DAHIL maaliwalas ang panahon ay napagpasyahan ni Elisse na maligo sa dagat. Kaya naman ay agad siyang nag-asikaso at nagpalit ng susuotin.
Sa muling pagbaba niya sa lower deck ay naabutan niya si Cameron na nakaupo sa duyan na nandoon. May kausap ito sa phone at tila hindi maganda ang mood ng binata, dahil narinig niya ang biglaang pagtaas ng boses nito.
Nabitiwan tuloy niya ang hawak na lotion nang dahil sa gulat, dahilan para mapalingon sa direksyon niya ang binata.
“I’ll call you later,” paalam nito sa kausap, bago tumayo at lumapit sa kanya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
“What’s with the swimsuit?” takang tanong nito sa kanya.
Tinuro naman ni Elisse ang dagat. “Swimming,” sagot niya rito.
Hindi na niya hinintay na magsalita pa si Cameron. Umupo siya sa lounge chair na nandoon at nagsimulang maglagay ng sunblock lotion.
“Can’t you just do it later? I’ll go with you. I just have some matters to deal with right now.”
Pilit na inaabot ni Elisse ang likod niya para malagyan din ito. Pero sa huli ay sumuko na lang siya at napaangat ng tingin sa binata.
“Stop being so overprotective. I can take care of myself. Isa pa ay hindi naman ako lalayo, eh,” paniniguro niya rito.
Malalim na napabuntonghininga naman ang binata. “Fine!” Inilahad nito ang palad sa kanya.
“What?” naguguluhan niyang tanong.
Kinuha naman nito mula sa pagkakahawak niya ang lotion.
“Ako na ang maglalagay nito sa likod mo.”
Napakurap naman si Elisse.
“O-Okay.”
Nakadapang humiga na siya sa lounge chair, kasabay ng biglaang pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi niya mawari kung saan nagmumula ang kabang nararamdaman niya ngayon.
Idagdag pa ang masuyong halik na iginawad nito sa kanya kanina, na hindi pa rin nawawala sa isipan niya hanggang ngayon. Na tila ba sa pamamagitan ng halik na ‘yon ay may emosyon itong nais na iparamdam sa kanya.
Nang sa wakas ay dumantay na ang kamay ng binata sa kanyang likod ay pinigilan niya ang mapaungol. Lalo na ng bahagya nitong natamaan ang gilid ng dibdib niya.
Bawat paghagod kasi ng kamay nito ay tila ginigising ang bawat himaymay ng kanyang katawan. Kaya bago pa kung saan mapunta ang mga kaganapan sa pagitan nila ay pinatigil na niya ang binata.
“Stop. Ayos na ‘yan. Gawin mo na ang kailangan mong gawin.” Dali-dali siyang tumayo.
“Sigurado ka bang hindi mo na ako hihintayin?” pagpipilit pa nito.
Elisse rolled her eyes. “You can just join me later if you want. For now, go,” pagtataboy niya kay Cameron.
Napatayo na rin ito.
“Okay. Basta riyan ka lang sa tabi, hah.”
Tinanguan na lang niya ang binata para hindi na humaba pa ang usapan.
Pagkapasok ni Cameron sa loob ay naisipan naman ni Elisse na maglagay muna ng earplugs sa magkabila niyang tainga, para maging mas payapa ang gagawin niyang paglangoy at hindi mapasok ng tubig ang mga ito.
Katulad ng sinabi niya kay Cameron ay hindi siya lumayo sa yate. She swims as if there’s no tomorrow. Lalo pa at baka matagalan na naman ang ganitong klase ng pagkakataon sa oras na bumalik na sila sa siyudad.
Nang mapagod at makaramdam ng ngalay ay hinayaan na lamang niya ang sarili na lumutang. Hindi naman gano’n kainit kaya malaya niyang natitigan ang kalangitan.
Hanggang sa maramdaman niya ang pagbigat ng talukap ng kanyang mga mata.
HINDI maiwasang makaramdam ng iritasyon ni Cameron. Kahit kasi nasa bakasyon siya ay hindi naman siya tinatantanan ng mga sunod-sunod na problema na nangyayari sa publishing company na pinapatakbo niya.
Kanina pa siya mayroong mga kinakausap. Sa ngayon naman ay ang secretary niyang si Emman ang nasa kabilang linya.
“Sigurado ka bang walang nasaktan kahit isa?” nag-aalala niyang tanong dito.
“Wala po, Sir. Nakalabas naman po ang lahat bago tuluyang kumalat ang apoy.”
Ikinuyom ni Cameron ang kamao. Hindi niya gusto ang tinatakbo ng kanyang hinala. Pero iisang tao lang ang naiisip niyang dahilan ng pagkasunog ng warehouse nila, kung saan ay maraming libro ang nasunog.
“Good. Pakiasikaso na rin muna sila riyan. Saka kahit walang nasaktan ay nagpadala na rin ako ng mga medics diyan para makasiguro. Babalik na rin ako bukas ng umaga.”
“Okay, Sir. Ako na po ang bahala rito.”
Ibinaba na ni Cameron ang tawag. Nasa harap siya ngayon ng kanyang laptop dahil may mga sinasagutan din siyang mahahalagang email na may kinalaman sa insidente.
Nang matapos ay akmang isasara na niya ito nang mapansin na mayroon siyang isang email na nasa junk folder. Agad na binuksan naman niya ito dahil baka importante.
Ngunit nabitiwan na lamang niya ang hawak na cellphone nang mabasa ang nilalaman ng email.
Hindi ako titigil hangga’t hindi nawawala ang lahat sa ‘yo, Cameron. Lahat-lahat. Pati na ang babaeng kasama mo ngayon.
Natigilan siya sa kinauupuan at biglang binalot ng kaba ang kanyang dibdib.
Nang makabawi ay agad siyang tumayo at lumabas para puntahan ang dalaga.
Pero gano’n na lang ang gulat niya nang makitang nagpapalutang-lutang ito sa tubig at nakapikit. He tried to call her, but she wouldn’t budge.
“s**t!”
Dahil doon ay walang pag-aalinlangan siyang tumalon sa dagat.
ELISSE opened her eyes when she felt the waves of water pushed towards her direction. Ilang sandali pa ay nagulat na lang siya nang biglang lumitaw sa harap niya si Cameron.
“Are you alright?” Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
Napakunot noo naman siya at napaayos ng posisyon para magkaharap silang dalawa ng maayos. Pagkatapos ay inalis niya ang suot na earplugs para mas maintindihan niya ito.
“What’s the matter?” nagtataka niyang tanong.
Cameron sighed in relief.
“I just saw you floating with your eyes closed. I have been calling you, but you didn’t answer and opened your eyes. So, I panicked.”
“I’m wearing earplugs, that’s why I didn’t hear you. But I’m awake,” she explained.
Napatango naman ang binata.
“Okay. But don’t do that again. It’s dangerous to close your eyes while floating and wearing earplugs. Most especially if you’re alone,” sermon pa nito sa kanya.
Elisse pouted. “Sorry.”
Sa gulat niya ay kinuha ng binata ang kamay niya.
“Let’s go. Kanina ka pa nakababad sa tubig. Baka sipunin ka na,” yaya nito sa kanya.
Hindi na siya nakipagtalo pa at sumunod rito.
Ngunit pagkaayat nila ng lower deck ay may narinig silang tunog na nagmumula sa isang paparating na yate. Napalingon sila sa likod nila at gano’n na lang ang gulat ni Elisse nang makita ang dating nobyo na sakay nito.
“Wow. The CEO of the First Romance Publishing and one of his author. Together in this secluded place. What a beautiful sight. Paniguradong pagkakaguluhan kayo ng mga tao sa oras na lumabas ito sa social media. This is a scoop that I shouldn’t miss,” malaks nitong sigaw ng huminto ang yate nito sa tabi ng sinasakyan nila.
Mabilis na itinago naman siya ni Cameron sa likod nito.
“Anong ginagawa mo rito?”
Gavin faked an innocent look as he roamed his eyes around the area.
“Am I not allowed here? The last time I check, you don’t own this place.”
“Back off,” aniya ni Cameron sa malamig na boses.
Natigilan si Elisse. Alam naman niyang hindi maganda ang relasyon ng dalawa. Pero tila ba may iba pang pinanggagalingan ang galit na nararamdaman ni Cameron sa dating matalik na kaibigan ngayon. Patunay na roon ang nanginginig nitong kamay na nakahawak sa kanya.
Natawa naman ang dati niyang kasintahan.
“Chill, man. I’m just touring around. Enjoy.”
Nakahinga lang nang maluwag si Elisse nang biglang lumiko ang sinasakyan nitong yate. Nang makalayo ito ay dali-dali naman siyang hinila ni Cameron papasok sa loob.
“We need to get out of this place already. Babalik na tayo sa Manila,” aniya ng binata na bakas ang pagkataranta sa guwapo nitong mukha.
Naguguluhang napatitig naman si Elisse rito. “Pero bukas pa ang uwi natin, ‘di ba?”
“Yeah. Pero kailangan na nating umalis ngayon.”
Akmang magtatanong pa si Elisse nang may matabig siyang papel. Natuon ang atensyon niya roon nang mahulog ang mga ito sa sahig.
Pero nanlaki na lang ang kanyang mga mata nang makita kung ano ang nakasulat doon. Dahan-dahan naman niyang kinuha ang mga ito.
“Why did you have this?” takang tanong niya kay Cameron.
Sa pagkakataong ‘yon ay nilingon siya ng binata. Bakas ang pangamba sa mukha nito nang makita kung ano ang hawak niya, na agad nitong binawi sa kanya.
“It’s the unfinished novel of Mitch Carol. Why did you have a copy of that?” Ramdam niya ang biglaang pagbilis ng t***k ng kanyang puso.
“Asikasuhin mo na ang mga gamit mo,” aniya nito, bago siya muling tinalikuran.
Napailing naman si Elisse.
“I’m asking you. That’s the unfinished novel of Mitch Carol. Hindi na niya nagawang tapusin ‘yan dahil bigla na lang siyang namatay.”
Mitch Carol is one of the authors that Elisse idolize. Like her, the woman is also an anonymous author.
But even before they have a chance to meet her, she died already.
Nanatili lang na nakatalikod sa kanya ang binata at hindi umimik.
“Bakit na sa ‘yo ang copy ng manuscript niya? Kilala mo ba siya? Alam mo ba ang sanhi ng pagkamatay niya?”
Sa pagkakataong ‘yon ay muling humarap na sa kanya si Cameron.
“Mitch Carol is my Mom.”
Napanganga na lang si Elisse nang dahil sa isinagot ng binata. Hindi niya inaasahan ang rebelasyon nito na ‘yon.
“And it’s my fault why she died.”