NAPANGITI si Elisse, habang nakamasid sa madilim na kalangitan. Itinaas niya ang kanang kamay na tila ba mayroon siyang inabot, bago kinuyom ang kamao.
Napapantastikuhan namang nilingon siya ni Cameron. “What are you doing?”
Elisse giggled. “Wala naman. Ang gaan lang sa pakiramdam pagmasdan ng langit. Tapos parang abot kamay mo pa ang mga bituin. Parang pangarap na mukhang madaling matupad. Pero kung titingnan mo ang lawak ng distansya ay sobrang layo mo pa sa katotohanan,” makahulugan nitong sagot.
Tuluyan ng hinarap ng binata si Elisse. “I wonder what’s running on that pretty head of yours. Is there something bothering you?” Mahihimigan ng pag-aalala ang boses nito.
Napailing naman si Elisse. “Wala. Is just that, I have been thinking these past few days. Na kahit naabot ko na ang pangarap ko at narating ko na ang rurok, pakiramdam ko ay malayo-layo pa rin ang magiging biyahe ko.”
Kasalukuyan silang nasa balkonahe ngayon. Naisipan kasi ni Elisse na lumabas para makalanghap man lang ng sariwang hangin. Sinigurado naman niya kay Cameron na ayos lang siyang mag-isa, para makihalubilo rin ito sa iba. Ngunit sadyang mapilit ang binata kaya siya rin ang sumuko sa huli.
“Hindi ka ba masaya?” muling tanong ng binata.
Tipid na ngumiti si Elisse. “Masaya. Pero ewan ko ba. Para kasing mayroon pa ring kulang.”
Natahimik naman si Cameron nang dahil sa sinabi niya.
Malalim siyang napabuntonghininga, bago humarap sa pintuan ng balkonahe at pinagmasdan ang mga taong masayang nagkukuwentuhan sa loob ng grand hall.
“Marami akong narinig na nag-uusap kanina at ako ang paksa ng usapan nila. They wonder if I came to this ball, since the news about me transferring to your publishing company spreads like fire in the writing community. Dahil doon ay hindi ko rin maiwasang mapaisip kung ano ba ang opinyon nila tungkol sa bagay na ‘yon.”
Muntik ng mapatalon si Elisse sa gulat nang biglang hinawakan ni Cameron ang kamay niya. He’s rubbing his thumb finger at the back of her palm, making her feel somehow relax.
“Stop worrying and just focus on your goal, then the rest will follow. If the others think that there’s something not good about you, then there’s something wrong about how they think.”
Hindi naiwasan ni Elisse ang matawa nang dahil sa sinabi ng binata. Ni minsan ay hindi niya inakala na makakapag-usap silang dalawa ng ganito.
Pero natigilan sila pareho nang biglang nagsalita ang host sa gabing ‘yon. Dala ng kuryosidad ay napagdesisyunan na nilang pumasok.
“Okay, ladies and gentlemen. Ilang oras na lang at matatapos na ang ating programa.” Inilibot nito ang tingin sa paligid.
“Pero paparating pa lang tayo sa exciting na part, dahil mayroon kaming ihinandang laro para sa inyong lahat. Each one of you needs to participate. Bawal ang killjoy at baka mabilaukan sa chicken joy,” malanding aniya ng baklang host, na umani ng malakas na palakpakan sa mga kasama namin dito.
Napatingin naman si Elisse kay Cameron. Wala naman kasi itong nabanggit sa kanya na may ganoon palang parte ang programa.
Pero nagkibit balikat lang ito. Bakas sa pagkakakunot ng noo nito na wala rin siyang ideya sa nangyayari.
“I will confront my secretary about this later. How dare he to not tell me about it.” Napatiim bagang ito.
Napailing naman si Elisse. “Wag na. Isa pa ay katuwaan lang naman ito. Kahit nakatakip ang mga mukha ng lahat dito ay mababanaag ko pa rin ang kasiyahan doon. Maybe your secretary intend to keep it to you, so that you can enjoy too and feel thrilled at the same time.”
Napasimangot naman si Cameron. “Fine. Pero hindi ko na siya palalampasin sa susunod.
Hindi na muli pang nagsalita si Elisse at itinuon na nila pareho ang atensyon sa harap.
“Pasensya na sa lahat dahil isa itong sorpresa. Now, just do what I said. All of the ladies should stand on the right side. While the gentlemen is on the left side. The rules is simple. Whoever you hold hand on the opposite sides while the light is turned off will be your partner for the rest of the night. Kaya sa mga walang partner diyan ay wag na kayong mabahala pa. Nasa dilim ang forever.”
Napaawang ang bibig ko nang dahil sa narinig.
Ilang sandali pa ay nagsimula ng mahati ang grupo sa dalawa. Pero bago pa man siya tuluyang mapalayo sa binata ay mayroon itong ibinulong sa kanya.
“Just stand still on your spot.”
Napatango na lang si Elisse, bago pumunta sa kabilang grupo.
There’s no way that she will allow another man to be with on her side. Kaya naman ay tahimik niyang ipinapanalangin na sana ay si Cameron pa rin ang maging kapareha niya.
Habang nagbibigay ng karagdagang panuntunan ang host ay hindi niya napigilan na lingunin si Cameron. To her surprise, she caught him looking at her already. Tila ba may tinatantiya ito na hindi niya maintindihan.
“Okay. Let’s begin. In one, two and three!”
Napuno ng sigawan ang buong hall sa biglaang pagkapatay ng ilaw. Kahit halos walang nakikita ay ramdam naman ni Elisse ang tila nangyayaring kaguluhan sa paligid. Pero kahit gano’n ay nanatili lang siya sa kanyang kinatatayuan, kahit pa nababangga siya minsan. Sa tuwing tila may magtatangkang hawakan naman ang kamay niya ay agad na iniiwas niya ito.
Hanggang sa may isang kamay ang nakahawak doon. Natigilan siya dahil tila pamilyar ang pakiramdam ng simpleng pagdadantay ng kanilang mga balat.
“Hey,” aniya ng pamilyar na tinig.
Tila nabuhayan naman si Elisse ng loob nang marinig ang boses nito. “Cameron?” bulong niya sa tinig ng naninigurado.
“Yeah. Good girl.” He intertwined their fingers. Niyakap din siya nito ng patagilid na para bang pinoprotektahan siya para hindi mabangga.
Ilang sandali pa ay bumukas na ang ilaw. Nakahinga siya nang maluwag nang masigurong si Cameron nga ang nakahanap sa kanya.
Nakarinig sila ng samot saring reklamo sa paligid. Mayroon kasing magkakarelasyon na iba ang naging kapareha.
“You did a good job back there,” Elisse teased. “How did you even do that?”
“It’s what you called a talent, darling. Besides, there’s no way that I’ll allow any other man to hold you and claim you for tonight.” Matiim siya nitong tinitigan.
Napataas ng kilay si Elisse. “I’m not a prize that needs to be claimed, Mister Cervantes.”
“Of course. But you’re mine, Elisse. You’re mine alone,” he said that made her jaw dropped.
Just what did he mean by that?
NATIGILAN si Cameron nang mapansin ang magkasalubong na kilay ni Elisse, habang nakatutok ang mga mata nito sa screen ng phone na hawak.
“Did something happen?” he asked cautiously.
Napakurap naman si Elisse at agad na nag-angat ng tingin sa kanya. “No. I’m just reading an article.”
Bumaba naman ang tingin ni Cameron sa suot na relo. “Ilang minuto na lang ay puwede na rin tayong umuwi. You might want to go to the rest room first,” suhestiyon niya sa dalaga.
Napaisip naman ito. “Now that you mentioned it, I suddenly feel like going I’m to pee. I’ll just go to the rest room, then.” Tumayo ito at nagpaalam sa kanya.
“Sure. I’ll just wait you here.” He smiled at her, before she turned her heels.
Nang tuluyan ng mawala sa paningin ni Cameron ang dalaga ay agad na sinenyasan niya ang secretary na si Emman na kanina pa nakatayo sa isang tabi.
Of course he knew the man behind that mask. Siya kasi ang namili ng maskara na susuotin nito para mas madali niyang makilala.
“Have you done it?” agad niyang tanong pagkalapit nito sa kanya.
Napatango naman ito. “Yes, Sir. Siniguro ko pong burado na ang lahat. Pero paano po kung hindi siya tumigil? Madali lang para sa kanya ang gumawa ng panibagong eskandalo.”
Diretsong nilagok ni Cameron ang baso na naglalaman ng red wine, bago umiigting ang panga na napatingin siya rito.
“Hindi rin ako titigil na hadlangan ang mga plano niyang paninira.”
Napakamot naman sa batok ang secretary niya. “Mayroon po sana akong itatanong sa inyo. Pero wag po sana kayong magagalit.”
Napatango naman si Cameron, habang nananatili ang atensyon sa baso na hawak niya. “Just go ahead.”
“Bakit gano’n na lang po kung mag-alala kayo kay Miss Henrietta? Dahil ba asset po siya sa publishing?” buong kuryosidad nitong tanong.
Sa pagkakataong ‘yon ay napaangat na siya ng tingin sa kanyang secretary at naniningkit ang mga mata na tumuon dito.
“Kalalaki mong tao napakatsismoso mo.”
Napangiwi naman ang secretary niya. Bago ito nagpaalam na babalik na sa puwesto nito.
Ilang sandali pa ay nakabalik na rin si Elisse. Napagpasyahan na rin nilang umuwi dahil halos hatinggabi na rin. Pagkarating nila sa parking lot ay bigla itong humikab.
“Matulog ka muna sa biyahe. I’ll just wake you up once we got home,” suhestiyon niya rito.
Napatango naman ito.
Habang nasa biyahe ay hindi maiwasan ni Cameron na sulyap-sulyapan ang natutulog na dalaga.
That moment when he first saw her, there’s one thing that he promised to himself.
He won’t let anyone take Elisse down. Most especially not under his watch.