Hindi na ako pinansin ni Nate nang makauwi kami ng gabing iyon. Akala ko maglalagi pa siya ng isang linggo pero nagpa-book agad siya ng flight pabalik ng Pilipinas. I felt guilty pero nangibabaw pa rin ang kagustuhan kong mapalayo muna sa kanya. Alam kong galit siya sa akin pero ipinagpasalamat ko nalang na umalis siya kaagad. Akala ko tuluyan na siyang magagalit sa akin pero katulad ng dati lagi pa rin siyang tumatawag sa akin to check on me kahit noong tumulak na ako papuntang Spain. Isang buwan ko pa lang sa Spain when I received a call from my parents. They are scolding me for leaving my husband behind. Tsk! Bakit sila rin naman noon iniiwan ako? Pero hindi na ako sumagot pa. Wala din namang saysay. My stay in Spain made me realize two important things about my life. First, that

