Chapter 15

1533 Words
MUNTIKAN ng mapatalon si Elisse nang biglang pumitik ang mantika ng piniprito niyang bangus. “Ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakikipagbuno riyan, eh. Nasa stage one ka pa lang. May mga susunod pa akong ipaluluto sa ‘yo.” Naiinis na nilingon niya si Cameron na prente lang na nakaupo, habang may sinusupil na ngiti sa mga labi at nanonood sa kanya. “Bakit kasi ang dami mong gustong kainin ngayon? Mauubos mo ba ang lahat ng ‘yan?” Turo niya sa mga nakapila pa na lulutuin. Cameron tapped his stomach. “Of course. My stomach has a lot of space, darling.” He winked. Napangiwi naman si Elisse at muling itinuon ang atensyon sa bangus na piniprito niya, nang muling pumitik ang mantika nito. Halos mabitiwan niya ang hawak na siyansi. “Hindi mo pa ba hahanguin ‘yan?” nagtatakang tanong ng binata sa kanya. “Hindi pa,” seryosong sagot ni Elisse, bago maingat na binaliktad ang bangus. May ilang parte pa kasi nito na sa tingin niya ay hindi pa luto. Ilang saglit pa ay bigla siyang nilapitan ni Cameron at mabilis na pinatay ang kalan. Kunot noong napatingin naman siya rito. “Bakit mo pinatay?” Pinameywangan siya ng binata. “Hindi pa ‘yan luto sa lagay na ‘yan? Eh, samantalang malapit na nga atang mag-activate ang fire sprinkler system nitong hotel dahil may nasasagap itong sobrang init at tila nasusunog na bagay.” Mahinang hinampas naman niya ito sa braso. “Ang yabang mo! Wag kang kakain ng mga luto ko, hah,” banta niya pa. Hinango na niya ang bangus at inilagay ito sa pahabang plato na nandoon. Agad na kinuha naman ito sa kanya ng binata at inilayo mula sa pagkakahawak niya. “Siyempre ay hindi ko puwedeng palampasin ang mga luto mo,” paniniguro nito sa kanya. Napanguso na lang siya. Palibhasa ay wala pang ideya ang binata sa lasa ng luto niya kaya nasasabi nito ang mga salitang ‘yon. Sunod niyang inasikaso ang gagawing adobo. Mataman siyang nanonood sa cellphone na pinatayo niya malapit sa lababo, tungkol sa paraan ng pagluluto nito. Cameron is making it hard for her. Puwede naman kasi siyang turuan o gabayan na lang ng binata para mas mabilis. Pero ang loko ay mas gusto raw siyang panoorin sa kanyang ginagawa. “We can just order you know, or ask for the food service. Baka matagalan pa ako rito kung ipagpapatuloy ko ito,” suhestiyon niya sa binata. Kahit pa ang totoo ay inaantok na siya nang dahil sa pinapanood niya. “No. Besides, I don’t mind waiting, and I just can’t let that menu of yours to slip on my mouth.” He smiled. Elisse shook her head. “There’s nothing special about it. Just accept the fact that I’m not really born to cook.” Kahit noong bata pa lang si Elisse ay hindi talaga siya nahilig na tumambay sa kusina o magkaroon man lang ng interes sa pagluluto. Kaya naman ay isa ang bagay na ‘yon sa naging problema niya noong napagpasyahan na niyang manirahan sa Maynila at bumukod. Cameron chuckled. “Of course. Nothing is special about it, and you’re not born to do that either.” Napaismid siya. Sabi na nga ba niya at pinagtitripan lang siya ng binata. “Because you’re the one who is special, and you’re born to be mine.” Natigilan siya sa ginagawa at gulat na nilingon ang binata. Hinahanap niya sa mukha nito ang pagbibiro. Pero seryoso lang itong nakatingin sa kanya. Naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nang dahil doon ay rinig na rinig niya ang pagwawala ng kanyang puso mula sa kinalalagyan nito. Natawa siya upang basagin ang tensyon na bigla na lang namagitan sa kanila. “Ewan ko sa ‘yo. Napakabolero mo.” Tinalikuran niya ito upang itago ang pamumula ng kanyang pisngi, maging ang panginginig ng kanyang mga kamay nang dahil sa sinabi nito. Anong ibig niyang sabihin? Inabala na lamang niya ang sarili hanggang sa mga susunod pa niyang lulutuin. Hanggang sa ilang oras pa ang lumipas at sa wakas ay natapos din siya. Ngunit napangiwi na lang si Elisse nang makita ang kinalabasan ng mga ito. Sunog ang bangus at hindi niya mawari ang hitsura ng omelette. Mukhang ayos naman ang adobo, pero hindi lang siya sigurado sa lasa. Kahit ang iba pa niyang mga niluto ay may kanya-kanyang kapintasan. Parang gusto na lang tuloy niyang idiretso ang mga ito sa basurahan, kaysa ang ihain pa sa mesa. She was about to do the first one, when Cameron suddenly stopped her. Kinuha nito ang lahat ng mga niluto niya at ito na mismo ang naghain ng mga ‘yon sa mesa. Hindi pa nakuntento ang binata at kinuhaan pa ito ng litrato. “Sigurado ka bang kakainin mo lahat ‘yan?” hindi makapaniwalang tanong ni Elisse. Ipinaghila siya ng upuan nito, bago dumiretso ang binata sa puwesto nito. “Of course.” Gusto niyang ipikit ang mga mata nang magsimula itong sumubo. Hinihintay niyang magbago ang ekspresyon nito. Pero ngumiti lang ang binata at maganang nagpatuloy sa pagkain. Dahan-dahan namang napaupo at kinuha ni Elisse ang kutsara at maingat na tumikim. Muntik na siyang masuka sa unang subo pa lang niya ng sabaw ng adobo. Akmang kukuha nito si Cameron nang mabilis niya itong napigilan. “Bakit mo ba pinipilit ang sarili mo? Mamaya kung mapano pa ang tiyan mo, eh,” pangungumbinsi pa niya rito. “Are you worried?” he asked. “Of course!” Halos maghisterikal na nga siya sa pag-aalala. “Then, that’s an enough medicine already in case something happened to my stomach.” Napaawang ang bibig niya. Is he for real? Labag man sa kalooban ay nagsimula na rin siyang kumain. Sa bawat subo niya ay tila gusto niyang dumiretso sa banyo. Pilit na pinipigilan lang niya ang sarili nang dahil sa maganang pagkain ng binata. Hindi nagtagal ay narinig na niyang dumighay si Cameron. “I’m full!” he announced. Somehow, she can’t stop herself from smiling. Because Cameron never made her feel insecure. Mukhang kahit anong pigil pa ang gawin niya ay talagang nahulog na ang puso niya sa binata. HALOS pigil ang hininga ni Cameron, habang nakaupo siya sa kabilang gilid ng kama. Sa isang tabi naman ay gano’n din si Elisse. “You should take the bed,” pagpupumilit pa niya rito. “No. Ikaw na nga ang gumastos lahat dito, eh. I can take the couch. So you take the bed,” sagot ng dalaga, bago tuluyang tumayo. Iisa lang kasi ang kama sa unit na tinuluyan nila. Pero malaki naman ito kahit papaano. Ang kaso lang ay ayaw naman niyang mag-isip si Elisse ng kung ano. Napaismid siya nang dahil sa naisip. Pagkatapos ng ilang beses na nangyari sa kanilang dalawa ay ngayon pa talaga sila nagkahiyaan sa isa’t isa. Mabilis naman niya itong nahawakan sa braso para pigilan. “Ganito na lang. Pareho tayong matulog dito. Kung gusto mo ay maglagay ka ng unan sa pagitan natin para maging mas kumportable ka,” suhestiyon niya. Elisse rolled her eyes. “As if it would help.” Cameron bit his lower lip. She has a point. Malalim na napabuntonghininga naman ang dalaga. “Fine! But I want a peaceful night, Cams. I’m tired,” babala nito sa kanya. Napangiti naman siya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila kinikilig siya nang dahil sa simpleng pagtawag nito sa kanya ng gano’n. “Promise! I’ll behave.” Nananantiya ang tingin na iginawad sa kanya ni Elisse, bago ito tuluyang humiga. Agad naman siyang sumunod. Inilagay ni Cameron ang kanang braso sa ilalim ng kanyang ulo at napatingin sa kisame. “Paniguradong magugustuhan mo ang pupuntahan natin bukas. Pero ipaalam mo rin sa ‘kin kung may iba ka pang gustong gawin.” Mahihimigan ng pagkasabik ang kanyang boses. Ngunit katahimikan lang ang tanging sumagot sa kanya. He’s about to peek on Elisse whose back is facing him, when he suddenly heard her snore. Napailing na lang siya at natawa. Sa ilang linggo nitong pananatili sa mansyon ay ngayon lang niya nalaman na humihilik pala ito. Pumikit na rin siya para pilitin ang sarili na matulog. Pero lumipas na ang ilang oras ay nananatili pa ring gising ang diwa niya. Lalo pang lumala ‘yon nang may maramdaman siyang kung ano na pumatong sa kanyang dibdib. Napadilat siya at unti-unting sinilip ang dalaga na nakaunan na ngayon sa dibdib niya. Sa isang iglap ay naramdaman niya ang pagkabuhay ng nasa pagitan ng mga hita niya. Mariing ibinilin ng dalaga na magtino siya, pero hindi naman ito nakakatulong. But he respects her. Hindi naman niya ipipilit ang sarili kung ayaw nito o tanggihan siya nito. Mas lalo na kung tulog ito. That’s why for now, he will just cherish the moment that only on his dreams happens. Dahan-dahan niyang ipinulupot ang kanang braso sa balikat nito at masuyong hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na abot kamay na niya ang dalaga. With that, Cameron fell on a deep slumber with a smile on his face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD