Chapter 16

1550 Words
ITINAAS ni Elisse ang suot na shades at napaawang na lang ang kanyang bibig nang mabungaran niya ang isang nakalapag na chopper sa pag-akyat nila sa rooftop ng hotel. Wala kasi siyang ideya kung bakit siya dinala ni Cameron doon. Sa ilang beses naman na tinanong niya ito habang paakyat sila roon ay palaging surprise lang ang sagot nito sa kanya. “Sasakay tayo riyan?” hindi makapaniwala niyang tanong kay Cameron. Hinawakan naman ng binata ang kanyang kamay at nagsimula na silang maglakad papalapit sa naghihintay na helicopter. “Yeah. Lilibutin kasi natin ang buong isla ngayong umaga.” Nginitian siya nito at iminuwestra ang isa nitong kamay sa nakabukas na pinto. “Shall we?” Wala sa loob na napatango naman si Elisse. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya dahil ito ang unang beses na makakasakay siya ng helicopter. Inalalayan siya ni Cameron paakyat. Nang makapasok sa loob ay malalim siyang napabuntonghininga, bago umayos ng pagkakaupo. Napangiti na lang siya nang isuot naman ng binata ang headphone sa magkabila niyang tainga. Ngunit kasabay ng pag-angat ng helicopter sa himpapawid ay ang pagbilis din ng t***k ng puso niya. Hindi dahil sa kaba, kung hindi dahil sa muling paghawak ni Cameron sa kamay niya. Napalunok siya. Halos pigil niya ang hininga, habang pilit na pinipigilan ang sarili na lingunin ang binata. Cameron even intertwined their fingers, and he softly caressed her thumb, forming little circles on it. Somehow, she feels relief. Kinagat ni Elisse ang ibabang labi at napatingin na lang sa labas ng bintana. Ilang sandali pa ay napalitan ng pagkamangha ang nararamdaman niya, nang tuluyan ng tumambad sa kanyang paningin ang malawak na karagatan, maging ang mga naglalakihang bato at ang kabuuan ng isla. Kahit ang mga katabing isla ay pinuntahan din nila. Hindi mapuknat ang ngiti ni Elisse. Isa lang din ang mga pangyayari na ‘to sa mga eksena na sinusulat niya sa kanyang mga akda noon. Pero ngayon ay personal na niya itong nararanasan. She can’t deny the fact that ever since the day she has been with Cameron, she feels like she’s now the main character of a story that even her didn’t have any idea on how will it goes and ends. Elisse was enjoying the picturesque view, until the chopper reached the other end of the island and descends slowly. Nang makalapag ay agad na inalalayan naman siya ni Cameron sa paglabas at pagbaba. Ngunit sa pagtataka niya ay agad na umalis ang chopper. “Maglalakad na lang ba tayo pabalik?” tanong niya sa binata nang magsimula na silang maglakad. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid. “Anong mayroon sa lugar na ‘to?” Naglalakihang mga bato, nagtataasang mga puno at ang malawak na puting buhanginan lang kasi ang nakikita ni Elisse sa lugar na ‘yon. Pinanliitan niya ng mga mata si Cameron nang hindi ito umimik. “Baka kung anong klaseng kabalbalan na naman ang tumatakbo riyan sa isip mo, hah.” Tinawanan lang siya nito. Pero muntik na siyang mapatalon sa gulat nang bigla na lang tinakpan ng binata ang mga mata niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya, sa hindi niya maintindihang kadahilanan. “Kinakabahan na ako, hah,” pag-amin niya rito. Kahit pa ang totoo ay hindi niya alam kung saan ba siya kinakabahan. Ilang sandali pa ay tumigil na ito sa paglalakad. Kaya naman ay natigilan din siya. “Okay, here we are,” Cameron announced. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, nang alisin na ng binata ang kamay nitonmula sa pagkakatakip doon. Samot saring emosyon ang lumukob kay Elisse nang makita ang nakaayos na mesa na nakapaloob sa korteng puso na nakaukit sa buhanginan. May champagne na nakalagay sa ibabaw nito at mayroon ng mga nakahain na masasarap na pagkain. She didn’t want to assume. But what does the heart symbol stands for? “Pambawi ba ‘to sa sama ng lasa ng mga niluto ko kagabi?” biro niya. Kahit pa ang totoo ay sobrang naantig ang damdamin niya nang dahil sa ginawa nito. Parang may masuyong kamay na humaplos sa kanyang puso. Gavin didn’t even bother to surprise her like this before. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na nararanasan niya ang lahat ng ito sa piling ng taong itinuring niyang kaaway. Cameron shook his head. “I just want to give you a perfect breakfast that you deserve. Come on.” Muli siya nitong hinawakan sa kamay at inalalayan pang makaupo. Words are not enough to explain the overwhelming feeling she’s experiencing right now. “Alright. Let’s eat. Hindi pa tayo tapos maglibot.” Nilagyan siya ni Cameron ng pagkain sa plato niya, bago nito binuksan ang champagne at sinalinan naman ang baso niya. Hinayaan na lang ni Elisse ang binata sa gusto nitong gawin. Isa pa ay gusto na lang din niyang sulitin ang mga ganitong pagkakataon kasama si Cameron, dahil malapit na rin namang matapos ang napag-usapan nilang isang buwan. Natigilan siya nang maisip ang tungkol sa bagay na ‘yon. Hindi magtatagal ay kakailanganin na niyang umalis sa poder ng binata. Mag-iiba kaya ang trato nito sa kanya kapag nagkataon? “Hey. May problema ba?” Napakurap siya nang pumitik ito sa harap niya. “Wala naman.” Nginitian niya ito at nagsimula na silang kumain. Nasa kalagitnaan na siya ng kinakain nang may biglang maalala. “Babalikan na lang ba tayo ng chopper dito?” muli niyang tanong sa binata. Napailing naman ito sa kanya. “Nope. May iba tayong sasakyan.” Nagsalubong ang kilay ni Elisse. Pero hindi na siya nagtanong pa. Paniguradong hindi naman ito sasagot ng matino. Kahit medyo mainit ang panahon ay hindi nila ito alintana. Maaga pa naman kasi kaya hindi pa ito masakit sa balat. Bukod roon ay malakas at malamig naman ang simoy ng hangin. Idagdag pa ang tubig dagat na umaabot at humahalik sa kanilang mga paa. This is indeed the most refreshing breakfast that she ever had. Nang matapos ay niyaya naman siyang maglakad ni Cameron. Hanggang sa tumigil sila kabilang bahagi na natatakpan ng naglalakihang mga bato. He stretched both of his arms. “We are going to ride my baby this time.” Napanganga siya nang makita ang nakadaong malapit sa dalampasigan. “Is that yours as well?” Maang niyang turo sa yate na nasa harapan nila ngayon. Inakbayan naman siya nito. “Yes.” Napanguso si Elisse. Tila sinasampal kasi siya ng kahirapan ngayon. Ilang sandali pa ay lulan na sila ng yate nito. Sa ngayon ay susulitin na lamang muna niya ang pagkakataon. Saka na lang niya poproblemahin ang tungkol sa nararamdaman niya para sa binata. INAAYOS ni Cameron ang pagkakasalansan ng ilan sa mga gamit nila, nang mapansin niya ang isang brown envelope na nakasiksik sa cabinet. Dala ng kuryosidad ay kinuha niya ito at tiningnan ang nilalaman nito. Dahil bihira naman siyang tumambay sa yate niya ay madalas na hindi na niya naaalala ang mga bagay na naiiwan niya roon. Ngunit natigilan siya nang makita ang nakapaloob dito. Sa higpit ng kanyang pagkakahawak doon ay bahagya pa itong nagusot. Mariin siyang napapikit. Masaya ang araw niya ngayon at hindi niya hahayaan na masira lang ito ng nakaraan. Wala sa loob na inilapag niya ito sa isang tabi at napagpasyahang puntahan si Elisse. Nagpaalam kasi itong magpapahangin lang kanina. Nakapamulsa si Cameron na sumandal sa hamba ng pinto at tinanaw ang dalaga na malayang nakatingin sa karagatan, habang nakatalikod sa direksyon niya “Do you always do this?” tanong nito nang hindi lumilingon sa kanya. He shrugged. “Not really. But I just made sure to unwind once in a while. Ayoko rin namang magpakaburo sa kakatrabaho,” sagot niya. “Yeah, right. For sure ilang babae na ang naisama mo sa mga ganitong klase ng escapade mo.” Nakasimangot itong lumingon sa kanya. Natawa naman siya sa tinuran nito. Gusto sana niyang isipin na nagseselos ang dalaga. Pero siguradong nananaginip lang siya no’n ng gising. “Sa totoo lang ay mag-isa lang ako tuwing napapagpasyahan kong lumayag ng ganito.” Matiim niya itong tinitigan. “Ikaw pa lang ang kauna-unahang babae na isinama ko sa ganito,” seryosong pag-amin niya rito. Namimilog ang mga mata nitong napatitig sa kanya. “T-Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ng dalaga. “Yhup.” Sa pagtataka niya ay bigla na lamang itong tumalikod sa direksyon niya. Naiiling na naglakad siya palapit dito. Walang pagdadalawang isip na niyakap niya ito mula sa likuran. “Puwede bang dito na lang tayo at wag ng bumalik pa?” bulong niya rito. Ramdam niyang natigilan si Elisse nang dahil sa sinabi niya. “What do you mean? Hindi mo puwedeng iwan na lang ang kumpanya ng gano’n na lang.” “I don’t really mind leaving everything behind if it means being with you.” Kumalas si Elisse sa yakap niya at gulat itong napaharap sa kanya. “A-Ano bang pinagsasabi mo ngayon?” Imbis na sumagot ay masuyo niyang sinakop ang mga labi nito. Hindi katulad ng sa mga nauna ay naging mas marahan ang iginawad niyang halik ngayon sa dalaga. Agad itong tumugon. Mahigpit naman niya itong niyakap. Nasisiguro niya na kaunting panahon na lang at makukuha na niya ang puso nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD