INABOT ni Elisse ang kanang kamay ni Cameron na tila hindi mapakali, habang nananahimik ito sa kanyang tabi. Hindi man ito magsalita ay alam niyang kinakabahan ito ngayon. Napalingon ito sa kanya. Nginitian niya lang ito, dahilan para kahit papaano ay kumalma naman ang pakiramdam nito. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto sa harap nilang dalawa. Mula roon ay lumabas ang isang may edad ng lalaki. Sa unang tingin pa lang ay hindi na maipagkakaila na ama ito ng binata, nang dahil sa pagkakahawig ng dalawa. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya ang nakatatandang Castañeda. Kahit noong magkarelasyon pa lang kasi sila ni Gavin ay hindi naman nito naipakilala sa kanya ang ama. Habang si Cameron naman ay hindi pumayag na gamitin ang apelyido ng ama. Kaya naman ay dala-dala nito

