Chapter 3

2082 Words
HIDING THE TWINS OF MY WOMANIZER BOSS [GUEVARA SERIES #2] [CHAPTER 3] ANNA FIVE MONTHS LATER “Tubig! Penge naman kami ng tubig dito! Kanina pa kami humihingi ng tubig, mabubulunan na ang anak ko!” iritado na reklamo ng lalaking customer na kumakain dito sa karinderya na pinapasukan ko. “Anna, bingi ka ba? Hindi mo ba narinig na humihingi ng tubig ‘yung nasa table number 3?” galit na sabi sa akin ng may-ari ng karinderya na pinapasukan ko. “O-opo, Ate Valerie, sandali lang po. Ibibigay ko lang po ‘tong order doon sa table number 7.” magalang na sagot ko sa amo ko. Kahit may kalakihan na ang tiyan ko ay mabilis akong kumilos. Mabigat man ang laman ng tray na hawak ko. Kailangan kong dalhin ito sa costumer. Maingat akong naglakad papunta sa table number 7. “Bilis bilisan mo naman ang kilos, kung kailan naman ang daming customer, saka ka pa babagal-bagal!” narinig kong inis na sabi ni ate Valerie. Hindi naman ako babagal bagal ng trabaho. 7 table ang meron ang karinderya ni ate Valerie. Mag-isa lang ako na nag-seserve sa pitong table kaya kahit anong gawin kong pagmamadali ng kilos ay gagahulin parin talaga ako. Ang sabi ni ate Valerie ay pinaalis niya ang kasamahan kong nag-seserve dito sa karinderya dahil tatamad tamad daw si Isabel. Pero alam ko naman ang totoo na hindi talaga niya pina-alis si Isabel. Kusang umalis dito si Isabel dahil hindi maganda ang pamamalakad dito sa karinderya. Bukod sa maliit na nga ang sweldo, hindi pa makatao ang turin sa amin ni ate Valerie. Palagi kaming late kung kumain, dapat trabaho lang ng trabaho. Iyan ang gusto ni ate Valerie. Masyado siyang gahaman sa pera. Wala lang talaga akong choice kung hindi ang pumasok dito sa karinderya niya para makaipon ako ng pera sa aking panganganak. Kahit mahirap ang trabaho ko at palaging lipas gutom ang inaabot ko. Magtitiis ako para sa baby ko. Kailangan ko ng pera pambili ng mga pangangailangan ng anak. “S-sorry! Sorry po talaga! Hindi ko po sinasadya!” maluha luhang hingi ko ng paumanhin sa customer sa table 7 dahil natapon ko ang order ng mga ito. Sandaling umikot at nagdilim kasi ang paningin ko pero na-manage ko pa rin ang aking sarili kaya hindi ako natumba. Ngunit ang masama. Natapon ang order ng table number 7. Tumilapon ang laman ng hawak kong tray. Sinampalukang manok, nilagang baboy, menudo, kanin ang laman ng tray para sa table number 7. Good for 3 person ang order ng mga ito. Nanlumo ako dahil sa halaga ng natapon kong order ay halos wala na akong sasahurin ngayon araw… “Anna! Ano ba ‘yan? Tatanga-tanga ka talaga! Nakita mo na ang ginawa mo? Natapon mo!” bulyaw ni ate Valerie nang makita nito ang nangyari. Napalunok ako kasabay ng panginginig ng aking buong katawan sa takot sa amo ko. Ayos lang sa akin ang ikaltas ang natapon kong order. Ayos lang sa akin kung sigawan at pagalitan ako ng amo ko. Sa ilang buwan ko na dito sa karinderya niya. Sanay na akong lagi niya akong pinahihiya sa mga customers. Agad naman na tumayo ang may edad na lalaki sa table 7 nang mapansin nito ang nangyari sa akin. “Okay lang, iha, walang kaso sa amin. Pero mukhang pagod na pagod ka na yata sa pagtatrabaho mo, kaya namumutla ka. Magpahinga ka na lang muna, lalo’t buntis ka pa naman. Baka mapaano ang baby sa loob ng tiyan mo.” pag-aalala nitong sabi sa akin. “S-salamat po. Pero okay lang po ako. Sandali lang po, papalitan ko na lang po ang order n’yo.” magalang na sabi ko. Sapo ang aking umbok na tiyan ay maingat akong umupo upang pulutin ang tray at ang natapon na mga gamit. Mabuti na lamang at hindi babasagin ang gamit dito sa karinderya, kung nagkataon ay dagdag pa sa babayaran ko kung may mababasag. Maingat akong tumayo matapos kong pulutin lahat ng nahulog. “Sandali lang po, kukuha po ako ng kapalit ng order n’yo.” “S-sige, iha.” nakangiti na sagot sa akin ng lalaki. Lumakad na ako patungo sa kitchen ng karinderya upang ilagay sa hugasan ang mga nadumihan kasangkapan. “Pakpak ka na naman, Anna! Kaltas sa sweldo mo ang natapon mo!” sigaw ni ate Valerie mula sa aking liguran. “Kung napapagod ka na magtrabaho, mag-resign ka na. Hindi ‘yung lalampa-lampa, at tatamad-tamad ka dito sa negosyo ko. Pati karinderya ko mamalasin pa dahil sa kapabayaan mo!” Kinuyom ko na lamang ang aking kamay at pinigilan ang aking emosyon. Wag kang umiyak, Anna. Bawal ang maging maramdamin at balat sibuyas. Para kay baby. Kailangan mo ng pera. Kailangan mo ang trabaho mo dito sa karinderya. Naghugas ako ng kamay at mabilis na kumilos upang palitan ang order ng table number 7. “Oh, mag tanga-tangahan ka na naman para matapon mo ulit ‘yang dala mo!” hindi maipinta ang mukha na sabi ni ate Valerie sa akin. Lumunok ako. Hinawakan ko ng mabuti ang tray at naghanda na sa aking paglalakad papunta sa table number 7. Hindi na rin ako sumagot pa kay ate Valerie. “Bayad, hindi n’yo man lang kami binigyan ng tubig na maiinom. Hindi na nga kami babalik dito sa karinderya na ito. Ang pangit ng service n’yo!” Narinig kong himutok ng customer kanina na humihingi ng tubig para sa anak nito sa table number 3. “Pasensya na po kayo, hindi na po mauulit, Sir. nagkataon lang ho na mag-isa lang ang tauhan ko at babagal bagal pa. Pero para makabawi po ako sa inyo. Bibigyan ko na lang po kayo ng discount.” sagot ni ate Valerie sa nagrereklamo na customer. “Order n’yo po.” maingat kong inilapag ang order ng table number 7 at tinalikuran ko rin agad ang mga ito. Mabilis akong kumilos ay niligpit namana ang table number 3 dahil umalis na ang mga kumain roon. “Nakita mo, muntik na akong mawalan ng customers dahil sa ‘yo! Tonta ka kasing babae ka! Pag hindi ka pa umayos, palalayasin na rin kita dito sa karinderya ko kaysa naman tuluyan malasin ang negosyo ko!” galit na pananakot ng amo ko sa akin pagbalik ko sa kitchen. “Sorry po… Hindi na po mauulit.” hingi ko ng paumanhin sa amo ko. “Siguraduhin mo lang, kung ayaw mo na mawalan ka ng trabaho!” Nang iwanan ako ni ate Valerie ay ang isang tambak na hugasin naman ang hinarap ko. Manhid na ata ako sa kahit na anong masakit na marinig ko sa amo ko. Mabilis kong pinalis ang luha na pumatak sa aking mga mata. “Nasa trabaho ka, Anna, kaya bawal ang drama. Bawal.” sermon ko sa aking sarili. “Magiging Nanay ka na kaya bawal ang mahina. Dapat malakas ka. At hindi dapat maging iyakin.” paalala ko sa aking sarili. Mabilis akong hinugasan ang gabundok na hugasin. Lahat ng sama ng loob ko sa ama ng anak ko ay binubuhos ko lagi sa mga hugasin ko kaya natatapos ko agad ng mabilis. Bumalik ako sa labas. Naabutan kong kausap ni ate Valerie ‘yung lalaki sa table number 7. “Bayad ko ho. ‘Tsaka, isa mo na rin sa total ‘yung natapon na order ng babaeng taga-silbe mo. Babayaran ko na ‘yon para ‘wag mo ng ikaltas pa sa sweldo n’ya.” Napakabuti ng lalaking customer sa table number 7. Kahit hindi niya ako kilala. At kahit kasalanan ko at pananagutan ko naman ang natapon nilang order. Nagmagandang loob parin ito na bayaran. “Okay ho Sir. Oh, heto po ang sukli n’yo. Balik po ulit kayo dito sa karinderya ko.” abo’t tenga ang ngiti ng amo ko matapos iabot ang sukli sa lalaki. Pasado alas-tres na ng hapon at iilan na lang din ang tao na kumakain. Nilapitan ko na ang amo ko. “Ate, maaari na po ba akong kumain? Gutom na gutom na po kasi ako.” paalam kong sabi sa kanya dahil gutom na ako ay hindi pa rin ako kumakain ng tanghalian. “Oh, alas-tres pa lang naman, ha. Gustom ka na agad? Hindi pa nga tapos ang mga tao. Mamaya ka na kumain,” Nanlumo ako sa aking narinig. Nanginginig na sa gutom ang katawan ko. Tapos ayaw pa rin niya akong pakainin ng tanghalian. “Sige po, Ate.” Tumalikod na ako at nilapitan ko ang table number 5. Nakita ko kasing tumayo na ‘yung mga kumain doon dahil tapos na sila kaya liligpitin ko na agad para makakain na ako. Ngunit habang nagliligpit ako sa table number 5 ay napalunok naman ako nang marinig kong may bagong dating na customer. Anim silang lahat. At may dumating pa ulit na dalawang customers. Hindi pa rin ako nito makakakain dahil may mga bagong dating na customers. “Hay, Anna. Tiis pa.” sambit ko sa aking sarili sa tapat ng sink matapos kong ilagay ang pinagkanan ng table number 5. “No. Hindi mo gagawin ‘yan, Anna.” pigil ko sa aking sarili sa naisip kong gawin. Kumukulo na talaga ang tiyan ko. Nanginginig na rin ako sa gutom. Sobra sobra ng lipas gutom ang nararamdaman ko. Hindi ko na kaya! Labag man sa kalooban ko. Mabilis akong lumingon kung may nakatingin sa akin. At nang wala akong makita ay mabilis kong dinampot ang kapirasong pritong manok sa platong niligpit ko mula sa table number 5. “Tiis lang Anna, tiis lang para kay baby…” lumuluha na sambit ko habang mabilis na nginunguya ang laman ng bibig ko. Ang hinihiling ko lang sana, walang sakit ang tao na kumain sa tirang pritong manok na ito. Maging ang konting kanin ay mabilis ko rin na nilagay sa loob ng bibig ko. Kaysa naman mamatay ako sa gutom at maapektuhan ang baby ko. I’d rather eat those leftover para hindi ako manghina… “Oh, pwede ka nang kumain, Anna.” Pasado alas-kwatro na ng hapon nang sabihin ng amo kong maaari na akong kumain. “Pero ‘yung gulay lang ang ulamin mo, at yung natira kong isda. Sayang ang benta kung kakainin mo lang.” “Salamat po, Ate Valerie.” kahit gulay at natira lang niyang isda ang uulamin ko. Sapat na sa akin ‘yon, ang mahalaga ay malamanan ang kumukulo kong tiyan. Alas-syete ng gabi ay closed na ang karinderya. Tapos na rin akong maglinis at sa lahat ng gawain ko. Tinawag ako ni ate Valerie para iabot sa akin ang sweldo ko. 400 pesos ang sweldo ko sa kanya kada araw. “B-bakit po ito lang ang sweldo ko, Ate Valerie?” tanong ko sa amo ko nang iabot niya sa akin ay 250 pesos lang. “Oh, bakit nagtataka ka pa? Nalimutan mo na bang natapon mo ‘yung order ng table number 7 kanina?” kibit balikat na sagot sa akin ni ate Valerie. “P-pero… K-kasi… Ate…” hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin dahil baka uminit ang ulo ng amo. Narinig kong binayaran ng lalaki kanina ang natapon kong order para hindi na daw sa akin ikaltas. Sakim talaga sa pera ang amo ko. Kaya walang tumatagal sa kanyang taga-silbi. Ako lang dahil wala akong choice. “Oh, bakit? May reklamo ka ba sa sweldo mo?” pagtataray na tanong sa akin ni ate Valerie. “U-uh, wala po, ate Valerie. Wala po. Salamat po sa sweldo ko. Uuwi na po ako.” sagot ko na lamang at tinalikuran ko na ang amo ko. Wala rin naman akong magagawa kahit magreklamo pa ako sa kanya. Baka tangalin lang niya ako sa trabaho… Habang naglalakad ako pauwi. Nadaan ako sa store ng dunkin’ donuts. Hanggang tingin lang tayo baby. Choco Butternuts and pineapple donuts ang pinaglihian ko sa baby ko. Pero ni isang piraso ay hindi ko nagawa ang bumili dahil pinaglalaanan ko ng sweldo ko ang panganganak ko. “Next time…” may panghihinayan na sambit ko. Sa tuwing napapadaan ako sa store ng dunkin’ donuts pauwi ay hindi ko na mabilang kung ilang ‘Next Time’ na ang sinabi ko sa aking sarili pero until now ay hindi pa rin ako makabili ng gusto kong donuts. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at hinaplos ko ang aking umbok na tiyan. “Mas importante ang ipon para sa panganganak ko, kaysa ang bumili ng donuts!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD