Chapter 11

1625 Words
SUMILAY ang matamis na ngiti sa mga labi ni Elisse, nang maipadala na niya sa wakas ang natapos na akda sa pamamagitan ng email. Sadyang magaan lang kasi sa kanyang pakiramdam sa tuwing may nakukumpleto siyang nobela. Kung hindi siya nagkakamali ay siya pa lang ang nakatapos sa lahat ng mga lumahok para sa collaboration project na inilunsad ng First Romance Publishing. Sa totoo lang ay may panibagong ideya na naman na naglalaro sa kanyang isip. Ngunit magpapahinga na lang muna siya ng ilang linggo, bago niya ito sisimulan. Naghahanda na sana siya para maligo, nang biglang may sunod-sunod na kumatok sa pinto ng kanyang kuwarto. “Come in,” aniya at pansamantala muna niyang ibinaba ang mga gamit sa ibabaw ng bed side table. Bumukas ang pinto at mula roon ay pumasok si Cameron na nakangisi. Napamaang naman si Elisse nang mapansin ang pormal nitong ayos. Cameron is wearing a black-colored tuxedo. While his hair has been brushed up, and it seems that he just newly shaved. She can’t help but gape at the sight of him. Ngayon lang kasi niya ito nakitang nakaporma ng gano’n. Nabalik lamang siya sa huwisyo nang ituro ni Cameron ang gilid ng labi niya, na ikinakunot naman niya ng noo. “Pakipunasan ang laway mo. Natulo kasi. Wag mo naman masyadong ipahalata na guwapong-guwapo ka sa ‘kin.” Kumindat pa ang binata sa kanya. Napairap naman si Elisse para itago ang pagkapahiya, nang dahil sa pagkakatitig niya rito. “Ano ba kasing ginagawa mo rito? Mukhang may lakad ka, ah.” Doon lang niya napansin ang hawak ni Cameron na isang itim na sobre at dalawang kahon. Ibinaba naman ni Cameron ang mga ito sa ibabaw ng kama niya. “May lakad tayong dalawa. Mag-asikaso ka na. Hihintayin kita sa baba,” pagtatama nito sa sinabi niya. Mas lalo namang naguluhan si Elisse nang dahil sa sinabi nito. “Wait. What? Saan tayo pupunta? Saka pumayag ba ako?” Napaangat naman ng tingin si Cameron sa kanya. “Alam kong papayag ka. Kaya magbihis ka na. I’ll give you one hour to prepare.” Napaawang na lang ang bibig niya nang bigla nitong kurutin ang magkabila niyang pisngi. Walang lingon likod naman na naglakad palabas ng kuwarto niya si Cameron. Naguguluhang napatingin na lang si Elisse sa pinto na dahan-dahang sumara. Nang makabawi ay wala sa loob na kinuha niya ang kulay itim na sobre. First Romance Publishing’s Annual Writers Ball Natigilan siya nang mabasa ang mga salitang ‘yon na nakaimprinta sa labas ng sobre. Doon pa lang ay nagkaroon na agad siya ng ideya sa kung saan ba sila pupunta ngayong gabi. Kaya naman ay hindi na siya nag-abala pang buksan mismo ito. Sunod na tiningnan naman niya ang loob ng isang malapad na kahon. There she saw a long black halter dress. Ngunit ang isang bagay na pinakanakakuha ng atensyon niya ay ang kulay ginto na maskara na kasama nito. Elisse had never been in such gathering before. Because there’s no way that she will risk her identity to be exposed. But right now, her decision has been changed upon seeing the golden masked. It even has a gold feather on top, much to her amazement. Malalim siyang napabuntonghininga. Sa huli ay itinuloy na niya ang naudlot na pagpasok sa banyo para maligo. Nang matapos ay nagsimula na siyang mag-asikaso. Nagpahid lamang siya ng pulang lipstick, at naglagay ng pressed powder. Wala rin namang silbi kung lalagyan pa niya ng kung ano-ano ang mukha, dahil matatakpan din naman ito. Hinayaan na lang niya na nakalugay ang kanyang buhok, bago isinuot na niya ang kulay abo na stiletto, na laman ng isa pang kahon kanina. Hindi naman ata siya masyadong prepared? Nagdala lamang siya ng clutch bag, bago tuluyang lumabas ng kuwarto at bumaba. Agad namang napatayo si Cameron na nakaupo sa sofa, pagkakita sa kanya. “Beautiful.” Buong paghanga siya nitong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Elisse smiled. A genuine one. “You are not bad yourself.” Bahagya niyang inayos ang suot nitong neck tie. “Shall we?” tanong niya pagkatapos. Inilahad naman ni Cameron ang kanang palad na agad naman niyang tinanggap. Kahit papaano ay sanay na siya sa presensya ng binata. Habang nasa biyahe sila ay hindi maiwasan ni Elisse ang makaramdam ng kaba. Samot saring eksena kasi ang naglalaro sa isip niya. Bukod kasi sa gusto niyang maitago ang kanyang pagkakakilanlan ay hindi rin siya sanay na makisalamuha sa maraming tao. “Kung inaalala mo na baka biglang dumating si Gavin doon ay wag mo ng isipin pa ‘yon. Puro writers at ang iba pang staff ng publishing lang naman ang nandoon. Isa pa ay binilin ko na rin sa mga guwardiya na wag siyang papasukin kung sakali lang naman na bigla niyang maisipan na mag eskandalo.” Napakurap si Elisse mula sa pagkakatingin niya sa labas, bago binalingan ang binata. “I’m not actually thinking about that. Still, thank you.” Nginitian lamang siya nito at nagpokus na sa pagmamaneho. Sa totoo lang ay ilang araw ng hindi sumasagi sa isip niya si Gavin. At kahit pa pilit niya itanggi sa sarili ay malaki ang naging papel ni Cameron para mapanatag ang loob niya. HINDI napigilan ni Cameron ang mapasimangot pagkarating nila sa grand hall ng isang hotel kung saan gaganapin ang writer’s ball. Hindi pa man kasi sila tuluyang nakakapasok sa loob ay pansin na niya ang humahangang tingin ng mga kalalakihan na nadaraanan nila. “Mukhang nagkamali ata ako ng piniling dress. I should have bought a turtle neck long sleeve dress instead,” aniya sa naiiritang boses. Natawa naman si Elisse. “Mabuti na lang at hindi. Dahil kapag nagkataon ay talagang hindi ako sasama sa ‘yo.” Sa pagpasok nila sa loob ay agad na sinalubong sila ng mga nagkakasiyahang mga tao roon. Wala silang ideya sa kung sino ba ang bawat isa na nandoon nang dahil din sa suot ng mga ito na maskara. Kaya naman ay malaya rin silang makakapaglibot at makakapagsaya ni Elisse. Agad silang dumiretso sa pandalawahang upuan na ipina-reserve ni Cameron. Hindi naman naging hadlang ang suot na maskara ni Elisse, para makita niya ang kinang sa mga mata nito. “Ngayon ka lang ba nakapunta sa ganito?” hindi makapaniwala niyang tanong, bago ito pinaghila ng upuan. “Yeah. I never attended one before. Kahit sa dating publishing company na pinagmulan ko ay hindi talaga ako pumupunta sa kahit na anong klase ng event na idaos nila,” pagkumpirma ng dalaga. “Don’t worry. I’ll make sure that you’ll enjoy it here.” He winked, as he settled himself on his chair. Napailing lang sa kanya si Elisse. Sakto namang may dumaan na waiter at agad na binigyan sila ng dalawang baso ng red wine. “Kailan mo pa sinimulan ang ganitong klase ng event?” tanong ni Elisse. Cameron laid his back. “Just four years ago. Ito kasi ang isa sa mga pagkakataon para magkasama-sama at magkakilala ang mga hawak naming writers, maging ang mga editors, book cover artists at iba pang staff ng publishing. Ginawa ko lang masquerade ang theme ngayong taon dahil kasama ka.” Natigilan naman si Elisse sa akmang pag-inom at kunot noong napalingon sa kanya. “Why is that?” He looked at her with tenderness on his eyes. “Because I want you to feel comfortable and at ease.” Bago pa man ito makapagsalita ay biglang pumailanlang ang isang malamyos na tugtugin. Kaya naman ay nagkanya-kanya ng balik sa kanilang mga upuan ang mga nagkakasiyahan kanina sa gitna. Pinalitan ang mga ito ng may mga kasamang partner naman sa gabing ‘yon. Walang pagdadalawang isip na tumayo si Cameron at bahagyang yumukod sa harap ni Elisse. “May I have this dance?” Napangiwi naman ang dalaga, sabay iling. “But I don’t dance.” “No worries. I’ll guide you,” Cameron assured. Hindi nagtagal ay napapayag na rin niya sa wakas si Elisse. Pagkarating nila sa gitna ay agad na inilagay ni Cameron ang kanang kamay sa beywang nito. Ipinatong naman niya ang kaliwang kamay ni Elisse sa kanyang balikat, habang magkahinang ang magkabila pa nilang mga kamay. Hanggang sa ilang saglit pa ay sumasabay na ang paggalaw ng kanilang mga katawan sa saliw ng musika. Mabagal lang ang naging paggalaw ni Cameron para madali siyang masundan ni Elisse, na agad rin namang naging kumportable. “Sorry. This is actually my first time to dance like this as well,” Elisse suddenly said. The side of Cameron’s lips tugged upward. “Really? Haven’t you done this with Gavin before?” Napanguso naman si Elisse at biglang nag-iwas ng tingin. “I’m sorry. I shouldn’t have asked that.” Mahina naman siyang hinampas sa balikat ni Elisse. “It’s alright. Anyway, I just think about it now that you mentioned it. Madalas kasi na kumakain lang kami sa labas noon. Nanonood ng sine, food trip, travel and such. Pero hindi pa namin naranasan ang sumayaw ng ganito. Though I already heard him sing.” She shrugged. “Buti kinaya mo?” biro ni Cameron. Natawa naman si Elisse. “Don’t you even dare tell me about it.” Masuyo namang pinisil ni Cameron ang kamay ng dalaga. “I’m glad that you are able to laugh like that now,” Cameron sincerely said. Hindi naman umimik si Elisse at bahagyang yumuko. Right at that moment, Cameron couldn’t ask for more. Lalo pa at siya ang kasama ng dalaga sa halos lahat ng mga bagay na nagawa nito sa kauna-unahang pagkakataon. Pero kahit hindi man siya ang unang lalaki na minahal ni Elisse ay sisiguraduhin naman niya na siya ang magiging huli nitong mamahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD