Chapter 15

1589 Words
Kahit may malaking eksena na nangyari sa opisina ay wala namang nagbago ng sobra. Siguro dahil sobrang busy namin lagi at ang non written law namin na walang pakialaman at business is business as usual. Ito talaga siguro ang malaking pagkakaiba ng mga Pinoy sa mga Hyillians. Kung sa Pinas to nangyari, hindi oa kung sasabihin ko na baka nakapag resign na ako sa sobrang tsismisan, sipsipan, pakialaman, inggitan at siraan. Yet, my workmates just carry on as if nothing happened. Aside from side remarks like… “Besshie, wag susuko! Yung ngang may ayaw hinahabol! Tayo pa kaya!” “Totoo ang true love girl!” “Pag mahal ka talaga ng ex mo, hahabulin ka nyan kahit halos isuka mo na siya. Gaya ni Verna! Kahit ano tadyak niya kay Prince Hoshiro ayan! Abot bituin ang paghabol pa din sa kanya! Be a Verna in a world full of whiners!” “Nakakalakas ng loob na malaman na in someway, pag talagang pagtatagpuin kayo kahit ayaw mo!” “Nag eexist pa ang tulad ni Prince Hoshiro. Guys, lalong tumaas respeto ko sa kanya. Time to change my habbits.” I still don’t want to think too much about it. I still see him as part of my dysfunctional past that I am glad to be back to my life. Besides, after we meet again, hindi pa ulit nagparamdam sa akin si Hoshiro. Not that I care. “Verna, kanina pa nag riring ang fone mo. Sagutin mo naman, nabwibwisit na ung kausap ko,” inis na pakiusap sa akin ni Elesa na nakaupo sa pwesto niya sa front lobby ng condo na tinutuluyan ko habang nakatayo ako sa tabi ng desk nya. Binigyan niya ako ng isang F.U na finger bago plastic na ngumiti at binalikan ang kausap na matanda sa telepono. Napapatawa na lang ako habang binubunot ko ang phone ko sa aking bulsa. At least she is back to her normal self. Or at least she is trying. Napakunot ang noo ko ng makita kong hind nakaregister sa phonebook ko ang kung sino man natawag ngayon sa akin. Nakataas na sa ere ang F.U ni Elesa kaya minabuti kong sagutin na agad kung sino mang herodes ang tumatawag sa akin. “Hello?” “Verna!” Napabuntong hininga ako at kinapa ko ang end call sa aking uugod ugod na phone pero bago ko pa ito mapindot ay umimik agad ang kausap ko. “Alam ko pagbababaan mo ako ng telepono,” malungkot na sambit nito sa akin na nagpangiwi naman sa akin. Ewan, nakaramdaman ko na nakonsensya. “Anong kailangan mo?” “A date Verna,” mabilis na sagot sa akin ng lalaki sa kabilang linya. Then I suddenly looked at Elesa na ngayon ay busy sa pag aayos ng logbook niya. She looked at the pictures of Mochabits perched besides her desk and gave it a loving and nostalgic look before noticing me and smiling.  “Sure,” simple kong sagot. “Ilang taon tayong di nagkita Verna, tapos ayaw mo pa ring makipa----,” napatigil ito sa pagmomonologue, “Did you just said “sure”?” tentative na tanong niya sa akin. “Oo,” natatawa kong sagot sa kausap ko na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko, “Papaulit-ulitin mo pa ba ang sagot ko?” Sa halip na tumugon sa akin ay basta na lang niya ako pinagbabaan ng telepono. Well, if I recall correctly, hindi na iba sa kanya ang pranks. Hindi niya siguro ineexpect na sasagot ako ng oo. I’m a bit sad though. Seryoso ako sa pag oo ko. But I guess some things never change. Baka talagang hindi kami destined mag date. After all, for all of our high school life, hindi exaggeration na ilang dosenang beses ko na siya tinanggihan sa mga dates na inaalok niya sa akin. Nagkibit balikat na lang ako at naglakad na papunta sa elevator pabalik ng unit ko pero biglang sumigaw si Elesa sa likod ko. “Verna! May tawag para sa iyo!” hiyaw nya sa akin at ng lumingon ako ay kumakaway siya sa akin, “Direct Protocol Government Line! Urgent daw!” Mabilis naman ako pumunta sa pwesto ng resepsyonista. Kunot ako habang naglalakad. As far as I know, technically, hindi na ako ang Ambasadora ng Pinas sa Hyillia. By actions, I mean. In name ako pa din ang Permanent Honorary Ambassadress Plenipotentiary and Extraordinary of the Federal Republic of the Philippines to the Theocracy of Hyillia. Albeit my work is reduced to ceremonial position. In my stead, ilang dosenang mga Pinoy ang nakabase sa Filipino Embassy malapit sa Consitechland ang full time na nagawa ng mga trabaho ko dati. All I do is to sign acceptance papers every weekend na pinapadala sa akin ng embahada at ang picturan sa mga bagong saltang Pinoy dito. A decision of both the governments after the Riksent Fiasco and from my personal request (albeit my request is full resignation pero hindi pumayag ang Hyillia). Ayaw talaga ako bitawan ng High Priestess. According to Jeff, she really likes me a lot. Someone calling me from the Government Line is quite odd. May emergency ba? Iniabot sa akin ni Elesa ang telepono na mabilis kong sinagot. “Verna Vera Ferta, Ambassadress of the Federal Republic of the Philippines to the Theocracy of Hyillia speaking. Good day, how can I be of service?” pormal kong bati sa kung sino man ang nasa kabilang linya. “Verna! Ikaw ba talaga yung kausap ko kanina?!” mabilis na tanong ng lalaki sa kabilang linya na nagpakulo ng dugo ko. “You used an emergency Hyillian protocol hotline just to asked me that? Who do you think you are?” bwisit kong tanong sa kanya, “Do you know we can get in deep trouble because of this?!” gigil kong saltik sa kanyang kaimmaturean. Mayabang na tumawa ang kausap ko, “As If I care. I am the Crown Prince of Akimrea in case you purposely forgot Verna. Besides kami ang may ari ng telephone line na ito and Hyillia and Akimrea are practically… Anyways, enough about that!” inip na putol nito sa sinasabi niya, “Do you really, really agreed to have a date with me?” deretsong tanong niya sa akin. I honestly wanted to say no. But I already said yes so para lang din matapos na ang kakulitan nito ay sumuko na ako. “Yes. I did. Pero malapit na akong humindi. Ang kulit mo. Still no respect to the laws as ever,” inis kong sagot sa kanya. Naghihiyaw ito sa kabilang linya na parang tanga, “Yes! Tama talaga ang kasabihan ninyo! Pag walang tyaga walang nilaga! Albeit ilang taon bago ako nagkanilaga! Okay Verna! I’ll be there later six sharp! Alam ko lahat ng schedule mo so you can’t say you have somewhere to go! Yes!” Bago pa ako makasagot ay pinagbabaan na ako ng phone nito or more likely by the sound of it ay binitawan nito ang phone at nakinig ko ang pagtatakbo nito palayo habang parang baliw na nasigaw. Napapailing na lumingon ako kay Elesa to return the phone when in my horro ay nakangisi ito sa akin habang suot ang headset niya. Letse, nag call listening ang bruha. “To be fair saludo ako sa tyaga niya. Imagine since first year high school pa kayo siya nanliligaw? Tapos ngayon lang first date? Kelan kasal? Pag senior citizens na kayo? Relationship Goals? Patagalan na ba ang labanan?” biro nito sa akin when she took her phone from my hands. Napapailing akong nakamaang kay Elesa, “Paano mo nalaman?” “Well, ever since last month or so, tumatawag na siya dito once a day to check on you. Akala ko nga dati stalker mo. Pero vinerify ng amo ko na real deal siya! So there, medyo kinuwentuhan niya ako about you two,” parang wala lang na sabi sa akin ng bwisit na babae. “Traydor ka!” inis na sigaw ko sa kanya sabay turo sa mukha niya like the kontrabidas do to their kaaways, “Kaya pala alam niya ang schedule ko!” Itinaas nito ang dalawang daliri nito sa ilalim ng baba niya at tumawa, “OOOOOOOOOOOOHHHHOHOHOHOHO! Traydor? As far as I know, maliban kay Mochabits na crony mo, I was never on your side, Verna! OOOOOOOOOOOOOOOOOOOOHOHOHOHO!” nakakalokang tawa nito habang nakatarak sa kisame ang mga mata niya. “Well, when you say it that way. May point ka,” napapailing kong sang ayon sa resepsyonista na nagtatype ng kung ano ano habang kausap ako. “At any rate, humayo ka na at magpaganda! First ever date mo in your life! Kelangan memorable in a good way!” taboy niya sa akin as she typed her work away, “Nga pala, suot mo ung shinies ha?” habol niyang sabi sa aking likod. Napatigil ako sa paglalakad at nilingon si Elesa, “Wala akong ibang alahas in my possession. Besides, I don’t think I can leave for any event without Mocha’s fineries. When I’m wearing that I feel I have dozens of spare lives. Personal cat agimat of my own.” Teary eyed na tumungo sa akin si Elesa bago itinaboy ulit ako para daw makapagtrabaho na siya. As I rode the glass tube elevator showing the skyline of Hyillia and Hyilliopolis, napaisip ako. Maybe with all the things that happened in my life, it’s time to think about myself naman for a change.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD