Chapter 19

1643 Words
PAGKATAPOS magbigay ng statement at makausap ng mga pulis ay agad na lumabas si Cameron sa presinto. Tahimik na nakasunod naman sa kanya ang secretary na si Emman. Hindi na siya nag-abala pang magpadala sa hospital, dahil hindi naman siya gaanong napuruhan. Isa pa ay wala siyang ibang iniisip ngayon kung hindi si Elisse. Kaya kahit wala siyang ideya kung nasaan man ang dalaga ay hindi siya mapipigilan ng kahit na sino na hanapin ito. Ngunit nabuhayan siya ng pag-asa nang makita ang kaibigan na si Andrei na naghihintay sa kanya, habang nakasandal sa hood ng kotse nito. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, bago napailing. “You look like a mess, man.” Umayos na ito ng tayo at naglakad patungo sa pinto ng passenger seat. “Get in.” Akmang papasok na siya sa loob ng kotse, nang bigla siyang pinigilan ni Emman. “Pero hindi pa po magaling ang mga sugat n’yo,” paalala nito sa kanya. “Hindi po ba puwedeng ipagkatiwala na lang natin sa mga pulis ang paghahanap?” Mahina niya itong tinapik sa balikat. “I’ll be fine. All I want for you to do is to standby, once I called and ask for the help of the police.” Napatango naman ito sa kanya. “Yes, Sir.” Ilang sandali pa ay nasa biyahe na sila ni Andrei. Siya ang nagmamaneho, habang abala ang kaibigan sa harap ng laptop nito. “Mabuti na lang at dala-dala mo ang tracking device na ibinigay ko sa ‘yo noon at naibigay mo naman sa kanya bago kayo nagkahiwalay. Dahil kapag nagkataon ay mahihirapan tayong maghanap,” aniya nito na ang tinutukoy ay ang pinasuot niyang bracelet kay Elisse. “Pero mabuti na lang din at sakto lang ang uwi mo. Hindi kasi ako kampante na ipahawak sa pulis ang tungkol sa kasong ‘to.” “Wag mong kalimutan si Amelia at ang iba pang mga kaibigan natin. You have their back as well.” Malalim na napabuntonghininga si Cameron. “I know. Pero bibihira ko lang din kasi silang nakikita at nakakausap. They have their own world.” “Kahit na. Paniguradong tutulungan ka ng mga ‘yon.” Biglang napaayos si Andrei ng upo at kumunot ang noo. “Pamilyar sa ‘kin ang lokasyon niya ngayon,” aniya pa nito. Biglang napabilis ang ginagawang pagmamaneho ni Cameron. “Saan?” “Sa dating bahay nila,” sagot nito. Napatiim bagang si Cameron. He also knows that place. Medyo may kalayuan nga lang kung nasaan sila ngayon. Pero dahil wala namang traffic ay mabilis pa rin silang makakarating doon. Hanggang sa wakas ay nakarating din sila sa destinasyon nila. Akmang sasamahan siya ni Andrei papasok sa loob ng isang lumang mansyon ng pigilan niya ito. “Ako na lang ang papasok. Just stay here. Hindi natin alam kung may iba ba siyang mga kasama.” “Alright. Mag-iingat ka, man.” Tinanguan niya lang ito, bago tuluyang pumasok sa loob. Just wait for me, Elisse. NAPANGIWI si Elisse nang biglang kumalam ang sikmura niya. Hindi man siya natuluyan ng dahil sa aksidente ay mukhang sa gutom naman siya magdurusa. Hindi nagtagal ay muling bumukas ang pinto sa harap niya. Napalunok siya nang makitang may dala-dalang pagkain si Gavin. Pero ng akmang susubuan siya nito ay agad na iniiwas niya ang mukha. Mahirap na at baka mamaya ay may lason pala ‘yon. “Ano bang mapapala mo sa pagkuha sa ‘kin?” nagtataka niyang tanong dito. Ibinaba nito ang tray na naglalaman ng pagkain, bago muling humarap sa kanya. “I can use you against Cameron, since you’re the most important person for him right now,” diretsong sagot nito. Marahas na napalingon si Elisse sa dating kasintahan. “How did you say so?” Kumibot ang mga labi nito. “Unang beses pa lang ng magkita kayo sa labas ng bar noon ay nasisiguro ko na iba ang epekto mo sa kanya.” “Nandoon ka rin ng gabing ‘yon?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Yeah. Sinundan ko siya ng gabing ‘yon dahil may sasabihin dapat ako sa kanya. But I saw how he looks at you for the very first time he laid his eyes on you. Kaya pagkatapos ng gabing ‘yon ay nakipaglapit ako sa ‘yo.” He laid his back on the chair. “Dahil gusto kong ipamukha sa kanya na hindi lahat ng gusto niya ay mapupunta sa kanya.” Nanlaki ang mga mata ni Elisse nang dahil sa narinig. Hindi pa pala tapos ang mga rebelasyon nito. “It was planned? Our meet-up?” “Yes. It is.” Pakiramdam niya ay mas lalong sumakit ang ulo niya nang dahil sa nalaman. “But why? Why did you hate him so much that made you do such thing?” Biglang dumilim ang mukha ng binata. “Dahil nalaman kong kahit sa ‘kin ipinagkatiwala ni Papa ang pagpapalakad sa kumpanya ay balak naman niyang ipamana ang halos lahat ng iba pa niyang ari-arian kay Cameron.” Inilapit nito lalo ang mukha sa kanya. “Inagaw niya ang lahat ng sa ‘kin.” Nagtatagis ang bagang nito. “Pero wala ka rin namang mapapala sa ‘kin! Why don’t you just let me go?” asik niya rito. Napailing naman ito at napangisi sa kanya. “No. You have an important role to play.” Nagsalubong ang kilay ni Elisse. “What is it?” May kinuha itong papel at ballpen na ngayon lang niya napansin sa ibabaw ng tray. “Sign this.” “What the hell is that?” Naningkit ang kanyang mga mata upang mabasa ang nakalagay roon. “Marriage papers.” Nahigit niya ang hininga. “No way.” Nagkibit balikat si Gavin. “Pipirmahan mo ‘yan o mabubulok ang lalaking pinakamamahal mo sa kulungan?” Natigilan si Elisse nang dahil sa sinabi nito. “P-Pero wala kang ebidensya!” pagmamatigas pa niya. Napatango-tango ito. “Kaya hindi nabanggit ni Cameron sa ‘yo ang tungkol sa mama ko ay dahil hindi rin ipinaalam pa ni Papa sa kanya ang nangyari. Cameron experienced PTSD because of the accident that happened. Kaya para maiwasan na lumala ang sitwasyon niya noon ay inilihim na lang ni Papa ang pagkakadamay ni Mama sa nangyari.” Halos pigil ni Elisse ang hininga, habang nakikinig. She can no longer process in her head the revelations that keeps on unfolding right in front of her. “That day, Cameron is driving his car like a lunatic. Kasama niya sa kotse niya ang mama niya. Pero dahil nag-aalala si Mama sa inaasta ni Cameron ay sumunod siya sa kanila. Ang kaso lang ay nadamay siya nang dahil sa nangyaring aksidente. Sumalpok din ang sinasakyan niyang kotse at nahulog ito sa bangin.” Hindi na alam pa ni Elisse ang dapat niyang maramdaman. Napupuno siya ng samot saring emosyon ngayon. “Pero ikaw na rin ang nagsabi. Walang alam si Cameron tungkol doon. Hindi niya ginusto ang nangyari at mas lalong hindi niya sinadya!” Marahas siyang hinawakan ng binata sa braso at itinayo, dahilan para bumagsak ang kinauupuan nito. “No! Kasalanan niya ang lahat ng nangyari! Kung hindi dahil sa katigasan ng ulo niya, dapat buhay pa si Mama ngayon. He’s a killer!” Biglang lumamlam ang mga mata nito. “He has an angry issue, Elisse. Ayon ang nangyari ng araw na ‘yon.” “Pero—” “I can pull some strings, Elisse. Na kahit si Papa ay walang magagawa para pagtakpan pa ang paborito niyang anak. Kayang-kaya ko siyang ipakulong.” Muli nitong inabot sa kanya ang isang papel at ballpen. “Now, sign this paper and I will not pursue a case against him. Hindi naman mahirap ang hinihingi ko, ‘di ba?” Napalunok siya. Her head is in turmoil right now. Ang tanging alam niya lang ay hindi niya gugustuhin na may mangyaring hindi maganda kay Cameron. “Paano ako nakakasiguro na hindi mo na itutuloy ang kaso laban sa kanya kapag pinirmahan ko ‘yan?” “I can’t assure you. But I can now call my lawyer.” Akmang kukunin nito ang phone mula sa bulsa nang pigilan siya ni Elisse. “Fine! Pero kalagan mo muna ang isang kamay ko,” pagpapaalala niya rito. Mahigpit pa ring nakahawak ang isang kamay ni Gavin sa kanya, habang tinatanggal ng kabilang kamay nito ang pagkakatali ng isa niyang kamay. Sa nanginginig na kamay ay kinuha ni Elisse ang ballpen. Akmang pipirma na siya sa papel ng mula sa kung saan ay mayroong sumigaw. “No!” TILA naestatwa mula sa kanyang kinatatayuan si Cameron nang dahil sa narinig. Sa totoo lang ay wala siyang ideya sa mga sinabi ni Gavin. Now he finally understands where his hatred towards him is coming from. Pero hindi naman nito kailangang mandamay pa ng iba. Natauhan lang siya nang makita ang akmang pagpirma ni Elisse. “Paano mo kami natunton dito?” Agad na pumunta si Gavin sa likod ni Elisse. Mula sa bulsa nito sa likod ay may kinuha itong baril at itinutok ‘yon sa sentido ng dalaga. “One wrong move, Cameron. I swear.” Itinaas ni Cameron ang dalawang kamay, tanda ng pagsuko. “Hindi naman natin kailangang humantong sa ganito. If you want me on jail, I’ll surrender myself. Just let her go,” pagmamakaawa niya rito. Sunod-sunod naman na napailing si Elisse. “No! Wala kang kasalanan! You shouldn’t do that!” “Pero kulang pa ang pagkakakulong sa ‘yo kapag nagkataon. Kaya kailangang mawala ang lahat sa ‘yo. And that includes her. Either she marries me and live, or die.” Pero bigla na lamang itinutok ni Gavin ang baril sa direksyon niya. Then gunshots filled the whole place.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD