Chapter 10

1661 Words
IBINABA ni Cameron ang hawak na ballpen at bahagyang hinilot ang kanyang sentido. Hangga’t maaari ay ayaw niyang gumagawa ng trabaho sa bahay. Pero dahil mas gusto niyang makasama si Elisse nitong mga nakaraang araw ay halos hindi siya pumapasok sa kumpanya, kahit pa madalas naman siyang iwasan ng dalaga. Kaya naman ay dinala na tuloy ni Emman sa kanyang bahay ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan. Malalim siyang napabuntonghininga, bago isinara ang huling folder na kailangan niyang asikasuhin sa araw na ‘yon. Dahil hindi pa naman siya dinadalaw ng antok ay napagpasyahan niyang tumambay muna sa hardin. Ngunit pagkarating niya roon ay natigilan siya nang makita si Elisse na nakaupo sa isa sa mga silya na nandoon. Bibihira lang kasi lumabas ng kuwarto ang dalaga. Napatikhim siya at pansin niya ang paninigas ng likod ni Elisse. Pero agad naman itong nakabawi at muling nagpatuloy sa pagtitipa. Walang imik na umupo siya sa upuan na katapat nito. Dahil ayaw naman niya itong maistorbo sa ginagawa ay itinuon na lang niya ang atensyon sa mga bituin sa kalangitan. Dumaan ang ilang minuto hanggang sa hindi na napigilan pa ni Cameron ang pagtaas ng kanyang kilay nang mapansin mula sa gilid ng kanyang mga mata na pasulyap-sulyap sa direksyon niya si Elisse. “Alam kong guwapo ako. Pero kung may gusto kang sabihin ay wag mo na akong daanin pa sa pagsulyap mo,” komento niya at tuluyan ng humarap dito. Natigilan naman ang dalaga sa pagtitipa at maang na napaangat ng tingin sa kanya. “Sino ka naman para sulyapan ko?” mataray nitong aniya, bago muling bumalik sa ginagawa. Umayos ng upo si Cameron, bago sumilay ang nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi. “Come on, tell me. Wala naman sigurong masama kung magkaroon tayo ng matinong usapan paminsan-minsan,” panghihikayat niya pa rito. Napanguso naman si Elisse at tuluyan na rin siyang tiningnan. “May gusto akong itanong. Pero wag kang mag-iisip ng kung ano-ano, hah. Assuming ka pa naman.” Natawa naman si Cameron at napailing. “Sure. Just go ahead.” Kumibot pa ang mga labi nito. “Sino ang babaeng lumapit sa ‘yo no’ng isang araw?” Elisse shrugged. “I’m just curious, that’s all,” she explained right away. Hindi ipinahalata ni Cameron ang pagkagulat nang dahil sa ibinatong tanong ni Elisse. Ang buong akala kasi niya ay walang interes ang dalaga tungkol sa bagay na ‘yon. Cameron heaved a deep sighed. “Her name is Maeve. She’s Gavin’s ex-girlfriend way back high school,” kaswal niyang sagot dito. Tila mas lalong nabalot ng kuryosidad si Elisse at tuluyan ng iniwan ng mga daliri nito ang keyboard at nakahalumbaba na tumitig sa kanya. “Really? How did you even know that?” Nagsalubong ang kilay nito. Cameron crossed his arms. Mukhang wala talagang ideya si Elisse tungkol sa kanilang dalawa ni Gavin. “Because we used to be best friends, ever since we are a child.” Gusto niyang matawa nang dahil sa naging reaksyon nito. Nanlalaki ang mga mata nito at nakaawang pa ang bibig. “Wait. Walang nabanggit si Gavin sa ‘kin tungkol diyan. Seryoso ba?” Napatango naman siya. “Yup.” “What happened, then? Bakit parang galit na galit kayo sa isa’t isa ngayon?” naguguluhan nitong tanong. Napailing naman si Cameron. “Ang totoo niyan ay wala naman akong galit sa kanya. Siya lang itong bigla na lang lumayo ang loob sa ‘kin. Hanggang sa isang araw ay namalayan ko na lang na kakumpetensya na ang tingin niya sa ‘kin.” “Wala ka bang ideya kung kailan talaga nagsimula na maging gano’n ang trato niya sa ‘yo? O baka may nagawa ka na hindi niya nagustuhan?” Napaisip naman si Cameron. Sa pagkakaalala niya ay nagsimula itong lumayo sa kanya ng magkahiwalay ito at si Maeve. Pasimula pa lang silang magkolehiyo ng panahon na ‘yon. “Now that you mention it, actually, it happened when he and Maeve broke up. But it became worse because we found out that Maeve just used him to get close to me.” Napango-tango si Elisse, habang tila malalim na nag-iisip. “I think, I already get it. Ibig sabihin ay ikaw talaga ang gusto ng Maeve na ‘yon. Kaya siguro siya nagalit sa ‘yo. Dahil ikaw ang lalaking gusto ng babaeng mahal niya.” Sa totoo lang ay kinonsidera na rin ni Cameron ang tungkol sa bagay na ‘yon. Pero nasisiguro niya na masyadong mababaw ang dahilan na ‘yon kapag nagkataon. “I don’t think so. Besides, I don’t even like Maeve. Magmula ng malaman kong gusto niya ako ay tuluyan ko na rin siyang iniwasan.” Kinagat ni Elisse ang ibabang labi. Kinurot naman ni Cameron ang sarili nang bumaba ang tingin niya roon para pigilan ang sarili. Tila ba nang-aakit kasi ito na lamusakin niya ng halik ang mga labi nito. “Ang buong akala ko pa naman ay ng dahil lang sa negosyo kaya may kumpetisyon na namamagitan sa inyo.” Napasandal ito sa kinauupuan. “Oo nga pala. Nasaan nga pala ang parents mo?” pag-iiba nito ng usapan na hindi niya napaghandaan. Napaiwas naman siya ng tingin. “My Mom is already dead.” “Oh. I’m sorry to hear that. How about your Dad?” “He’s busy,” he simply answered. Nagkunwari naman siyang humikab. “Let’s go to sleep. It’s getting late already.” Tumayo na siya. Napatingin naman si Elisse sa screen ng laptop nito. Marahil ay para tingnan ang oras. “Okay.” Isinara muna nito ang laptop, bago tumayo at sumunod sa kanya. Sabay na silang pumasok sa mansyon at umakyat ng hagdan. “Good night,” he said before they part ways at the hallway. “Good night.” Bakas pa rin ang kuryosidad sa mukha ni Elisse, bago ito tumalikod at naglakad palayo sa kanya. Hinintay niya muna itong makapasok ng kuwarto nito, bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Sa pagpasok niya ng kanyang kuwarto ay napayuko at napaupo na lang si Cameron sa gilid ng kanyang kama. Gustuhin man niyang sabihin kay Elisse ang lahat ay hindi pa ito ang tamang panahon. KINABUKASAN ay nagising si Elisse nang masakit ang ulo. Hindi kasi niya nagawang makatulog nang maayos. Hanggang sa pagdilat ng kanyang mga mata ay iniisip pa rin niya ang tungkol sa mga sinabi ni Cameron kagabi. Hindi niya akalain na marami pa pala siyang hindi nalalaman tungkol kay Gavin. Napailing na lang siya at nagsimula ng mag-asikaso. Nang matapos ay bumaba na siya. Sumilay ang masuyong ngiti sa kanyang mga labi nang makita ang mga pagkain na nakahain sa mesa at mayroong takip. Sa labas nito ay mayroong nakadikit na isang sticky note. Good morning, darling. Enjoy your breakfast. - CC Napanguso siya. Masyado na atang nasasanay ang binata sa pagtawag sa kanya ng darling. Umupo na siya at nagsimula ng kumain. Nang matapos ay sakto namang may dumating na katulong. “Good morning, Manang Florencia,” nakangiting bati niya rito. “Good morning, Ma’am.” Kinuha nito ang plato na pinagkainan niya. Nagpumilit pa siya na siya na lang ang maghuhugas, pero hindi naman ito pumayag. “Hayaan n’yo na ako, Ma’am. Minsan lang naman kami mapapunta rito. Kaya hangga’t maaari ay gusto naming magawa ang lahat ng puwede naming magawa, habang nandito kami,” dahilan pa nito. Hindi na nakipagtalo pa si Elisse. Hinayaan niya ang ginang sa gusto nitong gawin, habang nananatili naman siyang nakaupo at nakatingin lang dito. Maraming tanong ang tumatakbo sa kanyang isip at alam niya na kahit papaano ay makakakuha naman siya ng sagot mula sa nagsisilbing mayordoma ng mansyon na ‘yon. “May itatanong po sana ako,” lakas loob niyang aniya, pagkalipas ng ilang minutong pagtatalo ng kanyang kalooban. “Ano ‘yon?” tanong nito, pagkatapos maghugas. Nagpunas ito ng kamay sa suot na puting apron, bago humarap sa kanya. “Gaano na po kayo katagal na naninilbihan dito?” Umupo naman ito sa katapat niyang upuan. “Bata pa lang si Sir ay nandito na ako,” nakangiti nitong aniya. “Kung gano’n ay nasubaybayan n’yo po pala ang paglaki niya.” “Oo naman. Halos ako na ang nagpalaki kay Sir Cameron dahil madalas na ako ang kasa-kasama niya.” Bakas ang kagalakan sa mga mata ng ginang. Pinagsalikop ni Elisse ang dalawang kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa. “Ibig sabihin ay kilala n’yo rin po si Gavin?” Nawala ang kasiyahan sa mukha ng ginang at napalitan ito ng pagkabahala. “Paano n’yo siya nakilala?” ganting tanong naman nito sa kanya. Elisse rolled her tongue on her lips as she straightened her back. “He’s my ex.” Gano’n na lang ang gulat niya nang bigla itong lumapit sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kanyang mga kamay. “Wala ako sa posisyon para magsalita. Pero ang tanging hiling ko lang ay wag mo sanang iwan si Cameron kahit na anong mangyari. Bukod sa kumpanya ay ikaw na lang ang mayroon siya,” aniya ng ginang. Mahihimigan ng pag-aalala ang boses nito. Kunot noo naman siyang napatitig dito. Marahil ay iba ang interpretasyon nito sa pamamalagi niya sa mansyon na ‘yon. “Ano pong ibig n’yong sabihin? Ang totoo po niyan ay wala naman po kaming special na koneksyon ni Cameron. Isang buwan lang po ang naging usapan namin para manatili ako rito,” paliwanag pa niya. Sunod-sunod itong napailing. “Hindi ka niya hahayaan na tumuloy rito kung hindi ka espesyal. Kung ang dahilan lang din ng pananatili mo rito ay sa kagustuhan niya na matulungan ka ay nasisiguro ko na marami pang ibang paraan para gawin niya ‘yon. Maniwala ka sa ‘kin, hija.” Bahagya nitong pinisil ang kanyang palad. “Sana ay tanggapin mo siya kahit na anong mangyari.” Tumayo ang mayordoma at naglakad paalis. Naguguluhang naiwan naman si Elisse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD