Chapter 18

1582 Words
NAPAMAANG na lang si Elisse sa pagbaba nila ng yate pagkadaong nito, dahil mayroon na agad naghihintay na kotse sa kanila sa hindi kalayuan. Gulong-gulo ang isipan niya ngayon. Hindi lang dahil sa biglaang pagsulpot ni Gavin, kung hindi dahil din sa naging rebelasyon ni Cameron kanina. Ipapaliwanag na lang daw nito ang lahat sa kanya sa oras na makabalik na sila. Pero mas lalo lang siyang hindi mapalagay. “Can’t you really tell me now what’s happening? Hindi ko na kaya pang maghintay hanggang sa makauwi tayo. I need answer. May ginawa ba si Gavin para mataranta ka ng ganyan?” hindi na niya napigilang tanong sa binata nang magsimula na silang bumiyahe sa daan. Napansin niya ang biglang paghigpit ng hawak ni Cameron sa manibela. “The issues about you, then the fire incident in the warehouse. I’m sure that it’s all his doing, and there’s a big possibility that you’ll be the next target.” He blew a loud breath. “I don’t know what he plans next. That’s why I need to get you out of here as soon as possible, before anything happens.” Natigilan si Elisse. Wala kasi siyang ideya tungkol sa sunog na nabanggit nito. “But I don’t think he will hurt me to such extent.” Cameron shook his head. “You don’t have any idea on what he’s capable of doing. That’s why we need to get out of here as fast as we can.” May kinuha naman ito mula sa bulsa nito. “Here. Wear this.” Napakunot noo si Elisse nang makita ang bracelet na hawak nito. “What for?” naguguluhan niyang tanong. “Just wear it.” Hindi na umimik pa si Elisse at kinuha na lang ang bracelet na inaabot nito, bago isinuot. Pero sa pag-angat niya ng tingin ay nanlaki na lang ang kanyang mga mata nang mula sa kung saan ay may sumulpot na kotse. “Watch out!” “s**t!” Cameron drive as fast as he can and tried to avoid the car as much as possible. But it keeps on following them. Hanggang sa tuluyan na sila nitong nabangga, dahilan para magdire-diretso ang sinasakyan nilang kotse at tumama ito sa isang puno. In a blurry sight, Eisse tried to reach Cameron’s hand. But before she can even touch it, everything went blank. DAHAN-DAHANG iminulat ni Cameron ang kanyang mga mata. Ngunit napangiwi siya nang biglang sumigid ang kirot sa kanyang ulo. Wala sa loob na hinawakan niya ito at gano’n na lang ang gimbal niya nang may makapa siyang likido mula ro’n. Nang tingnan niya ito at makita ang bakas ng dugo mula sa kanyang kamay ay tuluyang nagising ang diwa niya. Agad na inilibot niya ang tingin sa paligid. Pero gano’n na lang ang kabang naramdaman niya nang mapansin na mag-isa na lang siya sa kotseng ‘yon. Sa nanginginig na kamay ay inalis niya ang pagkakalagay ng seatbelt niya. “Elisse!” he shouted the moment he gets out of the car. Pero nang dahil sa tinamong pinsala ay napaluhod na lang siya sa daan. Ngunit hindi niya ito ininda at muling pinilit na makatayo. “Elisse!” he shouted once again. His heart is beating fast right now. He just can’t lose someone special again. Ilang sandali pa ay nakarinig na siya ng sirena na nagmumula sa ambulansya. Kasunod nito ang isang police car at ang sinasakyang kotse ng secretary niya na si Emman. Agad naman siyang dinaluhan ng medical team. Pero sa mga pulis siya dumiretso. “Please, I’m begging you. I need to find her,” aniya sa mga pulis pagkalapit niya sa mga ‘to. “We will do everything we can just to find her. For now, you need medical attention first.” Inutusan naman ng head ng mga pulis ang mga kasamahan na libutin ang buong area. Kinuyom na lang ni Cameron ang kamao. Gano’n ba kalaki ang galit ni Gavin sa kanya na kailangan pang humantong sa ganito ang lahat sa pagitan nilang dalawa? Nang may maalala ay agad na nanghiram siya ng phone kay Emman. Sa ganitong sitwasyon ay iisang tao lang ang maaari niyang takbuhan. Mabuti na lang at tinawagan niya ito kahapon, kaya nabanggit nito sa kanya na nakauwi na ito sa Pilipinas. “Hello—” “Man, I need your help,” putol niya sa anumang sasabihin ni Andrei. “Cameron? Alright. Send me your location.” “Thank you.” Ibinaba na niya ang tawag at nagtipa ng mensahe rito. Kahit anong mangyari ay ililigtas niya si Elisse. NAGISING si Elisse nang dahil sa pawis na tumatagaktak sa kanyang noo. Pakiramdam niya ay init na init siya at hirap huminga. Pero napakunot noo na lang siya nang mapansin na nakahiga siya sa malamig na sahig. Akmang babangon siya ng biglang sumigid ang kirot sa kanyang ulo. Bukod roon ay saka lang niya napagtanto na nakatali pala ang magkabila niyang kamay at paa. Nasaan ako? Natigilan siya nang biglang bumukas ang pinto sa harap niya. Nahigit na lang niya ang hininga, habang hinihintay na pumasok kung sino man ito. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Pero napanganga na lang siya nang mapagtanto kung sino ito. “Gavin!” Kinuha nito ang upuan na nandoon, bago inilapit sa kanya at umupo. Pagkatapos ay yumuko ito at hinawakan siya sa baba para magpantay ang kanilang mga mukha. “Hindi ka ba masaya na makita ako?” Nang-uuyam ang tingin nito sa kanya. “Parang kailan lang ay galit na galit ka rin kay Cameron. Pero mukhang enjoy ka na masyado na kasama siya ngayon. What’s with the change of heart?” Sinamaan ito ng tingin ni Elisse. “Bakit mo ba ginagawa ‘to? Bakit ba galit na galit ka kay Cameron? Ano ba ang nagawa niya sa ‘yo para humantong sa ganito ang lahat? You used to be best friends!” Bakas ang gulat sa mukha ni Gavin nang dahil sa sinabi niya. Ngunit ilang sandali pa ay napuno na ng malademonyong halakhak nito ang bawat sulok ng kuwarto na kinalalagyan niya ngayon. Bago muling itinuon ang atensyon sa kanya. “Nabanggit na pala niya sa ‘yo ang tungkol doon. I wonder kung hanggang saan ang naikuwento niya sa ‘yo. Mukhang napaikot ka na sa palad ng lalaking ‘yon.” Napailing ito. “I felt bad for you. Dahil nasisiguro kong pagsisisihan mo rin na sa kanya ka sumama.” Pilit na nagpupumiglas si Elisse mula sa pagkakagapos niya. Pero mas lalo lang niyang nararamdaman ang pananakit ng katawan. “Mas gugustuhin ko ng sa kanya sumama, kaysa naman sa baliw na katulad mo. You’re the worst!” sigaw niya rito. Muli itong natawa at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. “I’m the worst? Baliw ako? Baka kapag nalaman mo ang ginawa ni Cameron noon ay kainin mo ang lahat ng mga sinabi mo. Ang dahilan kung bakit galit na galit ako sa kanya.” Biglang dumilim ang mukha nito at napatiim bagang. Napakunot noo si Elisse. “What do you mean?” Napakuyom ito ng kamao at biglang bumilis ang paghinga nito. Pigil ang hininga na naghihintay naman si Elisse sa magiging sagot nito. “Siya lang naman ang dahilan kung bakit namatay ang Mama ko.” Napaawang ang bibig ni Elisse. Para bang nabingi siya bigla nang dahil sa narinig. “It’s not just that. You know what’s worst? He also killed his own mother.” Parang bomba na biglang sumabog sa kanyang harap ang mga binitiwan nitong salita. “T-That’s not true. Oo at may nabanggit siya sa ‘kin na kasalanan niya ang nangyari sa mama niya. Pero paniguradong may dahilan sa likod ng kuwentong ‘yon at hindi naman niya intensyon kung anuman ang nagawa niya.” Napailing siya. “Pero wala siyang nabanggit tungkol sa mama mo. Maging siya nga ay walang ideya kung bakit biglang nag-iba ang pakikitungo mo sa kanya. Saka ano naman ang magiging motibo niya kung saka-sakali?” depensiya niya kay Cameron. Napahilamos naman ng mukha si Gavin. He looks frustrated. “Because we are the legal family. Mas matanda lang siya sa ‘kin ng ilang buwan. Pero kahit gano’n pa man ay anak lang siya sa labas. Kasal na ang mga magulang ko ng akitin ng mama niya ang papa ko.” Napasinghap si Elisse. Tila hindi na kayang tanggapin pa ng sistema niya ang mga impormasyon na nalalaman niya. “Galit siya dahil sa ‘kin pa rin ipinamana ni Papa ang kumpanya. Kaya nagtayo rin siya ng sarili niyang publishing para kalabanin ako. Dahil gusto niya akong bumagsak at mawala sa ‘kin ang lahat.” Mapakla itong natawa. “Pagkatapos ko siyang ituring na tunay na kapatid at malapit na kaibigan ay gano’n pa ang isusukli niya sa ‘kin.” Biglang nanlisik ang mga mata ni Gavin. Maging ang kanyang boses ay naging mapanganib. “No. That’s not true,” tanggi pa ni Elisse. “Kailangan ko munang malaman ang buong kuwento niya. He sure has an explanation.” Parang gusto na niyang maiyak nang dahil sa mga nalaman. Gavin shrugs. “Bahala ka. Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. But who knows what’s running in his psycho mind.” Binigyan siya nito ng nakakaawang tingin. “Baka mamaya ay ikaw na pala ang sunod niyang papatayin.” Tumayo na ito at naglakad palabas, bago malakas na isinara ang pinto. Si Elisse naman ay naiwan na nakatingin sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD