Chapter 8

2701 Words
ANNA ONE YEAR has passed quickly… At sobrang bilis lang ng paglipas ng mga araw… Sa loob ng isang taon na pamamalagi ko dito sa puder ni tay Virgilio at Nay Hermana ay hindi ko naramdaman na iba ako sa kanila. Itinuring nila akong parang tunay nilang kapamilya, anak… Kaya naman naging malapit rin ang loob ko sa kanila. Sa katauhan ni nay Hermana at tay Virgilio, naranasan ko ulit magkaroon ng magulang. Kaya sobra sobra ang pasasalamat ko sa kabutihan loob nila sa akin. Sinabi ko sa kanila na gusto kong magtrabaho sa resort para naman kumita ako dahil nahihiya ako sa kanila. Pero hindi ako pinayagan ni nay Hermana. Itinuring niya akong kapalit ng namayapang anak na si Hope, ganun din si tay Virgilio, palagi nila akong ini-spoiled sa mga gusto ko. Nahihiya man ako sa kanila, sila naman ang may gusto na i-spoil ako kaya naman hinayaan ko na lang silang dalawa. “Mmm! Hermes, anak, tikman mo ‘tong niluto ni Anna, ang sarap!” ngiti na papuri ni nay Hermana nang matikman nito ang niluto kong homemade cheeseburger pizza kay Hermes. Sunday evening kasi ngayon. At tuwing araw ng sunday ay pinagluluto ko ang mga ito tulad ng madalas na ginagawa ni Hope sa mga magulang niya noong nabubuhay pa ito. Nandito kami ngayon sa lanai ng malaking mansyon nila, sa lumipas na isang taon, doon lang ako namalagi sa resort, pumupunta lang ako dito sa mansyon tuwing sunday evening dahil nag sasama-sama kaming kumain as our family day bonding. Never pa akong naka-akyat dito sa loob ng mansyon at iyon ay dahil hindi rin naman ako niyaya nila tay Virgilio at nay Hermana na pumasok sa loob ng mansyon ni minsan kaya naman hindi ko rin naisip na subukin pumasok dito sa mansyon. Binitawan ni Hermes ang hawak na bote ng beer sa ibabaw ng customize table na yari sa rattan saka ito lumapit sa amin ni nay Hermana. “Hmm! Ang sarap nga!” ngiting sabi ni Hermes matapos lunukin ang sinubong cheeseburger pizza. Inagaw nito ang hawak kong tinidor at muling tumusok saka inilagay sa loob ng bibig. “Grabe, ang sarap talaga!” palatak nitong papuri. “Oh, ‘di ba? Sabi ko sa ‘yo, ang sarap mong magluto, Anna!” sabi ni nay Hermana. “Sagutin mo na kasi ‘tong si Hermes, Anna, para naman tuluyan ka nang maging parte ng aming pamilya.” muling pagsasalita ni nay Hermana na siyang ikinaubo ko. “Mommy, ano ba kayo? H’wag n’yo ngang pilitin si Anna sa bagay na ‘yan. Darating din naman po kami sa part na ‘yan, basta ‘wag mo lang madaliin.” sagot ni Hermes sa ina at kinindatan ako. “Right, Anna?” Isang simpleng ngiti lang ang tinugon ko kay Hermes. Napasinghap naman ako ng lumapit siya sa akin. As in sobrang lapit na siyang ikinailang ko, si nay Hermana naman ay nagmistulang isang teenager na kinikilig sa amin ni Hermes. Sa the moves ng anak nito. Pumunta sa likuran ko si Hermes at hinawi ang aking mahabang buhok na kumalat sa aking pisngi. Umabot siya ng tissue at dinampi dampi iyon sa aking pawisang mukha na para bang nobyo ko ito kung umakto sa akin. Lumunok ako dala ng aking pagkailang sa kanya. “You’re blushing, Anna, that makes you even beautiful in my eyes.” malambing na bulong ni Hermes sa tapat ng aking tenga. He was drunk. Naamoy ko ang amoy alak na hininga nito. Napa sulyap ako sa table. Ilang bote ng beer na rin ang naubos ni Hermes at sa dami ng bote na naubos niya, hindi malayong tatamaan na talaga ito ng espiritu ng alak. Napakislot ako nang maramdaman kong inamoy ni Hermes ang aking leeg matapos hawiin ang buhok ko. “Hermes,” sambit sa pangalan nito at agad kong nilayo ang aking sarili sa kanya. Sa isang taon na kasama ko si Hermes. Ngayon lang ito naging mapangahas na umakto ng ganito sa akin. “Why don’t you like me, Anna? Don't you find me attractive? Am I not fit to your standards? Wala ba sa personality ko ang tipo mo sa isang lalaki?Tell me, Anna?” walang gatal na tanong ni Hermes sa akin na para bang kaming dalawa lang ang narito ngayon at hindi namin kasama ng ina nito. Hindi ako naka-sagot kay Hermes. Ang tanging nagawa ko lang ay ang paglunok ng malalim dahil sa tanong nito. Hindi ko mahapuhap sa aking sarili kung paano ko sasagutin ang tanong niya. “Hermes!” matigas at mapanganib na tawag naman ni tay Virgilio sa anak nang abutan nito na nasa likuran ko. “Respect, Anna, hindi siya katulad ng ibang babae mo!” paalala na sabi ni tay Virgilio kay Hermes. “Ngumisi naman si Hermes at umalis sa likuran ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng mawala si Hermes sa likuran ko. “Virgilio, ikaw naman, wala naman ginawa si Hermes kay Anna. Your Son is just asking her kung bakit until now ay hindi siya matipuhan ni Anna. Iyon lang ‘yon Virgilio.” sabi ni nay Hermana upang lumambot ang matigas na ekspresyon ng awra ng mukha ni tay Virgilio sa inasal ng anak. Tangin matalim na titig lang ang sinukli ni tay Virgilio kay nay Hermana. Umiling si tay Virgilio. Ang ngiti sa labi ni nay Hermana ay mabilis na napalis. “Hay, naku. Kumain na nga lang tayo, bigla akong nagutom.” pag-iiba ni nay Hermana sa naging takbo ng usapan nilang mag-asawa dahil kay Hermes. “Mom, Dad, don’t worry. Magbe-behave na ako tulad ng plano natin—” “Hermes!” Bahagya akong napakislot sa gulat ng sabay na tawagin ni nay Hermana at tay Vigilio si Hermes. “Lasing ka na, Hermes!” buo ang tinig na sabi ni tay Virgilio sa anak. “Ops! Sorry po, Mom, Dad,” sabi ni Hermes sa mga ito. “Humingi ka ng sorry kay Anna,” firm pa rin sa pagsasalita na utos ni tay Virgilio sa anak. Napa-kamot ng ulo si Hermes na hinarap ako. “Sorry, Anna, I didn’t mean to disrespect you. But what I’ve said earlier, was real… I like you, Anna.” pagtatapat ni Hermes sa akin sa harap ng ama’t ina nito na gusto niya ako. “Sorry, iha, ako na ang humihingi ng paumanhin sa inasal ng anak ko. He was drunk, hindi niya alam ang ginagawa n’ya.” sabi naman sa akin ni tay Virgilio. “Wala po ‘yon, Tay, ‘wag n’yo po akong isipin.” ngiti na sagot ko naman kay tay Virgilio. Ayokong makaramdam ng pagkailang kay Hermes. Pero dahil sa kapangahasan nito kaninna ay may lamat na ngayon sa samahan naming dalawa. Pinangako ko sa aking sarili na hinding hindi na ako muli pang magmamahal. Hindi na ako magtitiwala pang muli sa isang lalaki. Dahil sa pag-ibig ko kay Calyx. Nagulo ang buhay ko, worse… nawala ang mga tao na mahalaga sa akin. At kung totoo man ang pagtatapat na iyon ni Hermes sa akin. Mabait, gwapo, at may pinag-aralan si Hermes, pero hindi ko siya type at tanging kapatid lang ang tingin ko sa kanya. Sa ngayon, ang tanging laman ng isip ko ay makapaghiganti ako sa lalaki na sumira ng buhay ko. One year na ang lumipas. Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na kaya ko ng harapin si Calyx. Ang lalaki na sumugat ng puso ko. pagkatapos naming kumain ng hapunan ay gumawa si nay Hermana ng tea. Niyaya niya akong pumasok sa loob ng mansyon. Tulad ng iniisip ko. Sobrang ganda ng mansyon. Naupo kami sa sofa sa living room, napaka elegante at mamahalin ng mga muwebles na mayroon dito sa mansyon. After we had the tea. Tumayo na ako para magpaalam kay nay Hermana dahil medyo inaantok na rin ako. Pasado alas-diyes na rin ng gabi. Si tay Virgilio ay sinamahan si Hermes pabalik sa silid nito sa resort. “Sandali, Anna.” narinig kong nag-aalinlangan na pigil na tawag sa akin ni nay Hermana. “Bakit po Nay?” sagot ko naman kay nay Hermana. “I have to tell you something,” seryoso ang mukha na sabi nito. Napalunok naman ako sa aking narinig. Sa loob ng isang taon na lumipas. Ngayon ko lang nakita ang aura at ekspresyon ng mukha ni nay Hermana habang nagsasalita ito. The way she talked. It seems that she was hesitant to confess something to me, na siyang maaaring maging mitsa upang masira ang maganda naming samahan. “A-ano po ‘yon, Nay?” sagot ko naman, ngumiti ako sa harap ni nay Hermana at kumilos ng normal upang maitago aking kakaibang nararamdaman. Tumayo si nay Hermana sa sofa, “Inaantok ka na ba, ha, Anna?” nakangiti na tanong nito sa akin habang ang mga mata ay may malalim na iniisip. “Hindi pa naman po Nay, bakit po?” sagot ko. “M-may gusto sana ako sa ‘yong sabihin, Anna.” Unti-unti na bumilis at bumigat ang pagtibok ng puso ko. Ngayon, sigurado na ako sa aking instinct na may mahalagang sasabihin sa akin si nay Hermana. “Gusto ko sana sa ‘yong ipakita ang kwarto ng anak kong si Hope,” sambi ni nay Hermana. “Kung okay lang sa ‘yo?” “Naku, oo naman po, Nay.” magaan ang tinig na sabi ko. Isang taon na rin akong narito sa kanila. Pero sa loob ng lumipas na mga araw, never ko pang nakita ni picture man lang ni Hope. Kaya na-curious na rin ako. “Halika, ipapakita ko sa ‘yo ang loob ng silid ni Hope.” nakangiti na lumakad si nay Hermana. Ako naman ay tahimik lang na sumunod sa kanya papunta sa silid ni Hope. “Ito ang silid ni Hope,” sabi ni nay Hermana ng tumapat kami sa pinto. Nangunot ang noo ko ng kapain ni nay Hermana ang bulsa ng suot nitong mamahaling daster at kinuha ang susi saka sinusian ang pinto. “Simula kasi ng namatay ang anak ko, ni-locked na namin itong silid niya, ako at ang tay Virgilio mo lang ang pumapasok dito.” sabi ni nay Hermana. Muli nito na ibinulsa ang susi at marahan tinulak ang pabukas ang pinto. Pagpasok ko sa loob ng silid ni Hope. Bumungad sa aking mga mata ang nakangiti na malaking portrait nito sa wall. Napaka-ganda ni Hope. Young version siya ng mix na mukha ni tay Virgilio at nay Hermana. “Ang ganda ng anak ko, ‘di ba, Anna?” malungkot ang tinig na sabi ni nay Hermana habang namamasa ang mga mata ng luha at nakatuon sa portrait ni Hope sa wall. “Opo, Nay, tama po kayo, ang ganda ganda po ni Hope.” sagot ko naman. Hindi ko mapigilan ang aking sarili namamangha sa ganda ni Hope. Kutis pa lang at sa aura ng mukha nito ay mabaanaag na mula sa mayamang pamilya. “Sayang nga lang at maagang kinuha sa amin ang anak,” lumapit si nay Hermana sa bed ng anak at naupo ito. Hinaplos ang unan at niyakap ng mahigpit. “Sobrang miss na miss na kita, Hope, anak ko…” mapait na usal ni nay Hermana kasabay ng pagtulo ng luha. Mapait na ngumiti si nay Hermana at pumikit ito. Sa tingin ko ay sinasariwa ni nay Hermana ang mga masayang sandali na kapiling si Hope. “Pero ganun talaga ang buhay, kailangan namin mag-move on sa pagkawala niya, alam ko, ngayon, masaya na siya sa langit.” sabi ni nay Hermana at humarap sa akin. “Hindi ba, Anna?” Mabilis akong tumango. Tulad ng kambal ko. Masaya na rin sila sa langit ngayon. “Opo, Nay.” marahang sagot ko. Binalik ni nay Hermana ang yakap na unan kung saan ito nakapatong sa ibabaw ng kama. Inabot ni nay Hermana ang isang malaking photo album sa ibabaw ng side table malapit sa bed. Dalawang magkapatong na photo album ang naroon sa ibabaw ng table. Pero ang nasa unahan na kulay light pink ang hinawakan ni nay Hermana. Ako naman ay nanatili lang nakatayo sa pwesto ko kung saan ako naroon simula ng pumasok ako dito sa silid ni Hope. “Halika, Anna,” sabi ni nay Hermana kasabay ng pag buklat pa’bukas ng photo album na hawak. Agad naman akong lumapit kay nay Hermana at umupo sa tabi nito sa bed. “Siya ang anak ko, si Hope.” pakilala ni nay Hermana sa akin sa anak at pinakita sa akin ang mga larawan nito sa unang pahina ng photo album. Patuloy na binuklat ni nay Hermana ang pahina ng photo album upang ipakita sa akin ang bawat larawan ni Hope na naka-store roon. Hanggang sa… Hindi inaasahan ay biglang natuon ang mga mata ko sa larawan ng isang lalaki na pamilyar sa akin. Lihim na bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hinawakan ni nay Hermana ang nakaipit na picture ng isang lalaki sa photo album ng anak nito. Wala akong ibang makita sa mga mata ni nay Hermana habang nakatitig sa larawan na hawak nito. Galit, pagkamuhi, kalungkutan at pangungulila ang nasa mga mata ni nay Hermana. Gumalaw ang kulubot na panga ni nay Hermana. His teeth were gritting as he continued looking at the picture he was holding. “Kung hindi dahil sa kanya, buhay pa sana ang anak ko…” bumalatay ang pagkamuhi sa mukha ni nay Hermana ng sabihin niya ang mga kataga na iyon sa lalaking nasa larawan at kulang na lang ay lamukusin niya iyon. Sunod sunod naman akong lumunok. Ang nasa larawan na hawak ni nay Hermana ay walang iba kung ‘di ang hayop at manlolokong si Calyx! “Siya ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang anak ko.” mapait na sabi ni nay Hermana. Ramdam ko na sariwa pa ang sakit sa puso ni nay Hermana ang pagkamatay ni Hope. Bilang ina, tulad ko, nauunawaan ko ang sakit na meron si nay Hermana. Kahit matagal na, at kahit lumipas pa ang maraming taon, never na mawawala sa puso at isipan ko ang kambal ko. At kahit kailan, hindi na mabubura ang sakit sa puso’t isipan ko. Nanigas ang aking buong katawan sa narinig kong sinabi ni nay Hermana. Hindi ako makapagsalita. Napatakip ako ng bibig sa rebelasyon nadiskubre ko. Konektado si Calyx sa mabait at may mabuting puso na pamilyang tumulong sa akin nung mga panahon na down na down ako. “Pinatay niya ang anak ko…” angil na sabi ni Hermana. Lumingon siya sa akin. “Siya ang pumatay sa anak ko, Anna, siya…” sabi ni nay Hermana sa akin. Agad nito na pinahid ang luhang nalaglag sa mga mata. “Hindi ako titigil hanggang hindi ko siya na ipaghihiganti sa tao na pumatay sa kanya.” mariing sabi nito. “Alam namin, hindi nagpakamatay si Hope, hindi niya sinadyang ibunggo ang kotse niya sa truck dahil hindi ‘yon gagawin ng anak ko, Anna. Hindi…” napahagulgol ng iyak si nay Hermana. Agad ko naman siyang niyakap. Wala ni isang salita ang namutawi sa aking labi. Hindi ako makapaniwala na si Calyx ang dahilan kung bakit namatay si Hope. “Limang taon na ang lumipas, masakit pa rin sa akin sa tuwing naaalala kong wala na si Hope, wala na ang anak ko. Sobrang bait ni Hope. Hindi niya deserve ang nangyari sa kanya… Hindi…” panay ang iyak na sabi ni nay Hermana habang yakap ko ito. “Walang kasalanan sa kanya ang anak, minahal lang siya ni Hope, kahit ayaw namin ng Daddy niya sa lalaking ‘yon, sinuway niya kami, patuloy pa rin niyang minahal ang Calyx Guevara na ‘yon. Tapos… Sa huli, wala, buhay lang niya ang magiging kapalit ng lahat. Buhay ng anak ko. Hindi ko mapapatawad ang Calyx Guevara na ‘yon. Hindi! Isinusumpa ko. Hindi ako titigil hanggang sa makapag higanti ako sa kanya.” naninibugho na sabi ni nay Hermana. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan niya ang aking mga palad. “Please, Anna, tulungan mo ako. Tulangan mo ‘kong makapaghiganti sa walang puso na lalaking ‘yon!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD