niya sana ito ngunit natuliro siya nang makita kung sino iyon at kung ano ang ginagawa nito. Ang tumabig ng kanyang inumin ay walang iba kung hindi ang bokalista ng banda na tumugtog kanina, na kasalukuyang abala sa pagkuwelyo sa isang lalaki na may hawak na maliit na pill box. Napaatras siya nang tumama ang kamao ng bokalista sa mukha ng lalaki at ang kaguluhan ay humatak na ng atensyon mula sa mga nasa paligid at nagkakasiyahan.
“Stef–”
“Look, assh*le. Is that how you get your f*cking girls, huh? Ro*fie the s**t out of them?” sigaw nito habang inaalog ang lalaking tila nahilo yata sa pagkakasuntok nito. Tuluyan na siyang napahiyaw nang muli na namang dumapo ang kamao nito sa kaharap. Kung hindi lang ito pinigilan ng mga kasama nito ay baka nalamog ang mukha ng lalaking katabi niya. Sa puntong iyon ay dumating na ang security ng Red Angel, ang iba pa nga ay may bitbit na mga baril. Kinausap ng bokalista saglit ang mga ito at sinabi ang mga nakita nito. Nilalagyan pala ng lalaking katabi niya ng ro*fie, o ro*ypnol, isang kilalang date-r*pe drug na ginagamit ng ibang mga tao para makapanamantala. Isang uri kasi iyon ng malakas na tranquilizer na siguradong malakas ang epekto sa kung sino mang makakainom. And if not for that guy, she could have been… she could have… Ano na lang ang sasabihin ni Seb sa kanya? Ng mga magulang nito? Ng ninong niya? Paano kung may mangyari sa kanya, ano na lang ang iisipin ng mga ito sa kanya? Kapag nangyari iyon, siguradong ma-di-disappoint si Seb at–
“Are you alright? I’m sorry if I rashly spilled your drink,” nag-aalalang tanong ng lalaki sa kanya. Ramdam ni Desa ang panginginig ng kanyang mga kamay na nakita naman ng lalaki. Bahagyang napatalon ang kanyang puso nang hubarin nito ang suot nitong leather jacket at ipinatong sa kanyang magkabilang balikat bago siya inalalayan palayo sa kumpulan ng mga tao.
Pinaupo siya nito sa isa sa mga bakanteng lamesa at sinenyasan ang isa sa mga waiter na dalhan siya ng tubig. Kaagad namang tumalima ang inutusan nito at bumalik na may bitbit na isang bote ng mineral water. Kaagad niyang kinuha iyon at inubos ang laman habang tahimik lamang siyang pinapanood ng lalaki.
Maybe it has not sinked in her head yet that someone was trying to take advantage of her. Or maybe it was... just a normal thing to her. Her Uncle Timothy used to do that to her when she was a teen, and it was no surprise to Desa anymore when someone wanted to use her to their advantage. Of course she tried to tell somebody. She even tried to tell the police but she was turned down. Now, she was more scared of the thought of having people around her, judging her over and over even though she was a victim. She was scared of being scrutinized, especially by Seb. She was a perfect girlfriend. And the least thing she should have done was to party without her fiance–
“Hey, miss… It’s alright now. You’re safe,” saad ng lalaki bago marahang hinaplos ang kanyang kamay. “Where are your friends? Bakit mag-isa ka na lang–”
“The girls headed home already, hinatid sila ni Fritz,” tipid na sagot niya bago nasapo ang kanyang ulo. “I’m just… a little bit shaken and drunk. I can’t think straight and–”
The guy sighed. “Then I’ll stay with you. Don’t worry, I mean no harm. I’m just concerned about you. I hate seeing people taking advantage of others just like that.”
Sumenyas ito ulit sa lalaki at um-order ng beer habang siya naman ay tinatawagan si Fritz.Ngunit hindi sumasagot ang lalaki, at pihado niya na lasing na lasing na rin ito. Tahimik lang siyang dalawa ng kasama niya habang ito naman ay nakatingin sa mga taong nagkukumpulan, iniinom ang beer nito.
“You really don’t look good, Miss. Are you sure you’re fine?”
Tumango siya. “Yeah, I am. I’m just… having a lot of thoughts running in my mind right now.”
Mahina itong natawa. “We’re actually the same. I have a lot of things in my mind right now. My schedule’s kind of busy and… well, I can’t really leave you alone here. Who knows who might try to do that again.”
Ngumiti siya. “Thanks. And sorry for taking too much of your time.”
Iwinagayway lang ng estranghero ang kamay nito. “It’s all good. Besides, I could use some new companions tonight. Nakakaurat na ‘yong mga kabanda ko na puro jowa ang inaatupag.”
Nakitawa na lamang si Desarae at tumitig sa lapag. Bagaman bahagya nang humupa ang panginginig ng kanyang katawan ay hindi pa rin siya nagtangka na tumayo at umalis na. Mababa lang kasi ang alcohol tolerance niya at ngayon ay nararamdaman niya na ang pag-epekto niyon sa kanyang sistema. Balak niya sanang hintayin na lang si Fritz na bumalik ngunit tila nakalimutan na siya nito.
“Engaged ka na pala.”
Napatingin siya sa lalaki. Pagkatapos ay sa daliri niya. Mahinang tumawa si Desa. “Yeah. I just got engaged.”
Lumagok muna ito ng alak. “Bakit hindi ka na lang magpasundo sa boyfriend mo? It’s getting late already.”
Umiling siya at mapaklang tumawa. “No, I can’t do that. Tulog na ‘yon. And besides, I don’t want him to get mad or disappointed when he learns that I’m in a bar…”
Nalukot ang mukha ng lalaki. “Bakit naman siya ma-di-disappoint? It’s normal for people to have fun. And besides, what’s wrong with hanging out with your friends? You’re not murdering people, for f*ck’s sake.” Mahina itong tumawa. “Reminds me of my folks. Galit na galit ‘yon kapag nalalaman nila na nasa club ako pero ‘wag ka, kapag may corporate parties sila, palagi silang umuuwi na lasing. Sometimes hypocrisy…” He shrugged. Then he smiled. “Sorry for the rant. I just can’t help it.”
Sumandal siya sa kanyang kinauupuan. “Ayos lang, naiintindihan ko naman kung saan ka nanggagaling. Well, mabait naman ang fiance ko. Ayaw ko lang na… mag-iba ang tingin niya sa ‘kin.”
Para itong nasamid sa iniinom nito. Pagkatapos ay tiningnan siya ng lalaki. “You don’t sound happy whenever you mention your fiance,” puna nito.
Malungkot siyang napangiti bago sinulyapan ang lalaki. “Well, let’s just say that… I’m marrying him out of convenience. You finish the puzzle.”
Napatango-tango ito bago inubos ang huling laman ng bote nito. Pagkatapos ay nilingon siya ng lalaki at pagkatapos ay sa mamahaling relos na suot nito. “But hey, you still need to call that guy. He has to fetch you. Or… you can stay in one of our VIP rooms upstairs. Pwede kang makigamit, i-pa-pa-charge ko na lang sa ‘kin. I’m a little bit tipsy already too, anyway, kaya magpapahatid na lang ako sa driver.”
Bago sumagot ay muli niyang tinawagan si Fritz. Hindi pa rin ito sumasagot Kahit na umiikot ang paningin at alam na hindi siya dapat magtiwala sa lalaking kakakilala niya pa lang ay sumunod si Desa patungo sa VIP area. Nagtungo ito sa isa sa mga silid doon at binuksan ang pinto. Pumasok ang estranghero sa loob at sinenyasan na rin siya na pwede na siyang magpahinga.
Halos pareho na silang hindi makatayo nang ayos. Sa kanyang paglalakad pa nga ay muntik na siyang matumba, kung hindi lang siya nahawakan ng lalaki sa beywang. Parang saglit na huminto ang ikot ng mundo ni Desa. Tila ba nakalimutan niya ang lahat ng kanyang mga problema nang makita niya ang berdeng kulay ng mga mata nito.
Bumaba pa ang kanyang tingin, hanggang sa mapako ang kanyang titig sa mamasa-masang labi ng lalaking tila…
"Miss—"
"I just want to be perfect, do you know that?" mahina niyang bulong.
His lips were warm and inviting when she pressed hers on them, and maybe, just maybe, Tara was right. Desa should really try new things, even for one night.