CALYX
“Saan po tayo pupunta, Sir Calyx?” tanong ni Anna habang sakay kami ng kotse. Alas-onse na ng gabi, tulog sina Andrie at Agata kaya naman nagpasya akong ilabas siya.
“First date natin, ayaw mo ba?” ngisi na sagot ko sa kanya habang naka-focus ang mga mata sa taan.
“P-po? D-date natin, Sir Calyx?” napalakas na sabi ni Anna dahil sa pagkabigla at mabilis na lumingon sa labas ng window. “Pero naka-pajamas lang po ako…” napalabi na sagot nito sa akin.
“That’s okay, wala naman problema sa suot mo.” sagot ko.
Ang buong akala yata ni Anna ay sa mga mamahaling restaurant ko siya dadalhin para -date kaya medyo na-disappoint siya ng sabihin ko na first date namin ngayon tapos pajamas ang suot nito.
Gustuhin ko man i-date si Anna sa restaurant, since kaya ko naman i-date siya kahit saan restaurant na gusto ko ay hindi pwede. Kaya naman dinala ko siya sa gitna ng kabukiran. Sa lugar na walang masyadong tao na makakakita sa aming dalawa.
“Dito po tayo magde-date, Sir Calyx?” hindi makapaniwala na sabi ni Anna nang ihinto ko ang kotse sa gilid ng kalsada. Napapalibutan ng matataas na puno at mga pananim ang lugar na kinaroroonan namin ngayon.
“Ayaw mo ba?” balik tanong ko kay Anna. Alam kong na-disappoint ko siya sa first date namin. Well, sino naman ang babae na gustong makipag-date sa lugar na tulad nito? And I know, for girls, memorable ang first date para sa kanila.
“Hindi naman po sa ganoon, Sir Calyx, uhm… Mapera naman po kayo ‘di po ba? Eh bakit dito po tayo magde-date?” napatakip si Anna ng labi matapos sabihin sa akin ang lumabas sa kanyang bibig.
Silly!
Inalis ko ang kawit ng seatbelh niya. “Tahimik dito Anna, kaya gusto ko.” nang matapos kong i-unhook ang seatbelt ni Anna ay ang sa akin naman ang inalis ko. “Let’s go outside,” yaya ko sa kanya at nauna akong bumaba ng kotse. Agad rin naman na sumunod si Anna sa akin.
Nang nasa labas na kaming dalawa ay agad kong pinulupot ang aking mga braso sa kanyang baywang. “See, this place is beautiful like you, Anna…” sabi ko at marahan kong hinawi ang kumalat na buhok niya sa kanyang mukha at niyakap ko siya ng mahigpit.
Sandali akong na tahimik. Tinatansya ko ang aking sarili kung tama ba ang aking gagawin. Makaraan ang ilang sandali. Pinihit ko paharap si Anna sa akin.
I caressed her cheek at kahit madilim ay alam kong mabilis na namula ang kanyang pisngi. “Anna…” I murmured her name and gently kissed her lips. “I will be leaving for a couple of months for work. Promise, babalik ako after kong matapos ang trabaho ko. Kaya alagaan mo ang sarili mo.” paalam ko kay Anna na mawawala ako sa loob ng ilang buwan dahil sa trabaho.
Tumango naman si Anna. “Okay po, Sir Calyx.” sagot nito.
Kumalas ako sa pagka kayakap sa kanya. “May ibibigay ako sa ‘yo, Anna.” mabilis akong pumasok sa loob ng kotse at kinuha ang binili kong phone para sa kanya. Actually, ilang linggo na rin nasa loob ng kotse ko ang phone na binili ko para kay Anna. Hindi ko kasi siya matawagan or maitext man lang dahil wala siyang phone.
“For you,” nakangiti na sabi ko.
“S-sa akin ‘to?” hindi naman makapaniwala na sabi ni Anna at napatitig sa phone na hawak ko.
Tumango ako. “Yes, I bought this for you. Wala ka kasing phone kaya hindi kita ma-contact kahit gusto kitang tawagan para marinig ang boses mo.”
Naiilang na napakagat sa pang-ibabang labi si Anna dahil sa sinabi ko. “S-salamat po Sir Calyx,” mahina nitong sabi.
Inalis ko sa box ang phone. I dialed my own number and saved my number as ‘Calyx’.
“There, naka-save na ang number ko sa phone mo,”
“Thank you po, Sir Calyx, ibawas mo na lang sa sweldo ko.” pasasalamat na sabi ni Anna sa akin.
“Silly, why do I do that?” I chuckled and pinched her nose. “That’s my gift for you, Anna.” muli kong kinabig si Anna palapit sa akin at pinulupot ang aking mga braso sa baywang niya.
“I can call you anytime now, Anna.” ngiti na sabi ko. “And one more thing… stop calling me ‘Sir’, just Calyx, Anna…”
***
After naming palihim na mag-surveillance sa bahay ni senator Ortiz. Ang bago namin mission ni Agent Moran ay nagmamadali agad akong sumakay ng aking motor para makauwi na ako sa aking condo.
Ngayon araw ang 18 birthday ni Anna, at sa sobrang busy ko maghapon ay hindi ko nagawa na tawagan siya para batiin. Akama ko na sanang bubuhayin ang makita ng motor ko ngunit natigilan ako nang mapansin kong napaluhod si Agent Moran. Luhaan ang mga mata nito habang titig sa screen ng hawak niya na phone.
Bumaba ako sa motor ko at nilapitan ko si Agent Moran upang alamin kung ano ang nangyari. “Agent Moran, may problema ba?” tanong ko sa kanya.
Hindi kaagad naka-sagot si Agent Moran sa akin dahil tanging pagluha ang ginawa nito. “Mahal ko… Mahal ko… hindi…” lumuluha na usal ni Agent Moran.
Nangunot ang noo ko. Malalim akong napalunok. Ang pagkakaalam ko ay malapit ng ikasal si Agent Moran sa long-time girlfriend nito. Wala akong masyadong alam sa buhay ni Agent Moran. Pero minsan na niyang nabanggit sa akin na pagpaplano ng magpakasal sila ng girlfriend nito.
“Sorry, Mahal ko, sorry… sana nakinig ako sa ‘yo. Baka sana buhay ka pa…”
Tama ang kutob ko. Tulad ng kaibigan kong si Nick… at si Hope… Pinatay sila…
“Pangako, Mahal ko, ipaghihiganti kita… ipaghihiganti kita. Papatayin ko sila!” kuyom ang kamao na usal ni Agent Moran.
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng balde baldeng yelo sa aking buong katawan. Bumalik sa aking alaala ang mapait at karumaldumal na sinapit ni Nick at ng unang babae na minahal ko. Si Hope.
Dahil sa nangyari. Hindi ko na natawagan si Anna. Mataas ang emosyon ni Agent Moran kaya naman minabuti ko ang samahan ito sa morgue. I was afraid that he might do something terrible dahil sa nangyari sa girlfriend nito. Isapa, iniisip ko na mapahamak si Agent Moran kung hahayaan ko itong maging imprudent, violent, and aggressive sa kanyang mga kilos.
Habang nasa morgue. Bumalik sa aking isipan ang nangyari.
Kung may langit at lupa sa dalawang tao na nag-iibigan para sa mayaman at mahirap. Iba naman ang sa amin ni Hope. Graduating fourth year college si Hope ng makilala ko. She’s sweet and kind. Higit sa lahat ay sobrang ganda.
Kahit malayo ang manila sa lugar nito ay sinasadya ko talagang dalawin si Hope para makita ito. After one year. On the day of her graduation day, sinagot na niya ako at naging kami na. Okay ang lahat. Masaya kami ni Hope kahit twice a month lang kami kung magkita.
Pero hindi ko inaasahan ang nadiskubre ko about sa family background ni Hope, kung sa anong klaseng pamilya ito nabibilang. Kilala ang ama ni Hope sa lugar nila bilang isang magaling at matagumpay na businessman.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat. Isa ang ama ni Hope sa nagpapatakbo ng illegal na pagawaan ng mga armas na siyang ini-export sa ibang bansa. Kung titingnan ay isang simple na businessman lang ang ama ni Hope. Payapa at masayang namumuhay kapiling ang pamilya.
Ngunit maging sa sariling pamilya ng Hope ay nilihim nito ang ugnayan sa illegal na gawain. Ayaw ko sanang sabihin kay Hope ang aking natuklasan. Pero wala akong choice and I had to.
Ang team namin ni Nick ang nag-survilliance sa malaking pagawaan ng armas na hawak ng ama ni Hope. Isang gabi. Hindi ko inaasahan na susundan pala ako ni Hope, kaya naman sa hindi inaasahang pagkakataon.
She discovered her father's secret…
Ang ugnayan nito sa illegal na gawain.
Nang malaman ni Hope ang illegal na ginagawa ng ama, nalaman din ng ama ni Hope ang totoong katauhan ko dahil sa ama nito. Na isa akong secret agent.
Simula noon ay hindi na kami nagkita pa ni Hope. Kinulong pala siya ng mga magulang niya sa bahay para hindi ako makita. Pero dahil mahal ako ni Hope. Tumakas siya sa kanila at nakipagkita sa akin. Dahil mahal ko si Hope. We decided to live together.
Masaya kaming dalawa ni Hope kahit pa alam naming may banta sa aming relasyon. Ang mga magulang nito. Hanggang sa isang gabi. Nakatanggap ako ng message mula kay Hope. Laman ng message na iyon ay hindi na niya ako mahal kaya iiwan na niya ako at ‘wag ko na siyang hahanapin pa dahil masaya na siya sa kanyang pamilya.
Mas pinili ni Hope ang kanyang pamilya. Wala naman akong laban doon dahil alam kong mahal niya ang mga magulang niya. Isang araw. Naka-received ako ng message mula sa ama ni Hope. Naaksidente si Hope, bumangga ang kotse na minamaneho nito sa isang truck dahilan kaya namatay ito.
Pero ang sabi ng ama ni Hope. Sinadya ni Hope na ibangga ang kotse sa truck dahil sa akin… Kung hindi lang din ako makakasama ni Hope. She wanted to die… At iyon nga ang ginawa ni Hope. Kinitil niya ang sariling buhay…
Pero malakas ang kutob ko na hindi aksidente ang lahat. May mali sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Hope. Pero dahil hindi ako ang pamilya ng biktima. Wala akong power para panghimasukan ang imbestigasyon lalo pa’t pinatigil na ng ama ni Hope ang mga pulis sa pag-iimbestiga sa kaso.
Pero hanggang ngayon. Laman pa rin ng isipan ko. Kung talagang mahal si Hope ng ama nito. Bakit niya ipapatigil ang imbestigasyon ng ganun lang kadali. At nang malaman nito na muli kong pina-buksan ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Hope. Nagalit sa akin ang ama ni Hope at pinagbantaan ako. Ang sabi nito. Para sa ikakatahimik ng buhay ko at ng pamilya ko, ‘wag na akong makialam pa sa pamilya nila…