Chapter 1

1550 Words
AGAD na kinuha ni Elisse ang nag-iingay niyang phone na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Nang makitang ang nobyo niya na si Gavin ang tumatawag ay excited na sinagot niya ito. “Hello!” masigla niyang bati sa nobyo, bago umupo sa gilid ng kama. “Hey, beautiful. How’s your vacation?” malambing na tanong ng nobyo mula sa kabilang linya. Elisse bit her lower lip. “It’s good. But I would have been happier if you’re here with me.” She heard Gavin chuckled from the other line. “As much as I want to, I can’t. You know that.” Napanguso si Elisse. Kasalukuyan kasing abala si Gavin dahil may ilulunsad na book signing event ang kumpanya nito, kaya hindi ito nakasama sa kanya sa pagbabakasyon. “I know. But I hope that you can come with me next time.” Elisse smiled. “Of course. Anyway, until when do you plan to stay there?” Napatingin naman si Elisse sa kanyang maleta na nakabukas ngayon sa ibabaw ng kama. “I plan to stay for two more days,” she lied. “Oh. Too bad. Because I already missed you so much.” Pilit na pinakalma ni Elisse ang sarili. Sa totoo lang ay alam niya kung gaano kaabala ang nobyo nitong nakaraang linggo. Kaya naman ay naisipan niyang sorpresahin ito sa kanyang pag-uwi. “I missed you too.” “Alright. I just called to check you up. You take care, okay? I love you.” Napatakip sa kanyang bibig si Elisse at mahinang pinaghahampas ang unan sa kanyang tabi. Hindi niya alam kung bakit, pero wala pa ring pagsidlan ang kilig na nararamdaman niya para sa nobyo. It surely feels good to be in love. “I love you. Don’t worry about me. Just take your time there, okay?” Pagkatapos ng ilan pa nilang paalala sa isa’t isa ay tuluyan na niyang ibinaba ang tawag. Dali-dali naman niyang inayos ang pagkakasalansan ng kanyang mga gamit. Nang matapos ay tuluyan na siyang lumabas at nag-check-out sa hotel na tinuluyan niya. Nang dahil sa traffic ay ilang oras din ang inabot ng biyahe niya mula Batangas pauwi ng Manila. Dumaan muna si Elisse sa isang grocery store at namili ng mga ingredients, bago siya dumiretso sa tinutuluyang condominium building ng nobyo. Pagka-park ng kanyang sasakyan ay nakangiting bumaba ng kotse si Elisse, bitbit ang kanyang mga pinamili. She’s humming her favorite song until she reached the elevator. Nasisiguro niyang nakasubsob pa rin sa trabaho si Gavin at mamaya pa uuwi, ayon na rin sa nabanggit nito sa kanya kanina, kaya gusto niyang paglutuan ito ng hapunan. Bukod sa kanyang sorpresang pag-uwi, balak niya ring banggitin dito ang isa pang magandang balita. Expired na ang kontrata niya sa Sweet Memories Publishing kaya niya naisipan munang magbakasyon, bago siya lumipat sa kumpanya ng nobyo. Kahit ang tungkol sa tunay na petsa ng pagkaka-expired ng kontrata niya ay inilihim din niya kay Gavin noon para sorpresahin ito. Sa pagbukas ng elevator ay dali-dali niyang tinungo ang unit nito. Dahil alam naman niyang hindi pa ito nakakauwi ay hindi na siya nag-abala pang mag-doorbell. Instead, she swipes the duplicate copy of his card and the door opened. Nakangiting binuksan niya ang pinto. Pero hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi, kasabay ng malakas na pagtambol ng kanyang dibdib. Napakurap siya, bago dahan-dahang pumasok at isinara ang pinto. Maingat na inilapag niya ang mga pinamili sa sahig at isa-isang tiningnan ang mga nagkalat na damit sa sala. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano. Pero bakit may damit pambabae? Hanggang sa makarinig siya ng malalakas na ungol. Wala sa loob na nagpatuloy sa paglalakad si Elisse at sinundan ang pinagmumulan ng ingay. Tila pangangapusin siya ng hininga sa bawat hakbang na kanyang ginagawa. Tumigil siya sa tapat ng kuwarto ni Gavin. Hindi ito gaanong nakasara. Kaya naman ay dahan-dahan siyang sumilip dito. “Ahhh! Faster, baby!” Napakapit siya sa doorknob dahil tila matutumba siya nang dahil sa bumungad na eksena sa harap niya. Isang hubad at pamilyar na babae ang nakapatong sa hubad na katawan ng nobyo niyang si Gavin. Mabilis ang ginagawa nitong paggalaw, kung kaya naman ay umaalog ang mayayaman nitong dibdib. Habang ang nobyo naman niya ay tila sarap na sarap sa ginagawa ng babae at nakapikit pa ang mga mata. Ang buong akala niya ay subsob ito sa trabaho. Wala siyang kamalay-malay na may iba na pala itong tinatrabaho. Paano ba namang hindi magiging pamilyar sa kanya ang babae? Eh, isa lang naman ito sa mga manunulat ng publishing company na pagmamay-ari ni Gavin. “Talaga bang hindi n’yo pa ito ginawa ni Elisse, Honey?” malanding tanong ng babae, habang patuloy sa mabilis nitong paggalaw. Sa pagkakataong ‘yon ay napadilat si Gavin. He squeezed the woman’s breast that made her moan. “Of course not. Ikaw naman ang talagang nobya ko. Kinailangan ko lang naman siyang gawing girlfriend para magawa ko rin siyang mapapirma sa publishing.” Tila may kung anong tumusok sa puso ni Elisse nang dahil sa narinig. Hindi lang siya niloko ng magaling na lalaki. Ginawa pa siyang kabit! Kinuyom ni Elisse ang kamao. Tahimik na nilisan niya ang lugar at binitbit ang mga dalahin niya. Siniguro niyang wala siyang naiwan na kahit ano. Tulala lang siya habang nagmamaneho. Ni walang luha ang tumulo sa kanyang mga mata. She will never shed even a single tear for a man like that. Her head is in a total mess right now, and only an alcohol can help her think of a plan. With that in mind, she speeds up to the nearest bar. MASAMA ang loob ni Cameron, habang umiinom ng inorder niyang martini. Kasalukuyan siyang nasa bar ngayon dahil nabuburyo lang siya sa mansion niya. Gustong-gusto na niyang makita si Elisse. Kaya naman ay pinuntahan niya ito sa inuupahan nitong apartment. Pero sa kamalas-malasan ay wala roon ang dalaga. Nagpaalam daw ito sa may-ari na magbabakasyon, pero hindi naman ito nagbanggit kung saang lugar at kung ilang araw ba ‘tong mawawala. Natigilan siya sa pag-iisip nang may babaeng biglang tumabi sa kanya. Bumaba ang tingin ni Cameron sa kamay nitong nakapatong na ngayon sa hita niya. “Hey, want to have some fun?” Nilingon niya ang babae na nang-aakit ang mga matang nakatingin sa kanya. Kinagat pa nito ang ibabang labi. Halos nakaluwa na rin ang dibdib nito nang dahil sa suot na spaghetti strap, na sinasadya nitong ipatama sa braso niya. Pero hindi naman siya naakit. Ni hindi man lang sumaludo ang alaga niya. She swatted the woman’s hand away and continued to drink. “I’m not in the mood. Go find someone else to fuck.” Napatayo naman ang babae at biglang tumalim ang tingin sa kanya. “Jerk!” Nagmamartsa itong naglakad paalis. Napailing naman si Cameron. Bakit parang kasalanan pa niya? Samantalang ito ang lumapit at halos ipagduldulan ang sarili sa kanya. Ibinaba niya ang shot glass na wala ng laman. He was about to order again when he heard a familiar voice nearby. Mabilis na nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Tila nawala ang lahat ng nainom niya nang makita ang babaeng ilang gabi ng hindi siya pinatulog. Nakaupo ito sa kabilang dulo ng counter. Umorder ito ng margarita at nagulat pa siya nang bigla nitong tinungga ‘yon. Kinurap niya ang mga mata dahil baka dinadaya lang siya ng kanyang paningin. Pero nananatiling nakaupo roon si Elisse. Muli itong umorder ng isang margarita, habang tila nag-iisip. Pagkatapos ay muli nitong tinungga ang inumin. Nang mapansin na muli itong umorder at agad na ininom ulit ‘yon na para bang isang baso lang ‘yon ng tubig ay napagpasyahan niyang lapitan na ‘to. Curiosity is killing him. What could have possibly happened that she’s drinking to death right now? Bago pa man matungga ni Elisse ang pang-apat na baso ay mabilis na nahawakan niya ito sa braso. Nanlilisik ang mga matang nilingon siya ng dalaga. Pero unti-unting nagbago ang ekspresyon nito pagkakita sa kanya. “Oh. Cameron Cervantes.” Tumawa nang malakas ang dalaga na nagpakunot ng noo niya. “I am actually thinking of something, and you just came in time. That’s very nice of you.” Mas lalong naguluhan si Cameron nang dahil sa sinabi ng dalaga. “What do you mean?” Naglapag ng pera si Elisse sa counter, bago tumayo at may hinanap na kung ano sa bag nito. Napamaang siya nang may ilabas itong ballpen at hinila ang braso niya. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla itong magsulat doon. Akmang hihilahin niya ang braso ngunit mahigpit na hinawakan ito ni Elisse. “What the hell—” “I would like to hear your proposal once again. Don’t ever bother me again if you’re late.” Bago pa man siya makapagsalita ay mabilis ng umalis ang dalaga na para bang walang nangyari. Agad na ibinaling naman ni Cameron ang atensyon sa braso niya na sinulatan nito. Natigilan siya nang makita ang pangalan ng isang pamilyar na restaurant at ang oras na nakalagay roon. Suddenly, a smirk formed on his lips. He didn’t know what really happened. But it seems that it helps him to switch the luck on his side.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD