ANNA
Pagdating ko sa bahay ay diretso kaagad ako sa loob ng kwarto ko para magpahinga. Masakit ang mga paa at binti ko sa kakatayo at ikot sa buong karinderya. Humiga ako at tinaas ko ang aking mga binti sa dalawang magkapatong na unan.
Gumalaw naman ang baby sa loob ng tiyan ko kaya naman napangiti ako. Oo. Alam ko naman na napapagod ka rin sa loob ng tiyan ni mommy, baby. Sorry. Konting tiis pa. Lalabas ka rin diyan sa loob.
Dala ng aking sobrang pagod sa trabaho. Hindi ko na muna inatupag ang paglilinis ng aking katawan. Wala naman ibang aamoy sa akin kung ‘di ako lang kaya naman mamaya na lang ako maglilinis at magpapalit ng damit. Matutulog muna ako.
“Ano?! Wala ka na naman kita? Dahil ano? Nambabae ka na naman ‘di ba! Sa halip na pamamasada ang gawin mo, babae ang pinag-uubusan mo ng oras! Lintik na buhay ‘to! Hindi ko talaga alam kung bakit ikaw pa ang naging asawa ko! Wala kang silbi! Tamad ka!”
Napadilat ako ng mga mata nang marinig ko ang paghihimutok ni tita Amalia sa kanyang asawa. Driver ng jeepney ang trabaho ng asawa ni tita. Pero tama si tita. Hindi nagsisipag bumiyahe ang asawa ni tita dahil may babae na pinag-uubusan ng oras at ng pera.
“Hoy, Rambo! Tang-ina ka! Hindi ako nagpapakahirap rumakit ng pera para lang buhayin kita, kung gusto mo lang rin doon sa babae na ‘yun, eh ‘di magsama na kayong dalawa. Hindi kita hahabulin gago ka! Lumayas ka dito sa bahay ko!”
Sigaw pa ni tita sa kanyang asawa.
Nagkusot ako ng mga mata. Kahit inaantok pa ako ay inabot ko ang phone kong de-keypad upang i-check ang oras. Alas-onse na pala ng gabi. Pero heto at kauuwi lang ng asawa ni tita. Panigurado wala na naman itong uwi na pera kaya nanggagalaiti na naman sa galit si tita.
Ilang beses ko nang nahuli ang asawa ni tita na may kalampungan na ibang babae sa daan. Pero ni-minsan ay hindi ko siya sinumbong kay tita dahil ayokong makielam sa away nilang mag-asawa.
Bukod sa para rin naman akong hangin dito sa bahay dahil hindi naman ako pinapansin at kinakausap ni tita kung wala siyang kailangan sa akin. Ramdam ko pa rin na sagad hanggang buto ang galit niya sa akin dahil nagpabuntis ako sa lalaki at hindi ako pinanagutan.
“Kung makapagsalita ka, akala mo naman matino at santo ka. Bakit? Ano ba ‘yang ipinagmamalaki mong raket, ha? Hindi ba nagpapaka-puta ka naman sa harap ng computer para sa pera. Hoy, Amalia. Tandaan mo. Baka nakakalimutan mo. Kaya ako naging ganito dahil sa ‘yo! Mukha kang pera, hindi ka makuntento sa kung magkano lang ang kaya kong iabot sa ‘yo. Ikaw ang unang gumawa ng kababuyan, hindi ako!” narinig ko naman na matapang na bwelta ng asawa ni tita.
“Bakit? Sa palagay mo ba, kung kumikita ka ng sapat na pera para sa atin, magpapaka-puta ako? Syempre hindi, pero ang kaso. Wala kang silbe! Palamunin lang rin kita dito sa bahay!” giit na sagot ni tita sa asawa.
Napa-takip na lamang ako ng aking dalawang tenga. Sorry anak. Ngayon palang ay humihingi na ako ng tawad sa ‘yo dahil magulo at maingay ang pamilya na kagigisnan mo.
Halos gabi-gabi na lang kung magbangayan si tita at ang asawa niya. Siguro nasanay na lang sa ingay nila ang dalawang anak ni tita kaya naman wala nang pakialam ang mga ito sa kanila kahit mag-ingay at magpatayan pa ang dalawa.
Kinabukasan ay maaga akong nag gayak para sa aking pagpasok sa trabaho. Paglabas ko ng kwarto ko ay naabutan kong magkausap si lola at si tita. Iinom lang ako ng kape at pagkatapos ay aalis na rin akong ka agad. Ayokong mag-stay ng matagal dito sa bahay lalo na kung narito si tita dahil panigurado na ako naman ang pag-iinitan nito ng ulo.
Habang nakaupo sa lamesa si tita at nagka-kape. Si Lola naman ay nagluluto ng pritong itlog. Tahimik akong kumuha ng tasa at nagtimpla ng kape na iinumin ko. Ngunit hindi nagtagal ay narinig kong nagsalita si tita.
“Hoy, Anna. Ikaw, anong plano mo r’yan sa baby mo? Ilang buwan na rin ang lumipas, wala ka bang balak na ipaalam or ibigay sa lalaking nakabuntis sa ‘yo ang anak niyo?” sabi ni tita sa akin habang kumakain ng tinapay na sinasawsaw sa kape.
“Alam mo, kung ako sa ‘yo. Hindi na ako mag-iinarte pa. Lulunukin ko na lang ang pride ko. Pupuntahan ko ang tatay ng anak ko. At kung kinakailangan magmakaawa ako sa kanya, gagawin ko bigyan lang niya ng magandang buhay ang anak ko. Ganyan dapat ang mindset mo, Anna. ‘wag kang tanga. Binuntis ka niya, nagpakasarap siya sa ‘yo tapos ngayon tatakbuhan niya ang responsibilidad niya sa ‘yo? Ang swerte ng lalaking ‘yun!” walang preno ang dila na advice na sabi ni tita sa akin.
“Tsaka, gusto mo ba lumaki sa ganitong buhay ang anak mo? Tatanga tanga ka kasi, eh. Mahirap ka na nga, hindi mo pa ginamit ang ganda mo para umangat ka sa buhay. Magpapadali ka na lang rin, sa lalaking walang bayag pa at hindi kayang panagutan ang responsibilidad sa ‘yo.” muli ay walang prenong sabi pa ni tita sa akin.
“Apo, ayaw mo bang kumain ng almusal?” tanong naman sa akin ni lola.
“Nay, sapat lang ho ang pagkain natin para sa amin ng mga anak ko. Ngayon, kung nagugutom si Anna, aba’y bumili siya ng makakain niya. Tutal naman po eh may trabaho naman siya,” sabi ni tita kay lola dahil sa ginawa nitong pag-alok sa akin ng almusal.
“Okay lang po ako, La. Doon na lang po ako kakain ng almusal sa trabaho.” Sagot ko kay lola at binilisan ko na lang ang pag-inom ng kape ko.
Nangungusap ang mga mata na tiningnan ako ni lola. Nginitian ko naman siya para hindi na mag-alala sa akin.
Matapos kong ubusin ang kape ko ay nilapitan ko si lola at niyakap. “Pasok na po ako sa trabaho, La, okay lang po ako kaya ‘wag mo ‘kong isipin. Hindi ko naman po pinapabayaan ang sarili ko.” sabi ko at agad akong kumalas ng yakap kay lola at tumalikod na ako sa kanya.
Hindi ko kayang makita ang ekspresyon ng mukha ni lola. Kahit hindi siya magsalita. Alam kong awang awa siya dahil sa kalagayan ko.
“Oy, Anna. Ilang buwan na ba ‘yang tiyan mo?” tabong sa akin ng kapitbahay namin paglabas ko ng bahay.
“lima na po, lumalakad na ng anim.” Pilit ang ngiti na tugon ko naman sa kausap ko.
Nangunot ang noo ng kapitbahay ko. “Ano? Mag-aanim na buwan na ‘yang tiyan mo? Hindi ba parang ang liit ng tiyan mo para sa anim na buwan?” Muling pagsasalita ng kaharap ko.
Napailing iling ito. “Mukhang kulang sa vitamins at pagkain, Anna. Kaya ganiyan kaliit ang tiyan mo. Nasaan ba kasi ang ama ng batang pinagbubuntis mo. Bakit hindi ka humingi ng tulong sa kanya?” Sabi pa ng kapitbahay ko at tinitigan ang kabuuan ko.
“Tsaka… ‘wag kang magagalit sa akin, Anna. Sa itsura ng katawan mo. Tuyot na tuyot ang itsura mo. Hirap na hirap kang tingnan. Baka mamaya niyan maapektuhan ang baby mo sa loob ng tiyan mo—”
“Okay ho ang baby ko. Kaya ‘wag nyo hong problemahin ang pagbubuntis ko. And for you to know. Para mapanatag po ang pag-iisip n’yo sa anak ko. Regular po akong nagpapa-check up sa center, at sabi nila ay healthy naman ang baby ko.”
Putol ko sa pagsasalita ng kapitbahay ko na akala mo ay close kaming dalawa. Ni hindi ko nga siya kilala sa pangalan.
Tsaka. Alam ko naman na hindi siya concern sa akin dahil isa siya sa mga mapanghusga at tsismosa dito sa lugar namin na nagkalat ng tungkol sa aking pagbubuntis.
Kumalat ang balita tungkol sa akin na lumandi lang ako sa maynila kaya nabuntis ako at bumalik dito sa amin dahil hindi ako kayang panagutan ng lalaki na nakabuntis sa akin.
Marami pa akong narinig na tsismis about sa buhay ko. Pero wala akong pakialam sa kanila. Ni-isa sa mga iyon ay wala akong pinansin. Dahil para sa akin. Wala naman mangyayari kung pansinin ko pa sila.
Nang dumating ako sa karinderya ay naabutan ko ang customer namin sa table 7 kahapon na matandang lalaki.
Same spot. Naroon pa rin ito sa table 7. Kumakain ng almusal. Nang makita ako nito ay sa tiyan ko agad dumapo ang kanyang mata.
Lihim naman akong nakaramdam ng kakaiba. Nagkibit balikat ako. Bakit pakiramdam ko. Hindi mabuting tao ang matandang lalaki iyon.
Mabilis na lumipas pa ang isang buwan. Araw araw ay laging nasa karinderya ang may edad na lalaking iyon. At sa tuwing natito siya sa karinderya, ramdam ko na sa akin siya nakatitig kaya naman hindi ko mapigilan ang aking sarili na kabahan.
Hindi ko alam kung bakit sa tiyan ko nakatunghay parati ang matandang lalaki na iyon sa tuwing mahuhuli kung lihim na nakatingin ito sa akin.