ANNA
“Ano? Buntis ka? Babalik ka rito sa bahay ko ng buntis ka? Ang kapal ng mukha mong bata ka! Ang lakas ng loob mo na umalis dito sa bahay tapos babalik ka na buntis ka?” malakas na sigaw ni tita nang ipagtapat ko ang totoo sa kanya.
Ilang beses na kasi niya akong nakikitang nagdududuwal at biglaan ang pamamayat ng aking katawan dahil na rin nawalan ako ng ganang kumain.
Wala na akong dahilan para ilim pa kay tita ang lahat. Malalaman at malalaman din naman niya na buntis ako.
“Aray ko po Tita!” sambit ko nang bigla akong sabunutan ni tita.
“Lumayas dito sa bahay at lumandi sa Manila, tapos babalik ka rito sa bahay ko na buntis ka? Ang kapal naman ng mukha mo!” sigaw ni tita sa akin. Habang nakasabunot ang kamay niya sa buhok ko ay kinaladkad niya ako papunta sa pinto.
“Lumayas ka dito sa bahay ko! Salot ka! Malandi ka!” galit na sigaw pa ni tita.
Lumuhod ako sa harapan ni tita. “Tita, p-parang awa mo na po, wala na po akong ibang pamilya na mapupuntahan kung ‘di ikaw lang po. Maawa po kayo sa akin. ‘Wag mo po akong palayasin. Kawawa naman ang baby ko kung sa kalsada kami matutulog.” hagulgol ng iyak na yumakap ako sa paanan ni tita.
“Parang awa mo na po Tita… Maawa ka po sa amin ng baby ko…” pagmamakaawa ko sa paanan ni tita pero hindi siya nakinig sa pagmamakaawa ko. Walang puso na pinag sisipa niya ako sa aking ulo.
“Gaga ka! Nagpabuntis ka sa lalaki tapos sa akin mo gustong ipasan ang pag papalamon d’yan sa bata sa sinapupunan mo? Sa ‘yo nga lang hirap na hirap na akong palamunin ka! Tapos kukuha ka pa ng panibagong palamunin? Gaga ka! Tanga ka talaga! Boba!”
Kahit anong masakit na salita ang sabihin sa akin ni tita. Pikit matang tatanggapin ko ang mga iyon alang alang sa baby ko. Hindi kami pwedeng matulog sa lansangan sa oras na isilang ko na siya sa mundo.
Sinalo ko lahat ang bawat sipa at tadyak ni tita sa aking ulo at katawan hanggang sa maramdaman ko ang pamamanhid ng ulo ko at katawan ko dahil sa lakas ng pagsipa at tadyak niya dala ng kanyang galit sa akin.
Nanatili lang nakayoko at umiiyak habang patuloy na sinasalo ang bawat sipa ni tita.
Hindi pa nakontento si tita. Umupo ito at hinawakan ang buhok ko. Nakapulupot ang kamay sa buhok ko na tinaas niya ang ulo ko at napatingala ako sa kanya ng nakadapa.
“Ikaw, kahit kailan ang boba boba mo! Magpapabuntis ka na nga lang, doon pa sa lalaking hindi ka kayang panagutan! Tanga ka talaga! Nanggigigil ako sa ‘yo! Gusto kitang patayin kung pwede lang!” pinagsasampal ako ni tita sa mukha.
Galit na galit pa rin siya sa akin.
“T-tama na po Tita, p-parang awa mo na po…” hirap na sambit ko sa patuloy na pananakit ni tita sa akin. Ayaw pa rin niya akong lubayan sa pananakit kahit nakikita na niya akong hirap na hirap na. Ganon siya kagalit sa akin pero hindi ko naman siya masisisi dahil naging tanga ako. Kasalanan ko. Tama si tita. Ang boba boba ko…
“Anak! Baka mapatay mo ang pamangkin mo!” narinig kong sabi ni lola nang abutan niya si tita na walang akong sinasaktan.
“Ano ka ba naman, Amalia?! Pamangkin mo siya, bakit mo naman siya ginaganito?” buong lakas na tinulak ni lola si tita kaya naman napabitaw sa pagkakahawak si tita sa buhok ko.
Naupo sa lapag si lola at dinaluhan ako. Niyakap niya ako. “Apo…” awang awa sa akin ng hagulgol ni lola.
“Nay naman, eh! Kaya lumaking tatanga tanga ang babae na ‘yan dahil hinahayaan mo na maging tanga! Kita mo, kinunsinti n’yo siya ng gustuhin niya na magtrabaho sa manila, tapos anong nangyari? Edi na buntis siya ng lalaki. Tapos ngayon, uuwi dito sa bahay? Magpapabigat sa atin?” himutok ni tita kay lola.
“Pero anak, baka nakakalimutan mo, bahay ito ng pamangkin mo. Bahay ito ng kapatid mo. kaya wala kang karapatan na palayasin si Anna dito sa bahay dahil kaniya ito.” lakas loob na sabi ni lola.
Dahil sa sinabi ni lola. Tila umuusok ang ilong at tenga ni tita.
“Nay, oo. Bahay nga po ito ni Ate Annie. Pero sa tagal ng panahon na inalagaan at pinalamon ko ang boba niyang anak. Sapat na po ‘yon para magkaroon din ako ng karapatan dito sa bahay na ito. Ako ang gumagastos simula sa pagkain, kuryente, tubig, at iba pang gastusin dito sa loob ng bahay. Kaya sa aming dalawa ni Anna, ako ang higit na may karapatan at dapat masunod dito sa bahay, Nay! Ako ang nagpapalamon sa inyong lahat!” sumbat na sagot ni tita kay lola.
Agad kong hinawakan sa kamay si lola nang makita kong sasagot muli ito kay tita.
“O-akay lang po Lola, tama po ang lahat ng sinabi ni T-tita Amalia,” sambit ko para matahimik na si tita.
Ayoko naman na sila ang mag-away ni tita dahil sa akin. Nang umalis kasi ako pa-Manila ay nag-away silang mag-ina dahil sa akin. Tapos ngayon pagbalik ko dito sa bahay ay mag-aaway na naman sila dahil sa akin.
“Mabuti naman at alam mo ang bagay na ‘yan!” galit na sabi ni tita at nagpapapadyak na iniwan kami ni lola.
“Apo…” ani Lola at hinaplos ang pasa ko sa mukha.
“A-aray ko po Lola, masakit po…” namimilipit na sambit ko nang hawakan ni lola ang mukha ko.
Inalalayan niya akong umupo. Dahil sa dami ng masakit sa katawan ko ang nararamdaman ko ay hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong indahin. Ang ulo ko, mukha ko, maging ang dalawang braso ko na pinag tatadyagang ni tita. Masakit rin ang likod ko dahil iningatan ko talagang matamaan ni tita ang tiyan ko. Di baling ako na lang ang masaktan, ‘wag lang ang baby ko.