Chapter 17

1168 Words
“Ano ba yan! Yun na naman ulam?! Wala na bang iba?” reklamo ni Adeng sa amin ni Torri, “Baka pinapainit lang yan ah?” kwestyon nito sa serbedora na mabilis na tumanggi. Siniko ko siya at pilit na ngumiti sa pobreng nagseserve, “Pagpasensyahan mo na yan ate. Mukhang nalipasan yan ng gutom at period niya kaya yan ganyan. Order nyan ay nilagang itlog at gulay with sabaw. Ako naman ay ung pritong dilis tyaka talaba. Extra rice,” nilingon ko si Torri na nagbubunot ng mga barya sa kanyang bulsa, “Ikaw girl? Anong sa iyo?” “As usual. Ate Yung NissiMe nga. Yung malaki. Bicol Express Flavor. Tsaka lagyan mo na nilabong itlog. Thanks!” masaya nitong sabi sabay abot ng bayad. Magkakasabay na kaming umupo malapit sa t.v at inupakan na ang aming “lunch” sa hating gabi. “Buti hindi pa nabubutas ang bituka mo kaka instant noodles mo girl!” puna ni Adeng kay Torri na sarap na sarap sa paghigop ng kanyang pagkain, “Alam mob a madaming kemikals yan?” Tumango naman ang bruha, “Oo alam ko. Pero masarap eh! Kailangan ako masarapan kundi itatapon ko lahat sa shredder mga inaayos kong papeles at itatapon ito sa labas ng bintana! Bwisit talaga,” inis na reklamo nito sabay higop ulit, “Anyways, girl. Ano ba ang iaanounce mo sa amin ni Verna?” Nagrequest ito na isabay namin sa kanya ang lunch breaks namin na hiwahiwalay ang start. May sasabihin daw siya. Tumigil ito sa pagkain at may hinugot sa bag na dalawang sobre at inabot sa amin ni Torri. “Go on! Open it!” udyok nya sa amin habang naguguluhan kaming nakatingin sa sobre na puno ng star designs and strawberry scented. Nagkatinginan kami ni Torri bago namin sabay binuksan ang sobre at hinugot ang isang piraso ng papel sa loob. Hawkins~Reid Nuptial Napairit kami ni Torri sa gulat at mabilis namin niyakap si Adeng. “Bruha ka! Kelan ka pa engaged?!” demand kong tanong dito. “One year na girl!” natatawa at naiiyak nitong amin sa aming dalawa. Hinampas ni Torri ang ulo nito sa inis, “Grabe! Tagal ka na palang nagwawalwal hindi ka man lang nagpaparamdam sa amin! So malaki ba?” double meaning na tanong ni Torri na ang inabot ay kurot at sundot sa tagiliran mula kay Adeng. “Loka! Alam mo naman na hanggang Avaya lang ang landi ko! Gags!” blushed nitong sagot sabay halatang kinikilig. “Teka! So gwapo nga ba?” biro kong tanong kay Adeng, “Sa boses mukhang d.j na ng radio so ano sa personal?” Taas kilay na hinarap ako ni Adeng, “Well, to be honest and fair, aminado ako pati sya na wala syang panama sa suitor mo Verns. But I have to say lamang lang ng tatlong paligo manliligaw mo!” Nagtawanan na lang kaming parang mga baliw. “Teka! Mukhang mga tamad kayong magbasa mga bruha kaya ako na magsasabi. Abay kayong dalawa,” lumingon sa akin si Adeng sabay abot ng isa pang sobre, “Bigay mo kay Elesa, abay din sya. Anyways, ang kasal ko ay next weekend na after this one so no reason or excuses para di kayo pumunta o masisira entourage ko. Ang venue ay sa Yellan Temple! Ready na mga costumes ninyo girls. Padala ko sa condos ninyo bukas,” sunod sunod nitong litanya sa amin na parang sinasabi lang niya ang terms of conditions ng binebenta nyang plans sa amin. Nahawa kami ni Torri sa excitement niya kaya todo tanong pa kami ng details pero tipid sa info si Adeng. Pabitin ang bruha. “Nga pala, ngayon ngayon ko lang din nalaman na dormmate pala ni Daniel ang manliligaw mo Verna so abay din siya at don’t worry kapartner mo siya. Tsaka nirequest din niya kay Daniel. So pupunta kayo ha? Mag leleave of absence na ako bukas para maplantsa ko na lahat,” iyon lang at iniwan na niya kaming dalawa ni Torri at nagtatakbo na palabas ng pantry. “Ok, kelangan kong kumain ng madami pang cup noodles para less stress. May event at judging from the last name of her fiancé, mukhang bigatin ang kasal Verns. So better be in our tiptop shape. Expect media the way you see it on your country,” sabi sa akin ni Torri sabay lagok ng noodles nya bago umorder ulit ng isang round. I just looked at the invitation while eating. Kung matutuloy, ito ang unang beses kong maibitahan sa isang kasalan. Much less mag abay. Another new memory will be added in my life. “Verna bilisan mo kain! Five minutes na lang tapos na break mo,” udyok sa akin ni Torri na mabilis hinigod ang umuusok sa init na cup noodles. Napailing na lang ako bago binulsa ang invitation namin ni Elesa at binilisa na ang kain. Ayoko masira record ko na wala pang overbreak ni minsan. -0- “Girls wrap up!” malakas na sigaw sa amin ni Winter na nakatayo sa nakabukas na suite namin sa isang first class hotel sa Hyilliopolis hindi kalayuan sa venue ng kasalan. Napa irit sila Elesa at Torri habang mabilis kong sinuklay ang aking tikwas na buhok sa harap ng salamin. “Ay oras na ba? Hindi pa kami masyadong prepared!” reklamo ni Torri habang napataas ang kilay ni Summer sa dalawang babae sa tapat ko na akala mo ay susugod sa gyera ng pagandahan sa sobrang ayos ng mga make-up. “Ayos din kayo ano? Pinagmukha nyong bagong gising si Verna sa tabas ng pagmumukha ninyo!” puna ni Summer sa mga ito bago inayos ang gown na katulad na suot namin, kulay night blue na may diamond sequence in the shape of seashells, “Anyways, bilisan ninyo kung ayaw ninyo maglakad papunta sa Yellan. Move it!” Iyon lang at lumabas na ito at nakinig namin ang pagtakbo nito papunta sa elevator sa hindi kalayuan. Nilingon ako nila Torri at Elesa, “Sure ka ok na yang make up mo Verna? Hindi ka papansinin ng media niyan!” alalang puna ni Torri. Napangiti naman si Elesa, “Who cares, partner pa lang niya ay mananawa na sya sa media attention mamaya tiyak,” alalang sagot ni Elesa kay Torri. “Well, may point ka friend. Anyways, we have to go girls! Ayokong maglakad papunta sa temple wearing this!” sabi nito sabay turo sa nakakalulang stilettos niya. Mabilis akong tumayo bago sumulyap sa salamin. Siguro eto ung unang beses na nag alala ako sa hitsura ko. Sa Riksent wapakels ako sa sasabihin ng iba. Ngayon parang kinakabahan na ako. Maybe because baka mahatak ko pababa ang tingin ng iba kay Hoshiro. “Verna! May salamin ako sa pouch. Dun ka na mamroblema sa kotse! Gora now girl!” inip n autos sa akin ni Torri at tumakbo na din ako kasunod nila na parang may hahabuling sale sa isang ukay ukay sa Astrea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD