“Good morning, sweetheart!” Namulatan ko ang masayang mukha ni Nate. Ito rin ang gumigising sa akin noon that made me think I have fallen in love with him. “Your breakfast is ready,” saad niya ng nakangiti. Nasa tabi na ng kama ang center table ng couch. May nakalagay na ring French toast bread, sliced fresh fruits at fresh pineapple juice. My favorite breakfast. Susubuan pa sana niya ako pero pinigilan ko. He just watched me eat while sipping his coffee. He seemed so happy. I can’t break his heart at this point. Saka ko nalang siguro uungkatin ang tungkol sa balak kong pakikipaghiwalay sa kanya. “Done? The Jacuzzi is ready,” he said nang maubos ko ang pagkain. Napatango nalang ako at tumayo na. “Care if I join you?” he said at yumakap mula sa likuran ko. He is acting so sweet. Sana

