XII

1378 Words
Napakunot ang noo ni Desa nang sa pagdilat ng kanyang mga mata ay ang nakangiting mukha ni Sebastian ang kanyang nabungaran. Sinusuklay pa nito ang buhok niya. Nasa kama na sila at balot na balot siya ng kumot habang ang lalaki naman ay hubad-baro. "Seb..." "Good morning, precious..." Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi sa itinuran ng lalaki. Hindi naman na bago sa kanya ang eksenang ganoon dahil ilang beses na rin naman silang nagtalik ngunit... kakaiba ang umagang iyon. Para bang may nagbago sa kanya at sa lalaki. Sa kanilang relasyon. Siguro ay dahil sa nangyari kagabi? O dahil ngayon ay mas na-a-appreciate niya na ang mga effort ng lalaki para sa kanya? "Magluluto na muna ako ng agahan, Seb..." Napapalatak ito at hinila siya papahiga. "Mamaya na... Can we stay a little bit?" "Hindi ba dapat naghahanda ka na kasi may trabaho ka ngayon?" Tumawa ito. "I called in. Told Mom I was sick and you're taking care of me." "Steven Sebastian!" Tumawa lang ito at hinagkan siya sa labi. "Please, precious? I really want to spend some time with you..." She sighed. "Fine..." Deep inside, maybe that was what she wanted too. She wanted to know him more. His aspirations, his goals, his dreams, his wants and needs... She wanted to know who Sebastian Meyer is. Because even though there were three months left before the wedding, she felt as if she was still a stranger to him. And maybe Stefan was right. She was bound to hurt him. She did not even know how to love him right, how to understand him and his antics. Paano pa kapag nagsasama na sila sa iisang bubong? Palagi na lang ba na ito ang magpapaubaya para sa kanilang dalawa? "I'm really glad you answered my call last night," bulong nito bago siya niyakap. "I was about to go crazy while stopping myself from touching myself..." Mahina siyang natawa. "No one's stopping you from doing that, Seb... Like no one's stopping you from calling me and coming over whenever you need me. I'm your fiancee. Obligasyon at responsibilidad ko 'yon." He pouted. "I don't want to make you uncomfortable, Des..." She sighed before embracing him back. "We still have boundaries between ourselves, don't we?" Sa isang iglap ay nakalimutan niya ang usapan nila ni Stefan kagabi. Pati na rin ang kakaibang sensasyong naramdaman niya sa kapatid ng kanyang mapapangasawa. Tila ba ang presensiya ni Sebastian ang tanging kailangan niya para malagay sa payapa ang kanyang pusong natatakot sa kakalabasan ng mga bagay-bagay. "I'm just... scared sometimes that I'm being a jack-ass. I've longed to be your husband ever since you were a college sophomore. And I'm not going to waste my shot... Mahal kita, Desarae..." Muling inangkin ng lalaki ang kanyang mga labi. At bagaman naaalala niya ang unang sandaling kumatok siya sa pintuan nito at ang unang beses na sila ay nagkakilala, hindi pa rin niya makapa ang mga tamang damdamin na dapat ay isinusukli niya sa lalaki. Once again, she was confused. Confused of her feelings, of their situation, of what people has been telling her to do. "Seb..." mahinang tawag niya sa pangalan nito. "I really need to cook breakfast..." He chuckled. "Maybe you'll do nicely as my breakfast, missy." "Pervert." Mas lalong lumakas ang tawa nito bago bumangon. Nagsuot ng boxers ang lalaki at saglit siyang sinulyapan. "Anong gusto mong agahan? Ako na magluluto." Bumangon na rin siya at nagbihis. "Tutulungan na kita." She could not say that Sebastian Meyer was entirely dull and boring. He was just sometimes reserved. Bihira lang ito magpakita ng mga emosyong sa tingin nito ay hindi naman babagay sa imahe nito. Everybody knew him as the saint, anyway. Unlike his brother, Stefan. But why would she expect him to be righteous and good, anyway? People had different parts of themselves. There would always be gray areas and she knew that Seb had some parts of him that were... wilder than her imagination. Siguro ay gusto niya talaga na maging komportable sila sa isa't isa. Marriage, after all, was not all about sweet and happy memories. Sometimes it was filled with pain and fighting. Dirty thoughts and passionate moments. And yet, she still did not know how to please him nor make him happy. Palaging ito ang nagbibigay. Ang nagpapaubaya, ang umaalam. Si Sebastian ang palaging galante. Siguro ay dahil na rin hanggang ngayon, ito lang ang may malalim na nararamdaman. "Precious, taste this," saad nito sabay subo sa kanya ng niluto nito. Tinugon niya naman ang inaalok ng lalaki at kaagad na nanlaki ang kanyang mga mata nang matikman iyon. Masarap magluto ang lalaki at hindi niya iyon maikakaila. "Seb, this tastes good!" bulalas ng dalaga. "Nahiya bigla ang luto ko..." Tumawa lang ang lalaki. "Hey, masarap naman ang luto mo, a... And besides, when we get married, we don't even have to do housework." Napasimangot siya. "Oo nga pala. Sorry po, Mr. Bourgeois." Naiiling na inayos ng lalaki ang pagkain sa plato niya bago inihain. Hinaplos pa ni Seb ang kanyang buhok at ngumiti. "Eat up, precious." Hinintay niya itong makaupo sa upuan nito at sinabayan sa pagkain. Pinangunahan ni Seb ang pagdarasal bago kumain bago siya sinenyasan na kumain na rin. Tahimik lang ang agahan na iyon ngunit napakaingay ng kanyang isipan. She knew she was being unfair. Seb was... A kind man. A loving fiance. At siya? Ano ba ang nagawa niya para sa relasyon nila? She has been nothing but some girl he decided to marry. A conniving one, on top of that. Hindi niya naman maikakaila na papakasalan niya ang lalaki dahil sa pera nito at tiyak niya na alam din iyon ni Sebastian. Nang matapos makapaglinis ng pinagkainan ay siya na ang naghugas ng mga iyon habang si Seb naman ay dumiretso sa living area upang maghanap ng mapapanood. Kahit naman kasi mayaman ang lalaki, hindi niya ito hinahayaan na gastusan siya ng malaki. She even barely let him spend on his things. Ayaw niya kasi ng ganoon. Isa pa, mali na nga ang dahilan niya kung bakit niya papakasalan ang lalaki, sasamantalahin niya pa ang kabutihang ipinapakita nito. "Des, kumusta na pala ang ampunan? I haven't visited since last last month," usisa ni Seb habang pinagmamasdan ang mga photo album sa lamesa. Kaagad namang nanigas ang katawan niya nang tanungin ng lalaki ang tungkol sa bahay-ampunan. Ayaw niya kasing nauungkat iyon dahil ayaw niyang malaman ng lalaki ang kanyang lihim. Tumikhim lang ang dalaga at pilit na itinago ang kanyang pamumutla bago naupo sa tabi ng lalaki. "They're fine, Seb. Tinawagan ko si Ninong last Monday." Inakbayan naman siya nito at hinila papalapit. "What if we visit them after the wedding? I want to see the kids." Tumango siya at ngumiti. "Okay..." Nang matahimik na ito sa panonood ng palabas sa telebisyon ay mas lalong sumama ang pakiramdam ni Desa. Mas lalo siyang binagabag ng sitwasyon. Ng damdamin niya, ng mga dahilan niya, ni Seb. At kahit hindi niya man aminin, alam niya at naiintindihan niya ang dahilan ng galit ni Stefan Meyer sa kanya. Kahit na anong pag-iingat niya pa, masasaktan niya ang lalaki. At kahit na sabihin niya pang hindi niya naman iyon intensiyon, iba pa rin ang magiging resulta ng lahat. Ngunit paano niya naman magagawang iwan ang lalaki dahil lang sa ganoon? Mas lalong maraming maaapektuhan at masasaktan. Mga taong umaasa sa kanya. Mga taong mahahalaga sa kanya. "Seb?" "Hmm?" She took a deep breath before talking. "Bakit ako?" Nangunot ang noo ng lalaki. "What do you mean?" "Bakit ako ang napili mong pakasalan? Ang daming babae d'yan na kaedad mo, na mas maganda... Mas matalino. I'm just—" Mahinang tumawa ang lalaki. "Does it matter if there's someone more beautiful than you? Ikaw ang gusto ko, Desa. Ikaw ang mahal ko. That's enough reason for me to marry you." Napalunok siya at pilit na itinago ang pamumugto ng kanyang mga mata. "You're really a nice person, Seb..." Umiling ito at mahinang tumawa. "No, precious. You bring out the best in me. Kaya kung sakaling maiisipan mo na iwan ako, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang buhay ko, Desa... Kasi sa 'yo na 'to umiikot. Ikaw na 'yong nagbigay ng kulay dito..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD