Chapter 14

1495 Words
MALAYANG tinatanaw ni Elisse ang tahimik na karagatan mula sa kanyang kinatatayuan. Katatapos lang ipaliwanag ni Cameron ang lahat sa kanya. Kaya naman ay hindi niya maiwasan ang mahulog sa malalim na pag-iisip. Truth be told, Gavin can actually exposed her true identity in a snap of a finger. But instead, he's creating an issue while leaving some hints. Dahil doon ay hindi mawari ni Elisse kung ano ba talaga ang plano ng dating kasintahan. Baka kasi magising na lang siya isang araw na naglaho ng parang bula ang lahat ng mga pinaghirapan niya. Wala kasi siyang hilig magbukas ng mga social media accounts niya. Kaya naman ay hindi na talaga nakarating sa kanya ang tungkol sa issue na 'yon. Bukod roon ay mabilis din naman daw itong naagapan ni Cameron. "Don't worry. I'll take care of Gavin." Napakislot siya nang bigla na lamang yumakap ang binata sa kanya mula sa kanyang likuran. Hindi niya naiwasan ang mapalunok, kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Sa totoo lang ay naguguluhan na siya sa inaakto ni Cameron. Madalas na rin niyang kinukuwestiyon ang sarili kung ano na nga ba silang dalawa. Gusto niyang linawin dito ang tungkol sa nararamdaman nito para sa kanya. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay natatakot naman siya sa magiging sagot nito. "Isa pa ay nasisiguro ko na hindi ka iiwan at huhushagan basta-basta ng mga mambabasa mo kahit na ano pang paninira ang lumabas laban sa 'yo. Based on my observation, you have a very supportive and disciplined fandom. Hindi sila nagsisimula ng gulo laban sa iba pang mga manunulat o fandom. Kung mayroon mang nambabatikos sa 'yo ay ipinagtatanggol ka nila sa sarili nilang paraan, na hindi magkakaroon ng direktang tama sa 'yo." Nakagat ni Elisse ang ibabang labi nang maramdaman ang mainit na hininga ng binata na tumatama sa kanyang batok. Tila may kung anong kiliti kasi 'tong hatid sa kanyang katawan. "Yeah, you're right. I'm just so lucky to have them," sang-ayon naman niya sa binata. "Come on. You were so happy on the way here, with a long list of the things that you wanted to do. So, don't let that issue affect you further and enjoy instead." Kumalas ang binata sa yakap at masuyo siyang pinihit nito para magkaharap silang dalawa. "Let's swim?" anyaya nito, bago ngumiti. Malalim siyang napabuntonghininga. May punto nga naman kasi ito. Nandoon sila para magsaya at hindi para isipin ang problema. "Okay. Mag-aasikaso lang ako," pagpayag niya. Ginulo naman nito ang buhok niya. "That's more like it." Napangiti lang si Elisse, bago tinalikuran ang binata para mag-asikaso. Maybe she just needs a good swim to wash all of her doubts and concerns away, even just for a moment. DUMILIM ang mukha ni Cameron nang makita ang suot ni Elisse paglabas nito ng banyo. "What are you wearing?" Naramdaman niya ang pagkabuhay ng nasa pagitan ng kanyang mga hita, kahit pa halos inabot na sila ng tanghali kanina. Elisse rolled her eyes. "I'm going to wear this and you can't do anything about it," she said, with finality on her voice. Naiinis na tumayo siya. "Fine!" Inabot niya ang isang kulay rosas na roba na nakalatag sa ibabaw ng kama. "But for now, wear this. Alangan namang rumampa ka sa lobby ng nakaganyan." Mahihimigan ng sarkasmo ang kanyang boses. Natawa naman si Elisse. "I know. Wala naman akong balak na rumampa ng ganito lang ang suot." Marahas na napabuga na lang ng hangin si Cameron, bago sila tuluyang lumabas. Ilang sandali pa ay lulan na sila ng elevator. Habang nasa loob ay hindi naiwasan ni Cameron ang pagkuyom ng kanyang kamao. Tila kasi kaybagal bumaba ng elevator. Gusto na niyang makalanghap ng sariwang hangin dahil sa init na nararamdaman niya. Pilit na pinipigilan niya ang sarili na isandal ang dalaga sa pader ng elevator at lamusakin ito ng halik. Nakahinga lang siya nang maluwag nang sa wakas ay bumukas na ang elevator. Sa paglabas nila ng hotel ay agad na dumiretso sila sa dalampasigan. Balewala namang inalis ng dalaga ang suot nitong roba at isinampay ito sa lounge chair na nandoon. Agad na nag-init ang ulo ni Cameron nang mapansin ang humahangang tingin ng mga kalalakihan sa katawan ng dalaga. Ang ilan naman ay tahasan pang sumipol. Matalim ang tingin na ibinigay niya sa mga 'to, na mukhang hindi man lang siya napapansin. How he wants to take their eyes out right now. "Hindi ba puwedeng lumangoy ka na nakasuot ng roba?" walang pagdadalawang isip niyang tanong kay Elisse. Hindi makapaniwalang nilingon naman siya nito. "Wag ka ngang OA. Come on. Just like you said, enjoy. Don't mind them. Hanggang tingin lang naman ang kaya nilang gawin." Ipinagkrus niya ang dalawang braso sa harap ng dibdib. "Oo naman." May himig ng kasiguraduhan ang kanyang boses. Pero gano'n na lang ang gulat niya nang biglang tumakbo ang dalaga patungo sa karagatan. Kaya naman ay dali-dali niya itong hinabol. Walang pagsidlan ang kasiyahan sa puso ni Cameron, habang nakikipaghabulan sa kanya ni Elisse, na agad rin naman niyang naaabutan. Balewalang binuhat niya ang dalaga at inikot pa ito sa ere. "Wooohhh! Yolo!" sigaw nito na nagpatawa sa kanya. He genuinely smiled. How he wish that moments like this will never end. NAPATINGIN si Elisse kay Cameron nang dahil sa sinabi nito. "What?" tanong niya. Hindi kasi siya sigurado kung tama ba ang pagkakarinig niya. Kasalukuyan silang nakaupo sa dalampasigan, habang hinahayaan ang kanilang mga paa na mabasa ng tubig dagat. Pinapanood kasi nila ang paglubog na araw. "Let's have a challenge," nakangisi nitong aniya sa kanya. Napataas naman ang kilay niya. "Why do I have a feeling that you're planning something?" Itinaas naman ni Cameron ang kanang kamay na parang nanunumpa. "I swear, I don't have any agenda. It's just for fun." Nagkibit balikat naman si Elisse. "Fine. Let me hear it." Lumapit namam ito sa kanya, bago mayroong itinuro sa dagat. "Nakikita mo ba ang malaking bato na 'yon?" Kunot noong napatango naman siya. "Yeah. What's with that rock?" Mas lalong lumawak ang ngisi nito. "Paunahan tayong makarating papunta roon. Whoever wins the challenge will impose a punishment to the loser one." Napasimangot si Elisse. Hindi nga siya nagkamali ng hinala na mayroon itong pinaplano. "Why? Are you scared?" pang-aasar pa nito sa kanya. Napailing naman siya sa binata. "There's no way that I'll be scared." Tumayo na siya. Agad na sumunod naman sa kanya ang binata. Ilang saglit pa ay pareho na silang nakapuwesto kung saan sila magsisimula. "Sabihan mo lang ako kapag hindi mo na kaya, hah. Just call my name, and I'll be by your side in an instant," paalala nito sa kanya. Elisse smirked. "Wag mo akong minamaliit masyado. Baka mamaya ikaw pa ang matalo, eh." "Woah! Show me what you got then," Cameron said excitedly. Nagsimula ng magbilang si Cameron. The moment he said go, they both welcomed the waves of the ocean as they swim further. Wala man siyang bilang pagdating sa pagluluto ay masasabi niyang mayroon naman siyang sinabi pagdating sa paglangoy. Lalo pa at lumaki siya sa probinsya, kung saan ay nakasanayan na nilang gawing tambayan ang dagat. Madalas na nagpapaligsahan din sila ng mga kababata niya noon. Kung tutuusin ay medyo may kalayuan ang bato at nasisiguro ni Elisse na may kalaliman na rin ang parte na 'yon. Ngunit hindi siya magpapatalo. Pilit na isinantabi niya ang nararamdamang pagod ng katawan. She took a quick glance on Cameron's side, and couldn't deny the fact that he's also a good swimmer. Siya ang nangunguna kanina pero mabilis siya nitong naabutan. Pero kahit tila wala ng pag-asa ay binigay niya pa rin ang lahat ng makakaya niya. Abot tainga ang ngiti nito nang una itong makarating sa malaking bato. Ngunit nagsalubong ang kilay niya nang pumaikot pa ito sa likod ng bato. Naiiling na sinundan na lamang niya ito roon. Ngunit gano'n na lang ang gulat niya nang hindi niya ito makita at may bigla na lang humila sa kanya mula sa ilalim. In a snap, her lips was sealed by Cameron's. Agad na humiwalay siya at dali-daling umahon. Masama ang tingin na ibinato niya rito pagkaahon din ng binata. "It's not a good joke," she hissed at him. "Sorry." He just did a peace sign. Natigilan siya nang may maalala. "What's my punishment?" tanong niya. Saglit na nag-isip naman si Cameron. Naiinis na hinampas naman ni Elisse ito sa braso. "Alam kong bago mo pa ako hamunin kanina ay mayroon ka ng naisip. Wag ka ng magkunwari riyan." Napangiti naman ito. "Truth is, I want you to cook for me." Napangiwi naman siya sa sinabi nito. "Mahal mo ba ang buhay mo?" He grinned. "Siyempre gusto ko ring tikman ang luto ng tinitikman ko." Agad na tinakpan naman niya ang bibig ng binata at nagpalinga-linga sa paligid. "Watch your mouth!" Tinawanan lang siya ng loko. Kung seryoso man ito sa parusa nito sa kanya ay good luck na lang sa tiyan nila mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD