Chapter 5

2184 Words
ANNA “Nasaan ang pera ko?!”nanginginig ang buong katawan na sambit nang bisitahin ko ang ilalim ng drawer ko at makita kong wala ng laman ang sobre kung saan ko niligay ang perang iniipon ko para sa panganganak. Halos itaob ko na ang ibabang bahagi ng drawer ko upang makita ko ang pera ko. Pero wala talaga ang ipon ko… Ang pera ko… Paano na kami ng anak ko ngayon… Naisipan kong bisitahin ang ipon ko dahil kailangan ko ng pera na gagamitin ko para sa pagpapa-ultrasound ko. Walong buwan na mahigit ang tiyan ko. At ang sabi sa akin ng midwife sa center ay kailangan ko ng magpa-ultrasound para makita kung ano ang lagay ni baby sa loob ng sinapupunan ko. Pasalampak akong naupo sa lapag… “Saan ako kukuha ng pera na gagamitin ko ngayon…” usal ko habang walang humpay na tumutulo ang aking luha. “Hayop ka, tito Rambo. Alam kong ikaw ang kumuha ng ipon ko. Hindi ka na naawa sa amin ng anak ko. Pinaghirapan kong kitain ang pera na ‘yan, para sa anak ko, tapos nanakawin mo lang.” Dapat talaga ay binago ko na ang pinaglalagyan ko ng sobre. Dapat talaga ay naniwala ako sa instinct ng minsan na makita ko ang asawa ni tita Amalia na lumabas mula dito sa loob ng silid. “Sana dinala ko na lang sa trabaho ko ang ipon ko…” “Sana pinahawak ko na lang kay Lola…” “Wala kang puso, tito Rambo…” Hinaplos ko ang aking umbok na tiyan. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong ibang malalapitan para hingian ng tulong, kahit anong gawin kong trabaho sa karinderya ay hindi ko agad kikitain ang halaga ng pera na naipon ko… Sinabi na rin sa akin ng amo ko sa karinderya na naghahanap na sila ng kapalit ko dahil sa susunod na buwan ay kabuwanan ko na. Napahagulgol ako ng iyak. Kung kailan kabuwanan ko na, saka naman nawala ang ipon ko. Paano ako sa panganganak ko. Ni isang baro-baruan ay hindi pa ako nakabili dahil ang plano ko bumili na lang kapag nakapag pa ultrasound na ako dahil malalaman ko na ang gender ng anak ko. Tinakip ko ang aking mga palad sa aking mukha at pumalahaw ng iyak. “Diyos ko, bakit naman po ganito kahirap ang dinadanasa ko… Hindi naman po ako masamang tao para maghirap ako ng ganito… Bakit kung kailan malapit na ang kabuwanan ko, saka pa ako nawalan ng pera… Paano ang baby ko…” Kahit kailan. Hindi ako nag-question sa Diyos sa lahat ng kahirapan na naranasan ko simula ng pumanaw ang mga magulang ko at naiwan ako sa puder ni tita. Kahit ng saktan ako ni Calyx ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa Diyos dahil hinayaan niya na masaktan ako ng lalaki na una kong minahal. Alam kong may reason kung bakit nangyari ang lahat. Na gusto ni Lord na ipa-realize sa akin ang pagiging mapusok ko bilang isang babae. Maling mali na nagpadala ako sa bugso ng aking damdamin. Kaya heto. Nabuntis ako. Kinalimutan ko ang ginawa sa akin ni Calyx. Ang sabi ko ay karma ko lang ‘yon dahil hindi ako nakinig kay tita Amalia. “Ano? Gusto mong lumuwas ng maynila para magtrabaho? Eh kung pero lang din naman ang gusto mo, bakit magma-maynila ka pa? Gawin mo na lang rin yung raket ko. Easy money pa. Maghuhubad ka lang naman sa harap ng camera, dollars pa ang ibabayad sa ‘yo. Kaysa naman ang magkuskus ka pa ng bahay ng ibang tao roon sa maynila. Sa hirap ng buhay ngayon, Anna, gamitin mo ang utak mo, puhunan mo lang ganda mo. Kikita ka ng malaki sa raket ko.” Sana pala ay nakinig na lang ako kay tita. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko kaya ang trabaho na ginagawa ni tita. Ang maghubad sa harap ng camera habang nakikipag-usap ng dirty talk sa mga foreigner na customers niya. Nang marinig ko ang boses ni tito Rambo ay agad akong tumayo at lumabas ng silid ko. Naabutan kong nasa lamesa si kuya Rambo. May dala itong lechon manok. Matalim kong tinitigan ang asawa ni tita. Nang mapansin naman nito na nakatitig ako sa kanya ay nakita ko ang pagkailang sa kanya mukha pero pilit na itinago iyon upang hindi ko mabuking sa kalokohan na ginawa sa pera ko. “Oh, Anna. Nagugutom ka ba? Halika’t kumain tayo.” yaya sa akin ng asawa ni tita. Mabilis na humila ito ng silya at naupo matapos kumuha ng plato at nag sandok ng kanin sa rice cooker. “Ibalik mo sa akin ang pera ko, Tito Rambo.” matigas na pagsasalita ko sa kanya. “Anong pera ang sinasabi mo, Anna? Wala akong kinuha sa ‘yo kahit piso.” pagsisinungaling ni tito Rambo. Naikuyom ko ang aking kamao sa sobrang pagpipigil ko ng galit sa kaharap ko. “Please, Tito Rambo, ‘wag niyo na pong i-deny pa na hindi kayo ang kumuha ng pera ko. Pakiusap, ibalik mo na sa akin ang pera ko. Kailangan na kailangan ko po ‘yon ngayon dahil magpapa-ultrasound ako at kabuwanan ko na po next month. Kaya please, ibalik mo po sa akin ang ipon ko.” hindi ko mapigilan ang maluha habang nakatitig ako sa mukha ni tito Rambo na walang pakialam sa sinasabi ko sa kanya. Binuksan ni tito Rambo ang plastic na pinaglalagyan ng lechon manok. “Wala akong kinuhang pera sa ‘yo, kaya wala akong dapat na ibalik sa ‘yo, Anna.” ani tito Rambo. Nanginig ang aking mga balikat. “Tito! Please, naman po! Maawa naman po kayo sa akin, ibalik niyo po ang ipon ko dahil kailangan na kailangan ko po!” hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya naman tumaas na ang aking boses. Padabog naman na tumayo si tito Rambo at hinarap ako. Malakas na hinampas nito ang palad sa lamesa. “Tang-ina! Sinabi ng hindi ako ang kumuha ng pera mo! Bakit ba ayaw mong maniwala!” sigaw ni tito Rambo sa akin. “Pero… Kayo lang po ang nakita kong pumasok sa kwarto ko—---” “Tama ang sinabi ng Tito Rambo mo, hindi siya ang kumuha ng pera mo, ako?” pagsasalita ni tita Amalia buhat sa likuran kaya naman napatigil ako sa aking pagsasalita. Agad akong pumihit paharap sa kanya. “P-pero bakit n’yo po kinuha ang ipon ko, Tita? Para sa panganganak ko po ang pera na ‘yon.” luhaan na sabi ko kay tita. Tinaas ni tita ang kamay at pinakita ang bill ng kuryente. “Dahil dito, mapuputulan na tayo ng kuryente kapag hindi pa tayo ng bayad. Naipon na ang bill natin sa kuryente kaya kailangan kong hiramin ang ipon mo.” katwiran sa akin ni tita. Napapikit ako at napahagulgol ng iyak. Gusto kong magalit kay tita pero naroon pa rin ang respeto ko sa kanya. “Pero malapit na po ang kabuwanan ko, Tita, ang ipon ko na ‘yon ay nakalaan talaga s para sa panganganak ko.” humihikbi na sabi ko. “Next month ka pa naman manganganak ‘di ba? So, kikita ka pa sa trabaho mo, at bibigyan na lang kita next month pag sinuwerte ako sa client ko.” kibit balikat na sagot ni tita sa akin. Lumakad ito papunta sa lamesa at kumurot ng lechon manok na nasa plato ni tito Rambo. “Kita mo na, hindi ako ang kumuha ng pera mo.” saad naman ni tito Rambo. “Sana po marunong kayong magpaalam sa akin bago n’yo pinakialam ang ipon ko. Pinaghirapan ko po ang pera na ‘yon para sa anak ko. Kaya wala po kayong karapatan para pakialam ang ipon ko. Pera ko po ‘yun, pinaghirapan ko…” sambit ko. Mabilis na namula ang mukha ni tita nang marinig ang sinabi ko. Tumaas ang kilay nito at hinarap ako. “Walang hiya ka!” malakas na sigaw ni tita at mabilis na umingkis ang palad sa aking pisngi. “Ang kapal ng mukha mo! Hoy! Sa dami ng pera na ginastos ko sa ‘yo simula ng mamatay ang Nanay at Tatay mo. Kulang na kulang pa ang pera na kinuha ko sa ‘yo!” sinampla akong muli ni tita. Dinampot niya ang bill ng kuryente na nasa ibabaw ng lamesa at nilamukos sa mukha ko. “Yung pera mo, ‘yan, binayad ko sa kuryente! Ang kapal ng mukha mo! Bakit hindi ka ba gumagamit ng kuryente dito sa bahay! Ha? Walang hiya ka!” tinulak ako ni tita matapos akong sampalin. Agad ko naman niyakap ang tiyan ko. Napaupo ako sa lapag dahil sa lakas ng pagkakatulak ni tita. “Tang-ina! Tama na ‘yan Amalia! Nakita mong buntis ang pamangkin mo!” sabi ni tito Rambo kay tita. Nilapitan ako ni tita, hinawakan ako sa aking panga. “Oh, ‘yan ang pera mo! Lamunin mo!” pilit na isinasaksak sa loob ng bibig ko ang nilamukos na bill ng kuryente na hawak ni tita. “Gaga ka! Sa akin ka pa magmamalaki, samantalang mas marami akong pera na inubos sa ‘yo!” sumbat ni tita at walang puso na madiin na piniga ang panga ko kaya naman napanganga ako at nilagay niya ang bill ng kuryente sa loob ng bibig ko. “Tang-ina! Tama na sabi ‘yan Amalia!” “Tama na ‘yan anak! Baka mapaano ang bata sa loob ng tiyan ni Anna!” Sabay na sigaw ni lola at ni tito Rambo kay tita. “Bwisit!” sabi ni tita at pabalya na binitawan ako. Tapos ay si tito Rambo naman ang hinarap nito. “At ikaw, akala mo hindi ko alam na nabuntis mo ang babae mo! Ang kapal ng mukha mo! Hayop ka! Hindi mo na nga kami kayang buhayin ng mga anak mo, bumuntis ka pa ng babae!” sabi ni tita at malakas na sinampal si tito Rambo. “Bwisit na buhay ‘to! D’yan na nga kayo! Mga malas kayong kasama sa buhay!” hindi nakapa salita si tito Rambo dala ng pagkabigla ng malaman nito na alam na ni tita ang tungkol sa pagbubuntis ng babae nito. “A-ano na ba ang nangyayari sa bahay na ito? Bakit naging ganito ka gulo ang buhay natin…” umiiyak na sambit ni lola habang hawak nito ang dibdib. “Hindi ko na kaya ang ganito… Mabuti pa ang mamatay na lang ako…” “La! La!” sigaw ko nang makita kong tumumba si lola na nakahawak sa kanyang dibdib. “Tang-ina! Nay! Amalia, si Nanay!” kabado na sigaw naman ni tito Rambo. “Nay! Nay!” sigaw naman ni tita at agad na niyakap si lola. “Dalhin natin sa ospital si Nanay!” sigaw ni tita kay tito Rambo. Sinikap ko naman ang tumayo upang tumulong sa kanila na buhatin si lola ngunit agad naman na tinabig ni tita ang kamay ko nang tangkain kong hawakan si lola. “Kasalanan mo ‘to, Anna! Kaya pag may masamang nangyari kay Nanay, ikaw ang sisisihin ko!” paninisi sa akin ni tita. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Bakit ako ang sinisisi ni tita sa nangyari kay lola. Napatakip na lamang ako ng bibig habang umiiyak at pinanood sila sa paglalakad buhat si lola. Naupo ako sa silya. Simula ng umalis sila tita papuntang ospital ay walang humpay ang pagluha ako. Kasalanan ko ba ang nangyari kay lola? Makalipas ang bente minutos. Narinig kong nag-ring ang phone ko sa loob ng kwarto ko kaya naman agad akong lumakad para kunin iyon. Si tita Amalia ang tumatawag sa akin. “Wala na si Nanay, kasalanan mo kung bakit namatay si Nanay!” paninisi ni tita sa akin mula sa kabilang linya. “Ngayon wala na si Inay, dapat wala ka na sa bahay pagbalik ko. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa ‘yo sa oras na makita kita. Maka mapatay rin kita!” Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi. Hindi! Hindi pa patay si lola. Nabitawan ko ang hawak kong de-keypad na cellphone ko. “Lola! Lola!” palahaw kong iyak habang sinasambit ang salitang lola ng paulit ulit. Si lola na lang ang tanging nag-iisa na nagmamahal sa akin. Tapos nawala pa siya… Kahit sinabi ni tita na mapapatay niya ako sa oras na makita niya ako. Inabot ko ang coin purse ko na nasa ibabaw ng kama ko at naglakad ako palabas ng bahay. Kailangan kong makita si lola. Lola… Lola bakit mo ako iniwan… Habang naglalakad ako ay panay agos ng luha ko. Dahil walang tricycle na dumadaan. Minabuti ko ang maglakad. Hanggang sa… unti unti ay umikot ang aking paningin. Napahawak ako sa aking tiyan dahil alam kong tutumba ako. “Iha! Iha!” bago ako tuluyan mawalan ng malay ay naulinigan kong kinakabahan na sigaw ng isang lalaki. Pamilyar sa akin ang mukha ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Siya ang matandang lalaking kumakain sa karinderya na pinapasuka ko…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD