Chapter 6

2283 Words
ANNA Nagising ako sa hindi pamilyar na silid sa akin. “Gising na s’ya!” narinig kong sabi ng tinig ng isang may edad na babae. At hindi naman nagtagal ay lumapit ito sa kama na kinahihigaan ko. “Kamusta ang pakiramdam mo, iha?” bakas sa ekspresyon ng mukha nito ang pag-aalala sa akin. “S-sino po kayo?” balik tanong ko sa may edad na babae na kaharap ko. Nangunot ang noo ko nang makita kong lumapit sa akin ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. Ito ang customer na madalas kumain sa pinagtatrabahuhan kong karinderya. “B-bakit po ako narito?” nahihiwagaan kong tanong sa mga ito na kasama ko dito sa loob ng silid ng kung sino. “Hindi mo ba naaalala, iha? Natumba ka sa kalsada kanina, good thing is, napadaan kami ng asawa ko sa way na ‘yon kaya naman nakita ka namin.” sagot ng may edad na lalaki sa akin. Napalunok ako kasabay ng muling pagluha ng maalala ko ang nangyari sa bahay, kay lola… “A-ang Lola ko po… Wala na ang Lola ko…” I said between my sobbed, losing my lola, ang nag-iisang nagmamahal sa akin ay sobrang sakit. I have no one in this world. Now that my lola’s gone, I feel that I’m totally alone. Wala na akong ibang kakapitan kung ‘di ang sarili ko. Dahil sa nangyari, alam kong sinusumpa ako ngayon ni tita Amalia, she’s blaming me sa pagkamatay ni lola kahit wala naman akong kasalanan. Ako at ang baby ko na lang sa loob ng tiyan ko ang tanging meron ako dito sa mundo. Kaya dapat maging malakas ako para sa magiging baby ko. Marahang tinapik ng may edad na babae ang aking kamay. “Sorry sa pagkawala ng Lola mo, Iha. We feel your pain, sobrang sakit ang mawalan ng mahal sa buhay. We’ve been through that grief when our daughter’s died…” sabi ng babae na nasa tinig ang labis na kalungkutan sa pagkawala ng anak nito. Kahit hindi ko kilala ang anak ng kaharap ko. Nakaramdam ako ng lungkot sa maaga nitong pagkamatay, hindi ko man alam ang dahilan ng ikinamatay nito, malungkot pa rin ako para sa kanya, at malungkot ako dahil batid kong nangungulila sa anak ang kaharap ko ngayon. Kitang kita ko sa mga mata ng babae ang labis na pagdadalamhati at pangungulila sa anak dahil maaga itong nawala sa kanila. “P-pwede ba kitang yakapin, iha?” ngayon ay lumuluha at nangungusap ang mga mata na tanong sa akin ng babae. “Hermana,” maihinang tawag ng lalaki sa babae. Sa tingin ko ay mag-asawa silang dalawa. Napapikit ang babae at hinarap ang lalaki. “Miss na miss ko na talaga ang anak natin, Virgilio…” nanginig ang magkabilang balikat ng babae. Malumanay na napatakip ito ng bibig at humikbi. Sa kilos nito ay sigurado akong mula sa mayamang pamilya. Kahit umiiyak ay mahinhin at sopistikada pa rin kung kumilos. Nilapitan naman lalaki ang asawa nito at niyakap. “Huwag ka na umiyak, Hermana, malulungkot ang anak natin n’yan pag nakita kaniya na umiiyak ka na naman.” nasa tinig rin nito ang labis na kalungkutan na sabi sa asawa. Dinampi dampi ng babae ang daliri sa ilalim ng kanyang mga mata upang tuyuin ang luha. “Sorry, iha. Naaalala ko lang talaga ang anak ko sa iyo,” sabi nito sa akin. “Kaya kung hindi mo mamasamain, maaari ba kitang yakapin?” muli ay tanong nito sa akin. Mabilis naman akong tumango. Kailangan ko rin ng mahigpit na yakap ngayon dahil sa labis na pangungulila at lungkot na nararamdaman ko sa pagkawala ni lola. “Okay lang po, pwede mo po akong yakapin.” magalang na sagot ko. “Salamat, iha.” hindi nag-aksaya ng oras ang babae. Nang marinig ang sinabi ko ay agad ako nitong sinugod ng mahigpit na yakap. “Hope, anak ko…” humihikbi na sambit ng babae habang yakap ako ng mahigpit. Dahil sa pagluha niya, nadala na rin ako. “Lola… Lola ko…” sambit ko rin naman na lumuluha. Ilang sandali kaming nagyakap ng babae at hinayaan lang kami ng asawa nito na umiiyak. Pakiramdam ko ay yakap ko ngayon ang aking lola… Makalipas ang ilang sandali ay bumitaw na ang babae sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. “Kung gusto mo ng umuwi, sabihin mo lang sa amin, ihahatid ka namin ng asawa ko.” ngiti na saad nito sa akin. Malungkot akong umiling. “Wala na po akong bahay na uuwian…” wala sa aking sarili na pag-amin. Tulad ng sinabi ni tita, ayaw na niya akong makita sa bahay dahil baka mapatay daw niya ako. Humikbi ako at huminga ng malalim upang muling magsalita. “Sinisisi po ako ng Tita ko sa pagkamatay ng Lola ko, kaya ang sabi niya, papatayin niya ako sa oras na makita po niya ako…” pag-amin ko sa kanilang mag-asawa. Mabilis na napatakip ng bibig ang babae. “My God!” bulalas na sambit nito. “Kung wala kang bahay na mapupuntahan, you can stay with us, iha. Doon sa farm namin. Kami lang naman ang asawa ko ang nakatira doon, at ang dalawang kasambahay. Pansamantala lang kasi kaming naka-stay dito sa hotel, dahil may inaayos lang kaming negosyo.” Pakiramdam ko, ang mag-asawa na yatang kaharap ko ang pinadala sa akin ni Lord bilang guardian anghel ko na tutulong, magmamalasakit sa aming mag-ina. “Sumama ka na lang sa amin sa farm, iha, buntis ka kaya hindi kita hahayaan na mag palaboy laboy sa lansangan sa ganiyang kalagayan mo. You need shelter and food, para maka-panganak ka ng maayos, at lumabas ang baby mo ng malusog.” sabi ng babae sa akin ng hindi ako sumagot sa kanya dahil natahimik ako. Natahimik ako hindi dahil sa ayokong sumama sa kanila sa lugar nila, natahimik ako dahil hindi ako makapaniwala na mag-o-offer sila na patirahin ako sa bahay nila kahit hindi nila ako lubusang kilala. “Salamat po, salamat po ng marami, Ma’am, Sir,” buong puso at naluluha na pasasalamat ko sa kanilang mag-asawa. Piniga ng babae ang aking braso. “Tawagin mo na lang kaming Nay, Hermana at Tay, Virgilio.” ngiti na sabi nito sa akin. “Masaya kami ng asawa ko at sasama ka sa amin, iha.” “Salamat po, Nay Hermana, Tay Virgilio.” muli ay pasasalamat kong sabi sa kanilang mag-asawa. “Wala ‘yon, iha. Sandali, nagugutom ka ba? May pagkain kaming binili para sa ‘yo.” Nang marinig ko ang sinabi ni Nay Hermana ay hindi na ako nagsinungaling pa sa kanila. Inamin ko na ang totoo na gutom na gutom na talaga ako. Inasikaso naman nila akong mag-asawa. Sobrang nahihiya ako sa kanila dahil kaya ko naman kumilos, pero hindi nila ako hinayaan na kumilos, si Tay Virgilio ang nagligpit ng kinainan ko. *** Mabilis na lumipas ang limang araw. Ang balita ko ay ngayon araw na ang libing ni lola. Pero simula ng iburol si lola ay hindi naman ako nagpakita sa bahay kahit isang beses. Ayoko ng lalong pasamain pa ang loob sa akin ni tita Amalia. Gusto ko na lang sumunod sa sinabi niya na ayaw niya akong makita. Isa pa, natatakot ako na baka pag nakita niya ako ay saktan niya ako at baka mapaano ang baby sa loob ng tiyan ko. “Ang layo naman ng tingin mo, iha?” narinig kong basag ni Nay Hermana sa aking katahimikan habang nakaupo ako sa kama na ginagamit ko dito sa hotel. Malaki ang hotel na ino-occupied nila Nay Hermana at Tay Virgilio. Kaya nga nagtataka ako dahil dalawa lang naman silang mag-asawa. Good for 3 or 4 person ang space nitong room. Dalawang malaking bed ang mayroon itong room na kinaroroonan namin. “May problema ba, iha?” muli ay tanong sa akin ni Nay Hemana. Simula ng mag-stay ako dito sa hotel nila. Si Tay Virgilio naman ay laging umaalis sa umaga, uuwi na lang ito kung gabi na. “G-gusto ko po sanang makita si Lola sa huling sandali niya,” mahinang sabi ko kay Nay Hermana. Lumungkot ang ekspresyon ng mukha ni Nay Hermana. “Pero hindi ba ikaw na ang nagsabi na ayaw kang makita ng Tita mo, hindi ba?” maingat na sagot nito sa akin. “Pero gusto ko po talaga makita ang Lola ko,” sambit ko at mabilis na pumatak ang aking luha. Kahit sana sa huling sandali ni Lola, makita ko man lang siya. Kahit sandali lang… “Ganito, doon na lang tayo tumuloy sa cemetery kung saan ililibing ang Lola mo, okay ba ‘yon sa ‘yo?” ngiti na suhestiyon ni nay Hermana sa akin. “Talaga po? Pupunta po tayo sa sementeryo kung saan ililibing si Lola?” “Oo, iha. Kaya magbihis ka na para makaalis na tayo,” ngiti na sabi ni Nay Hermana sa akin. Agad naman akong kumilos para makapag bihis ng damit. Si nay Hermana naman ay tinawagan si Tay Virgilio upang ipag-drive kami papunta sa sementeryo. Mula sa di-kalayuan ay nakatanaw ako sa puntod ni lola. Hindi pa ako makalapit sa kanya dahil naroon pa rin nakatayo si tita Amalia sa harapan ng puntod ni lola kahit wala na ang mga taong nakipaglibing kay lola. Kanina pa ako iyak ng iyak. Kahit malupit si tita Amalia sa akin. Alam kong mabait at mapagmahal siya na anak kay lola. Tulad ng sabi ni lola sa akin. Huwag na h’wag akong magtatanim ng sama ng loob kay tita kahit sinasaktan at hinahamak niya ako dahil pamilya ko ito. “Umalis na ang Tita mo, iha.” sabi ni Nay Hermana nang makitang naglakad na palayo sa puntod ni lola si tta Amalia. Hindi na ako sumagot kay Nay Hermana. Lumuluha akong patakbo na lumapit sa puntod ni lola. Sapo ang aking tiyan na na-upo ako sa puntod ni lola at halos yakapin ko ang lupa. “Lola… Sorry po Lola, sorry kung hindi man lang kita nadalaw sa bahay sa mga huling gabi mo. Patawad po Lola dahil naging pasaway ako, hindi ako nakinig sa ‘yo nung ayaw mo akong payagan na lumuwas sa maynila. Sorry po Lola. Sorry… Mahal na mahal kita Lola, mahal na mahal po kita.” paulit ulit na sambit ko sa puntod ni lola. Sobrang sakit na hindi ko man lang nakita at nayakap si lola sa huling sandali niya sa ospital. Wala na si Lola. Ang laging karamay ko. Ang laging kakampi ko. Ang nag-iisang tao na hindi ako hinusgahan sa sinapit ko. Ang nag-iisang tao na alam kong mahal na mahal ako. “Huwag po kayong mag-alala, Lola. Magiging malakas po ako para sa baby ko. Mahal na mahal ko po kayo, at kahit kailan, hindi ko po kayo malilimutan. Lola, salamat sa pagmamahal at pag-aalaga mo sa akin. Ikukwento kita sa anak ko, Lola…” hagulgol na sabi ko sa tapat ng puntod ni lola. “Ahhh…” mahinang daing ko nang kumirot ang tiyan ko. Marahil dahil kanina pa ako walang tigil sa pag-iyak kaya naman pati ang baby sa loob ng tiyan ko ay apektado na rin. “Ahhhh! Ang sakit po ng tiyan ko! Aray ko!” malakas na hiyaw ko nang mas tumindi ang pagsakit ng tiyan ko. Napabaluktot ako at niyakap ang tiyan ko. “Diyos ko! Iha, anong nangyayari sa ‘yo? Virgilio! Virgilio tulungan mo kami!” kinakabahan at aligaga na sigaw naman ni Nay Hermana na tawag kay Tay Virgilio. Nawala ang pagiging mahinhin at sopistikada ni nay Hermana dahil sa sitwasyon ko. Nilapitan niya ako at naupo sa lapag. Inabot niya ang braso ko. “Sandali lang iha, hihingi ako ng tulong.” namumutla ang mukha na sabi ni nay Hermana at hindi na nito alam ang gagawin. Malayo layo kasi kung saan naka-park ang kotse ni tay Virgilio. “Iiwan muna kita, okay, tatawagin ko lang si Virgilio,” kabado pa rin na sabi ni nay Hermana. Halos takbuhin na niya ang daan papunta sa parking area nitong sementaryo. “Ahhhh! Baby, please, kumapit ka kay Mommy! Kumapit ka anak ko!” sigaw ko sa kabila ng pamamalipit ko sa sobrang sakit ng tiyan ko. “Lola, please, ‘wag n’yo po hayaan mawala sa akin ang anak ko.” “Please, Lord, ‘wag mo po hayaan na may masamang mangyari sa anak ko.” Hindi naman nagtagal ay narinig ko ang boses ni nay Hermana at ang papalapit na yabag ng mga takbo ng tao tungo sa akin. “Ayon s’ya! Virgilio!” sigaw ni nay Hermana. “Kumapit ka sa amin, iha. Dadalhin ka namin sa ospital!” sabi ni tay Virgilio nang makalapit sila sa akin kasama ang isang lalaki. “Ang baby ko po…” sambit ko at kumapit naman ako sa magkabilang braso ng mga ito. “Bilisan mong mag-drive, Virgilio. Baka hindi na tayo umabot sa ospital!” gagad na utos ni nay Hermana sa asawa dala ng magkahalong kaba at pag-aalala sa akin at sa baby ko. “Oo, Hermana, binibilisan ko naman. Pero hindi naman pwede na hindi ako mag-ingat sa pagmamaneho, baka mamaya ma-aksidente tayo.” sagot naman ni tay Virgilio habang ang mga mata ay nakatuon sa kalsada. “Anna, iha, ‘wag kang susuko okay, lakasan mo ang loob mo, malapit na tayo sa ospital.” narinig kong sabi ni nay Hermana sa akin. “N-nay…H-hermana… ang baby ko po, please, ang baby ko po…” nahihirapan sabi ko at napahawak ako sa braso ni nay Hermana ngunit napabitaw rin ako nang tuluyan akong mawalan ng malay habang sakay kami ng kotse papunta kami sa ospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD