ANNA
Nagising ako na lupaypay at mahina ang aking katawan. Nanlalabo ang aking paningin. Kulay puting kisame ang nabungaran ng aking mga mata. Marahan kong kinurap ang aking mga mata. Maging sa simpleng pagkurap lamang ng aking mga mata ay nanghihina ang katawan ko.
Lumunok ako. Nauuhaw ako.
Sinubukan kong igalaw ang dalawang kamay ko upang haplusin ang aking tiyan. Ngunit napa-ingit lamang ako sa kirot sa pananakit ng aking tiyan.
Anong nangyari sa akin?!
Bakit lumiit ang tiyan ko?!
“Aray…” impit na daing ko nang tumindi ang kirot ng aking tiyan.
Binaba ko ang aking paningin sa akin tiyan, at ganun na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang mapagtanto ko na wala na ang umbok ng tiyan ko!
Nasaan ang baby ko!
Nagsimula ng rumagasa ang takot sa aking dibdib dahil biglang nawala ang baby ko sa aking sinapupunan.
“She’s awake,” narinig kong sabi ni nay Hermana sa himig na puno ng pangamba. Kaya naman lalong rumagasa ang takot sa aking dibdib.
Lumapit si nay Hermana at si tay Virgilio sa hospital bed na kinahihigaan ko. Hinawakan ni nay Hermana ang palad ko. “Iha, ‘wag kang umiyak, makakasama sa ‘yo ‘yan.” nahihirapan na sabi ni nay Hermana sa akin.
Kita ko sa mga mata nito ang labis na pag-aalala at pangamba. Pero saan? Wala naman nangyaring masama sa baby ko ‘di ba? Wala…
Marahan pumikit si nay Hermana at mabigat na nagpakawala ng paghinga. Tumikhim ito upang simulan ibuka ang bibig para muling magsalita. “Iha, gusto kong tibayan mo ang loob mo sa sasabihin ko sa ‘yo. ‘Wag kang mabibigla, minsan. Kahit masakit, may reason ang itaas kaya nangyayari ang lahat.” tila nahihirapan sa pagsasalita na sabi ni nay Hermana.
Dumagundong ang malakas na t***k ng puso ko. Sa tipo ng pagsasalita ni nay Hermana. Ramdam kong may hindi maganda ang nangyayari kaya naman nahihirapan siyang sabihin ng diretso sa akin ang lahat.
Nakita kong muling mabigat na huminga si nay Hermana saka ipinagpatuloy ang pagsasalita. Piniga niya ang aking palad.
“Iha, g-ginawa ng mga doktor ang lahat to save the babies. Pero…” hindi pa man natatapos ni nay Hermana ang sinasabi ay bumuhos na ka agad ang masaganang luha sa aking mga mata. Lumuluha at tahimik kong hinintay na matapos sa pagsasalita si nay Hermana.
“You’re emotionally, mentally, physically, drained, and stressed, iha. Sobrang hina ng katawan mo, pati na rin ang bata. The doctor had forced a cesarean procedure to save you. Ilang araw na palang walang heartbeat ang baby sa loob ng tiyan mo, iha. Mabuti na lamang at hindi ka nalason. Dahil kung tumagal pa ay baka pati ang buhay mo ay malagay sa piligro. Sorry, iha. Sorry. Ginawa ng mga doktor ang lahat, pero sadyang hindi na kinaya ng mga anak mo ang hirap sa loob ng tiyan mo.” malungkot na pagtatapat ni nay Hermana sa akin sa masakit na sinapit ng baby ko.
Hilam sa sariling luha na napatitig ako kay nay Hermana. Matagal nang walang heartbeat ang baby ko sa loob ng tiyan ko? Paanong nangyari ‘yon? Naramdaman kong gumagalaw pa siya sa loob ng tiyan ko. At… mga anak ko? I-ibig bang sabihin niyon ay hindi lang isa ang laman ng tiyan ko?
Walang salitang namutawi sa aking labi, tanging ang pagdaloy ng masaganang luha sa aking mga mata ang aking nagawa. Parang pinupunit ang puso ko sa sakit na malamang wala na ang baby sa loob ng tiyan ko.
Napatakip ako ng bibig. “H-hindi po totoo ‘yan, Nay Hermana. P-paano nangyari na matagal ng walang heartbeat ang mga baby sa loob ng tiyan ko? Gumagalaw pa po sila sa loob ko, mabagal, pero gumagalaw po sila. Nay Hermana… ang mga anak ko… Hindi… Nay… ayoko… hindi ito totoo. Nagtiis ako, kahit hirap na hirap ako, tiniis kong pumasok sa trabaho para kumita ng pera para sa kanila. Tapos… Tapos sasabihin n’yo sa akin na wala na sila. Hindi po ‘yan totoo, Nay Hermana.” parang sirang plaka na paulit ulit na sambit ko.
Maingat akong niyakap ni Nay Hermana. “Sorry, iha,” tanging nasabi ni nay Hermana at hinayaan lang akong umiyak ng umiyak sa bisig niya.
“Tumawag ka ng doktor, Virgilio, si Anna!” malakas na sigaw ni nay Hermana nang manginig ang aking katawan.
“Sige, tatawag ako ng doktor!” sagot naman ni tay Virgilio at agad na lumabas ng silid na kinaroroonan namin.
Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto. Pumasok ang isang nurse at ang doktor kasama si tay Virgilio. Naging mabilis ang kilos ng doktor at nurse sa akin nang lapitan ako ng mga ito.
“Dok, ano ang nangyari sa kanya?” tanong ni nay Hermana sa doktor bago ako tuluyan mawalan ng malay.
***
Nang muli akong magising ay mas naramdaman ko ang pagkirot ng aking tahi sa tiyan dahil unti-unti nang nawawala ang epekto ng anesthesia na tinurok nila sa akin nang i-cesarean ako.
“Huwag ka na munang umiyak, iha, pakiusap, tulungan mo ang sarili mo. Hindi makakabuti sa ‘yo ang magpadala ka sa emosyon mo.” malungkot na sabi ni nay Hermana sa akin nang makita akong gising na.
Marahan niyang hinaplos ang balikat ko. “Ang kailangan mo ay magpalakas ka, para makalabas ka dito sa ospital, kami na muna ang mag-aasikaso sa labi ng mga anak mo.”
Nanginig ang aking magkabilang balikat. Hindi ko kayang hindi umiyak. Dahil sa tuwing naaalala ko na wala na ang mga anak ko. Parang gusto ko na rin mawala sa mundo. Wala ng halaga ang buhay ko. Ano pa ang silbi ko at mabubuhay ako kung wala na ang mga anak ko at si lola…
Dahil nagkaroon ng komplikasyon sa health ko ng manganak ako. Inabot pa ako ng tatlong araw sa ospital bago i-discharged ng doktor na humawak sa akin.
Pagkalabas ko sa ospital ay tumiretso kami sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga anghel ko.
BABY LUCAS & SUNSET
Masakit na sambit ko sa pangalan na nakasulat sa lapida ng aking kambal na anak. Mariin akong napapikit at napatakip ng labi.
Halo halo ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito habang nakatitig ako sa pangalan ng aking kambal na nakaukit sa lapida ng kanilang puntod.
Sakit, galit, pagkasuklam, sa tao na naging dahilan kung bakit nawala ang kambal sa akin.
Kung hindi ako niloko ng ama nila, baka sana sa mga sandaling ito ay malusog ko silang yakap ng mahigpit ngayon sa aking bisig ko. Pero ang masakit na katotohanan. Wala na sa akin ang kambal. Ni hindi ko man lang sila nasilayan ni minsan. Hindi ko nakita ang mukha nila kung kamukha ko ba sila.
Ni hindi ko sila nagawang hawakan gamit ang mga palad ko. Kahit isang yakap lang sana. Hindi ko nagawa. Habang nasa hospital ako. Sinubukan kong kitilin ang aking buhay. Bakit naman ganun. Magkasunod mo sa akin kinuha ang mga tao na dahilan kung bakit patuloy pa rin akong lumalaban sa buhay.
Una. Ang mga magulang ko…
Si Lola…
Wala kang tinira sa akin. Ngayon ay ang kambal ko naman ang kinuha mo…
Bakit? Bakit sobrang lupit mo naman sa tulad ko? Ito ba ang karma ko dahil naging matigas ang ulo ko. Hindi ako nakinig sa lola ko.
“P-patawad, patawad mga anak ko… Patawarin n’yo si Mommy. Sorry kung hindi ko kayo nagawang ingatan. Sorry mga anak ko…” mabigat ang aking dibdib na napaluhod ako sa puntod ng kambal.
Lumuluha kong hinaplos ang nakaukit na pangalan ng kambal sa lapida.
LUCAS… SUNSET…
Ni hindi ko man lang nagawa na tawagin kayo sa mga pangalan niyo. Sorry… sorry mga anak ko… Sorry… Patawarin n’yo si mama…
Yumukyuk ako sa puntod ng kambal. Niyakap ko ang lupa kung saan sila nakalibing. “Mahal na mahal ko kayo, Lucas, Sunset, mga anak ko… Kung pwede ko lang ipagpalit ang buhay ko sa inyo, ako na lang. Ako na lang ang namatay at hindi kayo. Patawad mga anak ko. Hindi perfect si Mama. Kaya hindi ko kayo nagawang ingatan, sorry mga anak ko. Sorry…”
“Anna, iha, baka bumuka ang tahi mo.” narinig kong paalala sa akin ni nay Hermana. Umupo ito at hinagod ang likuran ko.
“Hindi naman nawala sa ‘yo ang mga anak mo, nasa heaven sila, Anna, angel mo na sila at binabantayan ka nila.”
“Pero hindi ko po gusto na doon sila sa langit, Nay Hermana. Gusto ko po silang makasama ng buhay sila. Mas kailangan ko sila dito kaysa maging angel ko sila sa langit, Nay.” sagot ko kay nay Hermana at napa hagulgol ako ng iyak.
“Anna, iha… Tama na, isipin mo na lang na malulungkot ang mga anak mo kung makikita ka nilang ganiyan ka.”
“Masaya na ang kambal ngayon sa langit, kaya kahit masakit at mahirap, dapat mong kayanin at tanggapin, at maging masaya ka para sa kanila.”
Mas lumakas ang aking hagulgol. Hindi ko na yata kayang maging masaya pa sa mga darating na araw pa ng aking buhay. Wala na ang mga tao na dahilan para lumaban pa ako sa buhay.
At kahit anong pagpapalubag loob ang sabihin ni nay Hermana sa akin. Hindi gagaan at mababawasan ang bigat na dala dala ng dibdib ko. Hindi kailan man dahil hindi na maibabalik pa ang buhay ng kambal ko.
Pinahid ko ang aking mga luha at tumitig sa lapida ng kambal.
KASALANAN MO ANG LAHAT, CALYX. ISINUSUMPA KO. IGAGANTI KO ANG PAGKAMATAY NG KAMBAL. PINAPANGAKO KO. SA ORAS NA MAG-KRUS MULI ANG LANDAS NATING DALAWA. IPAPARAMDAM KO SA ‘YO ANG SAKIT NA BINIGAY MO SA AKIN. ISINUSUMPA KO ‘YAN, CALYX.
Kailan man ay hindi mo malalam na nagkaanak ka sa akin. Hindi mo sila deserve na makilalang mga anak mo. Hindi ka nila deserve na makilala bilang ama nila. Habang buhay mong hindi malalaman na nagkaanak tayo. Calyx. Hindi.
Dinala ako ni nay Hermana at tay Virgilio sa farm and resort na pag-aari ng mga ito dito sa bagac bataan. Ang business nilang mag-asawa katuwang ang anak na lalaki.
“Ma,” bati ng isang lalaki kay nay Hermana at humalik ito sa pisngi saka yumakap. “Kamusta po ang byahe n’yo?”
“Okay naman, anak.” sagot naman ni nay Hermana sa kausap.
“Siya nga pala si Anna, yung kinu-kwento ko sa ‘yo.” pakilala ni nay Hermana sa akin sa anak nito.
Siya pala ang anak ng mga ito.
“Hi, Anna, nice to meet you.” ngiti na sabi nito sa akin at nilahad ang kamay para makipag shakehand.
“Hi,” tipid at nahihiya na sagot ko naman rito.
“Mom’s right, maganda ka nga.” sabi nito sa akin habang magka-daupang palad ang aming mga kamay.
“I’m Hermes,” pakilala nito sa kanyang pangalan sa akin.
“Anna,” muli ay tipid na sagot ko.
“Sa lahat naman ng inuwi ni Mommy dito sa farm, ikaw ang pinaka nagustuhan ko, ang ganda mo kasi!”
“Hermes!” napalakas na sita ni nay Hermana sa kanyang anak.
“Naku, iha, pagpasensyahan mo na ang batang ‘yan, makulit lang talaga ‘yan, pero mabait na bata ‘yang anak ko.” ngiti na sabi ni nay Hermana sa akin.
Kinurot nito sa tagiliran si Hermes.
“Aw, Mom!” sabi naman ni Hermes sa ginawa ng ina.
“At ikaw, ano na namana ng pianggagawa mo dito sa negosyo natin habang wala kami ng Daddy mo?” tanong ni nay Hermana sa anak. “Siguro wala ka na naman ibang ginawa kung ‘di ang landiin ang mga staff ko!”
“Ma! Nakakahiya kay Anna, baka isipin totoo ‘yang sinabi mo.” napakamot sa ulo na sabi ni Hermes sa ina.
“Puntahan ko lang muna s’ya,” sabi naman ni tay Virgilio kaya naman napatingin sa kanya ang mag-ina.
“Sandali, Virgilio, sasama na ako sa ‘yo.” sabi ni nay Hermana sa asawa.
“Hermes, anak, ikaw na muna ang bahala kay Anna, okay. Sasaglit lang kami ng tatay mo sa itaas.” paalam na sabi ni nay hermana sa anak nito.
“Huwag kang mag-alala, Anna, mabait ang anak kong ‘yan.” sabi ni nay Hermana sa akin.
“Sige po, Nay Hermana,” sagot ko naman rito. Ewan ko ba pero may kung ano akong naramdaman na kakaiba sa makahulugang palitan ng pagtitinginan ni tay Virgilio at Nay Hermana ng aksidente na mahuli ko ang dalawa.
“Hermes, anak, hindi pwedeng mapagod si Anna. kaya ihatid mo na lang siya sa silid niya, okay.” sabi pa ni nay Hermana sa anak nito bago tuluyan na umalis sila ni tay Virgilio.