Stefan groaned as he reached the backstage. His back and head was already killing him for hours.Isama na rin ang kanyang ulo na ayaw makisama. May hungover pa siya mula sa inuman session nila nina Axel at Jake kagabi. Pumipintig pa nga ang ulo niya kanina habang nagpe-perform, buti na nga lang at nakayanan niyang labanan iyon nang hindi napapansin ng libong nanonood sa kanila. Inalis niya ang kanyang electric guitar na nakasabit sa kanyang balikat at maingat na inilapag iyon sa sofa bago sumalampak doon.
“You tired, Stefan?” bungad sa kanya ni Axel bago siya hinagisan ng isang bote ng ice-cold coffee na nabili nito sa convenience store. “May gig pa tayo sa Red Angel, baka nakakalimutan mo.”
He shrugged. “Masakit lang likod ko, Ax. I’m good. Isa pa, last naman na ‘yon ngayong gabi. I can finally take a rest.”
Tumawa naman si Jake at ininguso ang kanyang smartphone na nag-ba-vibrate.. “Tough luck, dude. Mukhang kanina ka pa tinatawagan ng parents mo at ni Seb.”
Mas lalong nalukot ang mukha ni Stefan. Sa lahat ng ayaw niyang mabanggit, iyon ay ang kanyang mga magulang. Panigurado kasi na sesermonan lang siya ng mga ito sa telepono at sasabihan ng walang kuwenta. He purposely missed that engagement dinner with his brother’s fiancee. Alam niya na kasi ang takbo ng usapan. Ikukumpara na naman siya sa kanyang Kuya Sebastian. Sa mga mata ng mga ito, ang kanyang Kuya Sebastian lang naman ang magaling at mabait dahil ito ang napapakinabangan nila sa negosyo. Pero siya? Wala lang naman daw siyang alam kung hindi musika. Pagbabanda. Para sa mga ito, mali raw iyon. Masyadong rebelde ang dating. Walang kinabukasan.
But he proved them wrong and would still prove them wrong. Mahal niya ang ginagawa niya at walang ibang makakapagpabago sa isipan niya, kahit na ano pa ang sabihin nila.
Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong-hininga bago tumayo at kinuha ang kanyang smartphone. “Sasagutin ko muna ‘to. Tapos, biyahe na tayo para sa next gig.”
Medyo malayo rin ang nilakad niya bago sinagot ang tawag ng kanyang nakakatandang kapatid. Ayaw niya rin naman kasing marinig ng ibang tao ang issue niya sa pamilya niya. His bandmates already knew how f*cked up his relationship was with his parents. Close naman sila ng kanyang Kuya Sebastian ngunit may mga panahon pa rin na hindi sila nagkakaintindihan, siguro ay dala na rin ng kanilang pagkakaiba. Katulad kasi ng kanilang mga magulang, si Sebastian ang tipo ng tao na masyadong responsable. Sa sobrang pagkaresponsable ay nakakalimutan na nito na magsaya.
“Hey, Seb. How’s your proposal party?” bungad niyang bati sa kanyang kapatid.
Mahina naman itong tumawa. Sa background ay naririnig niya ang malamyos na tugtugin ng bagong album ng Lilith, ang kanyang banda, na tumutugtog. “It went well, Stefan. She said yes and her ninong really liked me. Anyway, it was a shame that you missed it. I was really hoping to introduce you two. She was around your age.”
Siya naman ang pagak na natawa. “Alam mo naman na may concert ako ngayon, Seb. It was a shame that you missed it. Besides, may gig pa ako mamaya.”
“You have a concert, or you’re just avoiding Mom and Dad?” Hindi siya umimik. “Look, Stefan… they just want the best for you. Alam mo naman na kapag nawala ko, ikaw ang papalit sa ‘kin. They just want you to tighten up a little bit, ‘kay?”
“Seb, they want me to quit music,” diin niya. “Tightening up a little bit and quitting were two different things. And besides, mas maigi na hindi ako pumunta sa dinner party mo. Alam mo naman na papagalitan na naman nila ako at lilitanyahan dahil kahihiyan daw ako sa pamilya. Plus, stop talking about dying, man. I want you to live longer, okay?”
Black sheep. Ganoon ang trato ng kanyang mga magulang kay Stefan. Kung halos sambahin ng mga ito si Sebastian sa tuwing may accomplishment ito, kabaligtaran naman sa kanya. Kahit na nagiging popular na ang kanyang banda na ilang taon niya ring pinaghirapan, ‘ni minsan ay hindi niya nakita ang kanyang mga magulang na sinuportahan siya sa kanyang hilig at pangarap. Si Sebastian pa nga ang nagbigay sa kanya ng pera para sa debut album nila. Si Sebastian din ang nagtulak sa kanya na kumuha mag-music major pagkatapos ng kanyang Business Administration course na ipinilit-pilit sa kanya ng kanyang mga magulang. Seb has always been there for him. Ito lang kasi ang nakakaintindi sa kanya. Kaya naman kung may pagkakataon, gagawin niya ang lahat para lang maprotektahan at mapasaya ang kanyang nakakatandang kapatid.
“Well, how about dinner tomorrow? With my fiancee, of course. Wala ka namang gig bukas, ‘di ba?”
Ngumiti si Stefan. “No mom and dad?”
“Yeah, no mom and dad. Promise.”
“M’kay. Just text me the address and time. I gotta roll, Seb. Ma-le-late na ako sa gig ko sa Red Angel.”
“Rock, brother. Good night. I owe you one concert!”
Mahina siyang natawa sa kanyang kapatid. Binaba na nito ang tawag at paniguradong matutulog na rin ito. Bawal si Sebastian na magpuyat o hindi naman kaya ay magpaka-stress. Kaya naman hindi niya ito pinipilit na pumunta sa mga concert niya at gig dahil alam niya na mapapagod lang ito. Ngunit minsan ay tumatakas ito at palihim na nagpupunta para bilhan siya ng pagkain at panoorin ang kanyang pagtugtog kaya naman kilala na rin ito ng kanyang mga kabanda. Para na rin nakakatandang kapatid ang turing ng mga ito kay Seb.
Parang santo nga, kahit na sino pa ang tanungin.
Nang matapos ayusin ng kanilang mga assistant ang kanilang gamit ay kaagad na sumakay si Stefan at ang kanyang mga kabanda sa minibus nilang magkakaibigan. May sari-sarili naman silang kotse ngunit kapag may gig ay iyon ang ginagamit nilang lahat. Isa pa, nagagalit si Axel, ang kanilang drummer at pinakamatanda sa banda, kapag may na-le-late sa kanila. Madalas ay siya iyon kaya naman hindi talaga siya nito pinapaligtas.
“Anyway, bakit lukot na naman ang mukha mo, Jake?” usisa ni Axel sa kanilang bassist. “Kanina ka pa mukhang namatayan.”
Inakbayan niya ito. “Paano ba naman, nakipag-break na naman sa kanya ‘yong girlfriend niya!” Nang-aasar na tumawa si Stefan. “Sabi ko naman sa ‘yo, hindi ka kasi dapat nakikipag-commit! Tingnan mo ngayon, naiiwan kang mukhang tanga!”
“F*ck you, Stefan Andrius! ‘Wag mo ‘kong itulad sa ‘yo na mas mabilis pa sa pagpapalit ng underwear ang pagpapalit ng babae! Isa pa, hindi siya nakipag-hiwalay, ayaw niya lang na magpakasal na kami kaagad!” asar na saad ni Jake. “Kunsabagay, hindi pa rin naman kami parehong handa para magkapamilya.”
Hindi umimik si Stefan. Sa kanilang magkakaibigan kasi, siya ang tipo na hindi talaga napipirmi. Hindi rin naman siya pumapatol sa babaeng gusto ng matinong relasyon. Gago na nga siya, maghahanap pa ba siya ng gagaguhin? Iyon ang madalas niyang isinasagot sa kanyang mga kaibigan at kapatid sa tuwing tinatanong nila kung kailan siya magkaka-girlfriend. Kaya tuloy mas lalong pumapangit ang imahe niya sa kanyang mga magulang. Ang kay Stefan lang, ayaw niyang pumasok sa isang relasyon dahil lang gusto ng mga tao sa paligid niya, o dahil tumatanda na siya at kailangan niya nang maghanap ng mapapangasawa. Hindi naman siya katulad ng kanyang nakakatandang kapatid na mabilis makakahanap ng babaeng magmamahal dito nang matino. Who would even want the problematic Stefan Andrius Meyer, anyway? He was just a black sheep. Without Lilith and the Meyer family name, he would be nothing.
Nang marating niya ang Red Angel, hindi niya inakala na mahaba ang pila sa labas. Buti na lang at performer sila kaya naman kaagad silang pinapasok ng bouncer. Habang naglalakad papasok sa sikat na club ay napukaw ang kanyang atensyon ng isang babaeng tila… hindi naaayon sa lugar.
May makeup siya sa mukha ngunit makapal ang salamin niya. Hindi katulad ng ibang mga nag-pa-party sa lugar ay simple lang ang damit nitong maluwag na bestidang hanggang sa ibabaw ng hita ng dalaga. Mababa lang ang heels ng suot na sapatos. Her drink was…
“Orange juice,” natatawang bulong niya bago tumuloy sa backstage.
It was weird. She was out of his league and not his type but he was… drawn. Too drawn that when he went to the stage to perform, his eyes locked on her, wondering if she would listen to his songs.
“Baby, do you know I’m drawn to you?
Baggy jeans, thick glasses, you were never my type
But baby, no one can do it like you do
You make my heart beat in a hype
Stay still, I’m coming for you”