XVIII

1356 Words
“Seb?” Napalingon ang lalaking abala sa pagluluto sa harapan ng kalan ni Desarae. Saglit lang siya nitong tinapunan ng tingin bago bumalik sa ginagawa nito. Isinalin ni Sebastian ang dalawang itlog sa plato at pinatay ang kalan bago siya nilapitan. Nagtanim ito ng matamis na halik sa kanyang pisngi. “Hello, precious. Nakatulog ka ba nang maayos? Hindi na kita ginising nang maaga kasi alam ko naman na napagod ka…” Naghihikab na naupo ang dalaga sa isa sa mga upuan ng kanyang dining set at hinayaan ito na asikasuhin siya. Kung sa bagay, kahit na gusto niya man itong pigilan dahil ito ang bisita ay tiyak na hindi magpapaawat ang lalaki. Napangiwi siya nang maramdaman ang kirot sa kanyang sentido. Bahagyang masakit ang ulo niya at katawan, siguro ay dala na rin ng ginawa ni Stefan— Natigilan si Desa at napadilat. May sakit nga pala ang kapatid ng kanyang fiance. At… may nangyari sa kanila kagabi. Bakit parang nasasanay na siya? Alam niya na tatlumpung gabi lang iyon ngunit hindi mapigilan ni Desa na matutunan nang tanggapin nang unti-unti ang kanyang kalagayan. Malapit na niyang matapos ang kasunduan. Kaunting tiis na lang at makakalaya na siya sa pagkakahawak ni Stefan sa kanya. Humigit-kumulang tatlong buwan na lang bago ang kasal nila ni Sebastian. Ayaw niyang magmukhang mahina at mas lalong hindi siya papayag na maging dahilan pa ng kanilang paghihiwalay ang kanyang mga lihim. Kagaya nga ng madalas niyang sabihin sa sarili niya, maraming dumedepende sa kanya at hindi siya pupuwedeng bumigay na lang nang ganoon kadali. Maiintindihan naman siguro ni Sebastian ang kanyang dahilan. After all, pareho naman silang magkakaroon ng benepisyo. Nga lamang, pagdating sa usaping damdamin, may pag-aalangan ang dalaga. “Ang lalim naman ng iniisip ng mahal ko,” masuyong sabi ni Seb bago ito naupo sa kanyang tabi at hinaplos ang kanyang pisngi. Bakas sa berdeng mga mata nito ang pag-aalala. Pinadaan nito ang hinlalaki nito sa kanyang pisngi at pinisil nang mahina ang kanyang ilong. “May problema ba? You can talk to me, Desa.” Tipid siyang ngumiti at umiling. “Wala naman, Sebby… I’m just spacing out.” Napalabi ito. “Ganito na kaguwapo ang kaharap mo, lumilipad pa rin ang isip mo? Kailangan ko pa bang maghubad para lang matuon sa ‘kin ang pansin mo?” Pabirong inirapan ng dalaga ang kanyang nobyo. “Alam mo, para sa isang lalaking lumaki sa isang relihiyosong environment, napaka-halay mo. Oh, and another thing. Ang hangin naman po, Director.” “You’re so damn blunt, precious… That’s why I love you.” Tumatawang nagpalag ito ng mga kubyertos at plato sa harapan niya bago inumpisahang maghain ng pagkain. Tsaka niya lang napansin na hindi nakasuot si Seb ng normal nitong damit na amerikana na palagi nitong isinusuot kapag nagpupunta sa unibersidad. Bago pa man siya makapagtanong ay tumikhim si Seb, tila nabasa ang laman ng kanyang isipan. “Hindi muna tayo papasok ngayon, Des. Can we stay at home for a little bit?” Napakunot ang noo niya. “Pa’no ang trabaho mo? Trabaho ko?” He shrugged as he put a piece of sausage on her plate. “I can work here. Same as you. Don’t worry about it that much, precious…” Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong-hininga at inumpisahang kainin ang pagkain sa plato. “Naku, mukhang ako ang nagiging dahilan kung bakit nagiging pala-absent ang masipag na may-ari ng Meyer Educational Institute.” Nangiti lang ito ngunit hindi na nagsalita pa ang lalaki at tahimik na lamang na kinain ang pagkain nito. Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa makatapos na sila. Niligpit lang ni Desa ang mga plato at inilagay sa lababo bago hinanap ang kanyang nobyo na nagtungo sa kung saang parte ng kanyang maliit na apartment. “Huli ka!” Bahagya pa itong napapitlag nang yakapin niya ito mula sa likuran. May kaagad itong ipinasok sa loob ng bulsa ng slacks nito. Tumawa si Seb at kinalas ang kanyang pagkakapulupot ng kanyang mga braso, upang iharap siya at yakapin muli. Nagtanim pa ito ng halik sa kanyang bumbunan bago sumagot. “Wala naman akong balak tumakas.” Tumaas ang kanyang kilay at sinulyapan ang lalaki. “Talaga? Ibig sabihin ba no’n, sa ‘kin ka na?” Nakakaloko ang ngisi nito bago ikinulong ang kanyang mukha sa mga palad nito. “Oh, precious. I’m yours long before you even realized.” Parang sandaling nag-hang ang utak ni Desa nang makita ang tamis ng ngiti ng kanyang nobyo. Sinundan iyon ng mabilis na ritmo ng t***k nito na tila ba magpapakapos sa kanyang hininga. Never did it ever cross her mind that she was definitely falling for him already. Ang tanging pinapaulit-ulit niya lang sa kanyang isipan ay ito: nagiging tapat lang siya kay Seb dahil magiging asawa niya na ito at dapat niyang ituon ang kanyang pansin sa lalaki. “Like what you’re seeing?” pang-aasar nito sa kanya na kanya namang ikinatawa. Tumango siya at ikinawit ang magkabila niyang braso sa leeg nito. “I’m actually loving it… Sabi mo nga, sa guwapo mong ‘yan, sino ba naman ang hindi matutulala?” Hindi niya maikakaila na kahit papaano ay umayos na ang relasyon nila ni Seb sa isa’t isa kumpara noong una silang magkakilala. Mas naging komportable na siya sa lalaki at pakiramdam niya ay unti-unti nang nawawala ang kanyang tensyon sa tuwing nakakasama ang lalaki. Napapalitan ng iyon ng kakaibang sensasyon. Isang sensasyon na hindi niya inakalang mahahanap niya kay Sebastian Meyer. Maybe loving him was not really that hard, after all. Mahina siyang napatili nang pangkuhin siya ni Seb at dalhin sa loob ng kanyang silid. Nakahanda na ang kanyang sarili sa susunod nitong gagawin ngunit sa kanyang pagtataka ay nag-alis lang ang lalaki ng sapatos at nahiga na sa kanyang tabi. Napangiti ito nang tumagilid siya upang yakapin ito nang mahigpit. Isiniksik ni Desa ang kanyang sarili sa bisig nito at pumikit. “Punta tayo sa bridal shop bukas, Des,” walang kaano-ano na sabi nito. Ngumiti ang lalaki at nilingon siya. “Pili na tayo ng gown na isusuot mo.” “Parang mas excited ka pa kaysa sa ‘kin, Sebastian.” Lalong lumaki ang pagkakakurba ng mga labi nito. “Of course, I am. Excited na akong maiharap ka sa altar, ‘no.” Ah, sh*t… mahinang mura ng kabilang bahagi ng katauhan ni Desa. Hindi niya magawang maging masaya, o maging excited nang todo lalo na at alam niya na marami siyang inililihim sa lalaki, lalong-lalo na ang usapan niya at ng kapatid nito. Seb was a good man, that was undoubtedly true. And here she was, taking advantage of his kindness… In the back of her mind, Desa never believed that someone like Sebastian Meyer was capable of loving someone like her. She was not exactly a nice wife material, and given her messy background, his parents would definitely not approve all the way. But Seb fought for her. He stood firm on his feelings. Saan pa ba siya makakahanap ng katulad ni Sebastian? Iyan ang madalas na tanong ni Desa sa kanyang sarili. Katulad nga ng sabi ni Stefan sa kanya, si Seb na yata ang pinakamabait na taong nakilala niya sa buong tanang buhay niya. Parang santo. Doon pa lang, alam niya na na nasa mabuting kamay siya. Jackpot, ‘ika nga. Seb sighed and played with her hair. “I can’t wait, Des…” She jokingly rolled her eyes and pinched his nose. “Don’t worry, Mr. Meyer. I’m already yours.” Tatapusin niya lang ang natitira sa kasunduan nila ni Stefan. Pagkatapos, tuluyan niya nang kakalimutan ang lalaki at ang nangyari noong gabing iyon. Itutuon niya na ang sarili niya sa kanyang nobyo. She would devote herself to him if that is what was needed. At hahanap na siya ng tamang tiyempo para ipagtapat sa lalaki ang isa pang lihim na kanyang itinatago. Ang lihim na siyang naging dahilan kung bakit siya napilitang pumayag sa alok nitong kasal. Kahit na malaki ang takot niyang hindi nito matatanggap ang malalaman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD