
GUEVARA SERIES #2 HIDING THE TWINS OF MY WOMANIZER BOSS [CALYX]
IN LOVE WITH MY WOMANIZER BOSS
CALYX it's a billionaire notorious womanizer who thrilled dating multiple married women.
Pero lingid sa kaalaman ng lahat, isa siyang secret agent at ang pakikipaglaro sa asawa ng mga maimpluwensya, tiwali, at mapanganib na tao sa lipunan na iniinbistigahan niya ang paraan niya upang makahanap ng impormasyon laban sa mga ito.
He is enjoying his lifestyle. His secret agent job. Maganda at sexy ang mga asawa ng mga tiwali sa lipunan na iniimbestigahan niya. But not until he met the woman who changed his life.
Mahal niya si Anna. Pero hindi niya alam kung paano maging nobyo sa dalaga dahil wala pa siyang ibang babae na nakilala tulad ng personality na meron ito.
Maagang naulila si Anna. Lumaki siya sa puder ng kanyang malupit na tiyahin. Dala ang mataas na pangarap ay lumuwas siya ng manila para magtrabaho.
She’s naive and pure hearted kind of woman na palaging mabait sa lahat. Ngunit nang ma-inlove siya si Calyx. Nagulo ang kanyang mundo.
Nadiskubre niya na niloloko lang siya ng kanyang mahal na nobyo… At ang pinakamasakit, nabuntis pa siya nito… paano sila mabubuhay ng kanyang anak…
"Gusto kita, Sir Calyx. Mahal na nga yata kita, eh." pagtatapat ko sa kanya.
"You can't handle someone like me, Anna."
"At bakit naman hindi? Dahil po ba mayaman ka at ako ay nanny lang dito sa mansyon mo? Dahil ba langit at lupa tayong dalawa? kaya hindi mo ako kayang gustuhin?" masakit sa akin malaman na balewala lang pala kay sir Calyx ang pag ibig ko sa kanya.
Pero hindi ako susuko. Hindi ko tatanggapin ang pang re-reject niya sa damdamin ko.
"It's not that, Anna. someone like me is not a man na babagay sa iyo. Lalaki na kayang magmahal ng busilak na tulad mo. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. Iba na lang ang mahalin mo, 'wag ako."
Parang pinupunit ang puso habang nakikinig ako sa mga binitawan salita ni sir Calyx.
"Kung ayaw mo pala sa akin, bakit mo ako hinalikan Sir Calyx? para saan ang kiss na 'yon? Bakit mo ako de-nate? ano 'yon? kung sa iyo wala lang ang kiss at date natin, sa akin po ay hindi!" lakas loob na sumbat ko sa kanya.
hinalik halikan niya ako at de-nate pa tapos ala lang pala sa kanya ang lahat ng iyon!
"Kinuha mo ang first kiss ko, Sir Calyx. kaya kasalanan mo po kung bakit masakit ang puso ko ngayon..kasalanan mo po!"
Kung wala pala siyang pagtingin sa akin..Bakit pinaramdam pa niya na mahalaga ako sa kanya...
"Mahal kita, Sir Calyx, mahal na mahal po kita. anong gagawin ko? eh hindi ko naman pwedeng basta utusan na lang ang puso ko na wag kang mahalin. At kung alam ko lang na paaasahin mo lang pala ako sa wala, sana hindi na ako nagpadala sa pambobola mo!" -Anna.

