ABOT tainga ang ngiti ng nobyo ni Elisse na si Gavin, habang inilalabas nito ang mga papeles sa dala-dalang suitcase.
Katulad ng nabanggit niya rito ay ipinaalam lamang niya na nakauwi na siya dalawang araw mula ng naging aktuwal talaga niyang pag-uwi. Nang banggitin niya rito ang tungkol sa pagtatapos ng kontrata niya sa pinanggalingang publishing house ay mahihimigan ang kasiyahan sa boses nito mula sa kabilang linya nang tawagan niya ito kagabi.
Bakas din ang excitement sa mukha ni Elisse, habang nakamasid sa binata na tila hindi magkandaugaga sa harap niya. Excited siya hindi dahil sa pirmahan na magaganap, kung hindi sa magiging reaksyon nito sa inihanda niyang plano.
Bakas ang kislap sa mga mata ni Gavin, nang sa wakas ay maiayos na nito ang mga papeles sa ibabaw ng mesa na kailangan niyang pirmahan.
“Finally! Here it is, Hon. Matagal ka ng hinihintay ng kontrata na ‘to. Bukod ro’n ay magkakasama na rin tayo sa iisang kumpanya sa wakas. You don’t have any idea on how long I wait for this day to come.”
Inabot ni Gavin ang kamay ni Elisse na nakapatong sa ibabaw ng mesa at masuyong hinalikan ang tuktok nito.
Gustong ngumiwi ni Elisse nang dahil sa sinabi at ginawa ni Gavin. Kung hindi niya pa siguro alam ang totoong kulay at intensyon ng binata ay malamang na kinilig na naman siya sa pambobola nito.
Hindi man lang ba siya kinikilabutan sa pinagsasabi niya?
Nanatiling walang imik si Elisse nang ilapit na ni Gavin sa kanya ang papel at ballpen. Ni hindi man lang bumaba ang tingin niya ro’n dahil nakapokus ang kanyang mga mata sa pinto ng restaurant.
Hanggang sa malipat ang atensyon niya sa isang bilugang orasan na mayroong bulaklaking disenyo at nakasabit sa dingding. Limang minuto bago ang itinakda niyang oras ng palabas.
Ngunit sa muli niyang paglingon sa pinto ay namataan niyang papasok na ang lalaking makakasama niya sa mumunting palabas na ‘yon.
“Hon?” tawag sa kanya ni Gavin, pero hindi niya ‘to inintindi.
Napangisi si Elisse nang makita si Cameron na nagpapalinga-linga sa paligid pagkapasok. Itinaas naman niya ang kanang kamay para makita siya nito.
Kunot noong napatingin naman sa likod si Gavin. Mas lalong bumakas ang pagkalito sa mukha nito nang makita ang mortal nitong kaaway na si Cameron.
Kahit si Cameron ay magkasalubong ang kilay, habang nakapamulsa na naglalakad palapit sa kanila.
Elisse can’t help but admire his dashing look with his suit and brush up hair. For a moment, she seems to fell into a kind of trance while looking at him.
Marahas naman na nilingon si Elisse ni Gavin.
“What is he doing here?”
Tila natauhan naman si Elisse mula sa pagkakatulala at nakangising tiningnan ang binata.
“Because I just want to feel the moment. Paparating palang tayo sa exciting na part, Hon.”
Mas lalong naguluhan sa isinagot niya si Gavin.
Hindi nagtagal ay nakalapit na sa kanila si Cameron. Maging ito ay walang ideya kung bakit nakipagkita si Elisse sa kanya kasama ang nobyo nito.
Pero biglang dumilim ang mukha ni Cameron nang makita nito ang mga nagkalat na papel sa mesa. Marahil ay iniisip nito na gusto niyang ipamukha rito na pipirma siya sa kalaban nitong kumpanya.
Elisse can’t blame the two for wanting her on their respective publishing companies. After all, she’s one of the best-selling romance author of the country.
Walang imik na kinuha ni Elisse ang mga papel na nagkalat sa mesa.
Pero sabay na napaawang ng bibig ang dalawang binata ng punitin ni Elisse ang kontrata. Gusto niyang matawa sa ekspresyon ng mga ‘to.
“H-Hon, Why did you—”
Ngunit mas lalong nagulantang ang dalawa nang biglang tumayo si Elisse at hinila ang necktie ni Cameron, dahilan para mas mapalapit ito sa kanya at walang anu-anong sinakop ang nakaawang nitong labi.
Ramdam niyang pinagtitinginan na sila ng lahat sa loob ng restaurant. Habang ang ilan naman ay rinig na rinig niya ang pagbubulungan.
But the moment she tasted Cameron’s sweet and sinful lips, the plan that has been formed in her head flies out of the window.
It should suppose to be a taste. But she ended up craving for more.
Hindi maintindihan ni Elisse kung bakit tila biglang nag-init ang kanyang katawan. Samantalang sa ilang beses na nagkahalikan sila ni Gavin ay hindi naman siya nakaramdam ng gano’ng klase ng intensidad.
Kahit gusto niya pang damhin ang sarap ng labi ni Cameron nang magsimula itong gumanti ng halik ay labag sa kanyang kalooban na lumayo siya rito.
Wala sa plano niya ang mapaso.
Galit na tumayo naman si Gavin at malakas na napahampas sa mesa. Nilingon niya ito at sinalubong siya ng nagbabaga nitong tingin.
“What’s the meaning of this? Are you cheating on me with that loser?”
Natawa si Elisse. Kung ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw, mukhang kahit ang mga manloloko ay gano’n din.
Well, there’s no better revenge other than to choose the side of his mortal enemy. God knows how Gavin hates Cameron. Most especially if Cameron is gaining something that can be a threat to Gavin.
“I’m sorry, but not sorry. What we have is already over, and I already decided to sign a contract with the First Romance Publishing. You’ve started a very nice game.” Elisse smiled.
“But don’t get caught next time, so you won’t be lose.” She winked on Gavin.
Hindi na niya hinintay pa na makapagsalita si Gavin at taas noong naglakad palabas ng restaurant. Naramdaman naman niya ang pagsunod sa kanya ni Cameron hanggang parking lot.
“Just send the contract to me via email,” Elisse said to Cameron without looking back.
Akmang sasakay na siya sa kotse niya nang bigla siyang higitin sa braso ni Cameron.
Sa pagkakataong ‘yon ay napalingon na siya rito.
“What?”
Sa gulat niya ay sinalubong siya ng nanlilisik nitong mga mata.
But why?
“You deserve to be punished.”
Napanganga si Elisse nang dahil sa sinabi ni Cameron, bago siya nito tuluyang kinaladkad.
What the hell?
HINDI maintindihan ni Cameron kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Elisse just f*****g kissed him and no one might actually believe him, but that’s his first kiss!
Bukod ro’n ay pumayag pa ang dalaga na pumirma ng kontrata sa kumpanya niya.
Pero wala sa bagay na ‘yon ang atensyon niya. Ang tanging alam niya lang ay kailangan niya muna itong maparusahan sa ginawa nitong biglaang paghalik sa kanya.
Hindi niya ininda ang ginawa nitong pagpalag at mabilis na isinakay ito sa kanyang kotse, bago dali-daling umikot patungo sa driver’s seat.
“Saan ba tayo pupunta? Saka bakit mo ako paparusahan? Pipirma na nga ako sa ‘yo ng kontrata tapos ako pa ang mapaparushaan? Bakit parang kasalanan ko pa?” sunod-sunod nitong tanong pagkaupo niya.
Cameron started the engine, then drive off. Pagkarating sa highway ay saka lang niya sinagot ang tanong ni Elisse.
“Woman, you don’t kiss me, then walked away as if nothing happened. It doesn’t work like that. To think that’s my first kiss.”
Marahas naman na napasinghap si Elisse. “Your what? You’ve gotta kidding me.”
Humigpit ang pagkakahawak ni Cameron sa manibela. May nararamdaman siya sa ibabang parte niya na kailangan niya munang patayin. Kapag hindi siya nakapagpigil ay baka maangkin niya ang dalaga sa loob ng kotse.
“No, I’m not. So, you better pay for it. You just took away my precious first kiss just like that. You don’t have any idea on how I imagined my first kiss with you, to ravish that lips of yours in any way I can and explore your mouth in every corner of it.”
Nilingon saglit ni Cameron si Elisse at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pamumula ng pisngi nito.
How cute.
“Y-You’re actually thinking about that?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“Yes. And you just ruined my fantasy.”
Hinampas naman siya ni Elisse sa balikat.
“Fantasy my ass! You really are a pervert! If I know, you have already bedded countless women. And you expect me to believe that it’s your first kiss?”
“Like you said, I bedded them and just literally f**k them. But that doesn’t include kissing. That’s one of my rules.”
“Then why are you imagining your first kiss with me?” Elisse insisted.
Cameron’s expression turned into a serious one. “Because you’re the only exception.”
Sa pagkakataong ‘yon ay natahimik si Elisse sa buong biyahe nila na lihim niyang ipinagpasalamat.
Ilang saglit pa ay inihinto niya ang sinasakyan sa tapat ng isang mataas at bakal na gate. Kusa itong bumukas kaya malaya niyang pinaandar papasok ang kotse.
“Wait! Where are we?” Gulat na napaayos ng upo si Elisse.
“To my safe haven. I’m going to punish you here.” Cameron smirked.
Nang maiparada ang kotse sa tapat mismo ng mansyon na pagmamay-ari niya ay dali-daling bumaba si Cameron at pinagbuksan ng pinto si Elisse.
Nang hindi ito bumababa at nanatiling nakahalukipkip ay walang pag-aalinlangan na binuhat niya ‘to na parang sako.
“What the hell is your problem? Get me down!” Pilit na pinagpapalo ni Elisse ang likod niya pero hindi niya ‘yon ininda.
Pero gano’n na lang ang gulat niya nang manahimik ito at maramdaman ang kamay nito na humihimas sa puwet niya.
“In fairness, ang umbok ng puwet mo, hah. Sana all may puwet.”
That’s it. Ang pasensya na pilit pinapahaba ni Cameron kanina, habang nasa daan sila ay tuluyan ng naputol.
Sa pagbukas niya ng pinto ay maingat na ibinaba niya si Elisse. Pero bago pa man ito makapagsalita ay mabilis niyang ni-lock ang pinto at isinandal si Elisse sa likod nito, bago niya itinaas ang dalawang kamay nito gamit lang ang isa niyang kamay at sinakop ang labi nito.
Ito na mismo ang lumapit sa kanya. Kaya hinding-hindi na niya ito pakakawalan pa.