Agad na naligo si Enna upang linisin ang kanyang katawan pagkatapos ay nagmamadaling nag-asikaso. Nagluto na muna siya ng magiging almusal ng mga bata at pagkatapos ay umalis na. Kung dati ay may kinakausap pa siya para matulog sa kanila upang may kasama ang mga bata habang wala siya ng madaling araw, ngayon naman ay hindi niya na kailangang gawin ang bagay na iyon dahil kasama naman ng mga bata si Jeth na sa tingin naman niya ay mahimbing pang natutulog dahil sa nakainom ito noong nakalipas na gabi.
Iiling-iling at halos masampal niya ang kanyang sarili dahil hindi pa rin mawaglit sa kanyang isipan ang kanyang naging panaginip. Hindi naman kasi siya nananaginip ng ganoon dahil sa sobrang pagod at daming dapat isipin pero nang dahil sa naging engkwentro nila ni Jeth sa sala ay parang naging mitsa pa ito upang maglikot ang kanyang imahinasyon at gumawa ng isang bagay na kahindik-hindik samantalang ang kanyang walang hiyang katawan naman ay agad na nag-response.
Pagkatapos makapamili ng kanyang isdang ibebenta ay dinala niya na iyon kaagad sa palengke. Hindi na siya babalik ng bahay at balak niyang diretso ng magtinda dahil sa araw ng linggo at mas maraming mamimili. May naiwan naman na siyang pagkain sa mga bata at tatawagan niya na lamang si Aling Mameng para puntahan ang mga ito pagkagising nila.
Sa kanyang pananatili sa loob ng palengke ay parang sandali niyang nakalimutan ang lahat ng nangyari sa kanila ni Jeth. Sa dami ba naman ng tao ay halos maubos ang kanyang paninda. Magtatanghalian na nang makarating ako sa bahay.
Naabutan niya itong kasama ang mga batang nanonood sa sala.
Agad siyang sinalubong ng kanyang mga anak nang makita siya ng mga ito. Nagtama ang kanilang tingin ni Jeth. Pagkailang at kaba kaagad ang kanyang naramdaman lalo na nang maglakad ang lalaki palapit sa kanya at kinuha ang hawak nitong timbangan at maliit na timba.
“Tara, kumain na tayo. Nakapagluto na ako at napakain ko na rin ang mga bata,” yaya nito sa dalaga.
“Ah, sige. Salamat sa pag-aasikaso sa mga anak ko. Bakit hindi ka na lang din sumabay sa kanila? Nakakahiya naman na ipinagluto at inasikaso mo na nga sila ay hinintay mo pa ako para kumain,” naiilang na sabi ni Enna na halos hindi makatingin kay Jeth.
“Ayos lang sa akin. Kung gusto mo ay magpahinga ka muna at maglinis ng katawan mo. Sabihin mo lang kapag nagugutom ka na para makapaghain na ako,” sabi pa ng binata.
“Hindi na. Maghain ka na at maglilinis na ako ng katawan ko,” nahihiyang sabi pa ni Enna saka pumasok sa kwarto nila ng mga bata. Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib habang kausap nito si Jeth, ewan niya ba kung bakit parang biglang nag-malfunction ang kanyang puso dahil sa naging halik nito sa kanya kagabi. Hinawakan niya pa ang tapat ng kanyang dibdib at saka iyon minasahe na para bang makakatulong iyon upang kumalma ang kanyang nararamdaman. Naiiling na lamang siya at huminga ng malalim saka kumuha ng damit pamalit at tuwalya bago walang lingon- lingon na naglakad patungo sa banyo.
Kinuskos at naghilod ng maigi pa si Enna ng maigi upang malinisan ng maigi ang kanyang katawan at matanggal ang lansa ng isda na kumapit sa kanya. Bahagya siyang nakaramdam ng pagka-conscious sa katawan dahil sa amoy ni Jeth nang magkadikit ang kanilang katawan kagabi. Mabango pa rin kasi ito sa kabila ng buong araw na pagtatrabaho sa pagawaan ng paso at nabahiran ng amoy ng alak. Akala niya ay natural lang dito ang may ganoong pangangatawan, makinis na mukha, maputing kutis, hulmado ang braso at mabangong katawan dahil isa siyang silahis pero nagkamali siya ng sapantaha dahil ang silahis na kanyang inaakala ay isa palang tunay na lalaki.
Unang kita pa nga lang niya ito noon ay humanga na ito sa binata subalit tinikis niya na lamang iyon dahil bukod sa hindi niya kilala ang lalaki ay akala niya rin ay silahis ito dahil sa suot nitong kulay rosas na t-shirt na bihira niya lamang makita na sinusuot ng tunay na lalaki. Naikumpara niya rin si Jeth sa kaibigan niyang si Janus na isa ring silahis ngunit hindi mahahalata dahil nga lalaking lalaki pa rin ito manamit at kumilos.
Paglabas niya ng banyo ay nakahain na ng lamesa si Jeth. May nakatayo pang isang bote ng softdrinks na mukhang binili pa nito sa tindahan ni Aling Tekla.
“Tara na, kumain na tayo,” yaya ni Jeth sa kanya.
“S-Sige,” nahihiyang ngumiti siya at umupo na sa lamesa. Ibinigay pa nito sa kanya ang pinggan ng kanin na halos ito na ang sumandok para sa kanya, maging ang ulam ay ganoon din pero hindi niya ito magawang pigilan dahil nahihiya siyang kausapin ito. Bigla tuloy pumasok sa isip niya ang kanyang naging panaginip na ikinapula ng kanyang mukha at marahas na napailing.
“May problema ba, Enna?” takang tanong ni Jeth.
“Ha? Ah eh, wala, wala. Ano lang, naalala ko lang na may hindi pala ako naisulat na pangalan ng umutang sa akin ng isda kanina,” palusot ni Enna.
“Ganun ba? Teka, baka naiinitan ka. Namumula ang mukha mo, kukunin ko sandali ang electric fan,” sabi nito saka tumayo upang kunin ang stand fan na nasa sala.
“Jeth, ano. Ayos lang,” habol niya rito pero mabilis ang naging kilos ng binata at kinuha ang fan sa sala.
“Ma! Pupunta po muna kami ni Jana kay Nanay Mameng,” paalam ni Bugoy na nasa pintuan na.
“Ha? Baka naman tulog si Aling Mameng,” sabi ni Enna sa kanyang anak upang pigilan itong umalis ng bahay. Sa totoo lang kasi ay ayaaw niyang maiwan silang dalawa ni Jeth sa loob ng bahay na silang mag-isa lamang.
“Nandoon na po si Jana. Doon na raw po patutulugin si Jana kasi magpapabunot ng puting uban sa akin si Nanay,” sagot nito.
“Sige, kayo ang bahala pero sisilipin ko kayo diyan pagkatapos kong kumain ha,” sabi pa ni Enna sa kanyang anak na si Bugoy. Nang umalis ang bata ay nakakailang na katahimikan ang namayani sa paligid.
Panakaw- nakaw ng tingin sa kanya si Jeth habang ito ay sumusubo sa pagkain habang si Enna naman ay naiilang at halos hindi malunok ang pagkain na kanyang isinusubo dahil ramdam niya ang bawat tingin na ipinupukol sa kanya ni Jeth. Maayos naman na ang kanyang suot, nakadamit naman na siya ng disente, hindi katulad ng kagabi pero tila nag-iba para sa kanya ang simpleng pagtitig sa kanya ng binata. Tahimik lamang sila hanggang sa matapos silang kumain. Siya na rin ang nagkusang maghugas ng plato.
“Magpahinga ka na roon sa sala, ako na ang maghuhugas,” sabi ni Jeth habang inililigpit ang mga plato sa lamesa na kanilang pinagkainan.
“Hindi, ako na. Ikaw na ang nagluto ng pananghalian kaya ako naman ang maghuhugas. Hindi ka ba pupunta sa pagawaan ng paso ngayon?” pag-iiba niya ng tanong habang kinukuha ang mga plato at idinala sa kalapit na lababo.
“Linggo ngayon, Enna. Wala kaming trabaho ngayon,” paalala nito.
“Ay, oo nga pala. Pasensya na, nakalimutan ko siguro dahil sa puyat,” napangiti siya ng ilang at saka naghugas. Muling dumaan ang anghel sa kanilang pagitan dahil kahit isa sa kanila ay wala man lang kusang magsalita. Tapos ng linisan ni Jeth ang lamesa subalit nakatayo lamang ito sa tabi na para bang may gusto itong sabihin sa kanya ngunit hindi nito masabi.
Sa kabilang banda, lasing man si Jeth ay alam niya pa rin naman ang kanyang ginagawa noong nagdaang gabi. Ang dahilan ng kanyang pagpapakalasing ay hindi niya matanggap na silahis ang tingin sa kanya ni Enna. Sa tanang buhay niya ay ni minsan ay hindi siya nakatanggap ng ganoong komento. Ayos lang sana sa kanya pero ang hindi niya talaga matanggap ay si Enna pa mismo ang nagsabi noon. Aaminin niya naman na attracted siya sa single mom na si Enna. Hindi pa siya nakaramdam ng katulad ng kanyang nararamdaman sa nanay ni Bugoy. Hindi lamang iyon simpleng atraksyon pero mayroon pang mas malalim na hindi niya maunawaan. Ito ang dahilan kung bakit sa kabila ng dalas ng pagpipilit sa kanya ni Rayleigh na bumalik sa siyudad ay hindi niya magawa. Natatakot siya na baka bigla na lamang mawala ang samahan na kanyang pinaghirapan upang mapalapit kay Enna.
Gusto niya sanang komprontahin ito pagdating sa bahay, kausapin at ipagtapat na mali ang kanyang iniisip subalit hindi niya inaasahan na sa kanilang pag-uusap ay hahantong sa ganoong tagpo. He was simply attracted. Sino ba namang lalaki ang hindi mag-iinit kung ganoon ang sasalubong sa iyo pagpasok mo ng bahay. Nagsisisi siya dahil hindi siya nakapagpigil at nahalikan niya si Enna na siya sigurong naging dahilan kung bakit ganoon na lamang ang ekspresyon nito nang dumating galing sa palengke. Idagdag pa na ipinaramdam niya sa dalagang ina ang kanyang naghuhumindik na alaga. Pero kahit ganoon, may kung ano sa kanya na tila nasasabik na muling maangkin ang labi ng dalagang ina. Hindi lamang ang kanyang labi maging ang isang bagay na matagal nitong ibinibigay sa iba; ang kanyang katawan maging ang pagmamahal.
Hanggang sa matapos sila kumain ay ramdam ni Jeth na naiilang si Enna sa kanya hindi kagaya dati pero gusto niya itong makausap. Gusto niyang humingi ng sorry dahil pakiramdam niya ay masyado siyang nagpadala sa kanyang damdamin kagabi.
Pagkatapos maghugas ng plato nito ay diretso na itong pumasok sa kwarto nito. Isinarado ang pinto at hindi siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita. Ngunit nang lumabas itong muli ay agad niya ng hinawakan ang kamay nito.
“Enna, pwede ba tayong mag-usap?” lakas loob na tanong ni Jeth.
“Ha? Tungkol saan?”
“Tungkol sa akin. Tungkol sa nangyari sa atin kagabi.”
Natigilan si Enna sa sinabi ni Jeth. Muling bumalik sa kanyang alaala ang mapusok na namagitan sa kanila noong nagdaang gabi.
Huminga ng malalim si Jeth saka nagsalita.
“Hindi ako bakla, at mas lalong hindi ako silahis. Nagkamali ka lang ng iniisip dahil lalaki ako,” pauna nito.
“Ganoon ba? Kasalanan ko naman kasi nag-judge ako kaagad at binase ko na kaagad sa pananamit mo. Akala ko tuloy ay ganoon ka, hayaan mo na. Sige, pupuntahan ko na muna ang mga bata,” sagot ni Enna na nagmamadali pero hindi siya kaagad binitawan ni Jeth.
“May isang bagay pa akong gustong sabihin sa iyo,” habol ni Jeth.
“Ha? Na ano?”
Malamlam ang mata na tumitig ito sa dalaga at saka buong pusong nagtapat.
“Gusto kita, Enna.” Natigilan si Enna sa sinabi ng binata.
“Jeth, baka nabibigla ka lang. Binata ka habang ako ay may dalawa ng anak, hindi pwede ang sinasabi mo,” sagot ni Enna. Sa halip na sumagot ay kinabig ni Jeth si Enna saka ito siniilan ng halik. Halik na hanggang sa panaginip ay kanyang pinanabikan.
Hindi nakakilos si Enna, hindi niya rin ito itinulak at nagpumiglas. Sa halip, ang kanyang katawan ay kusang sumabay sa galaw ni Jeth at tumugon sa kanyang paghalik.
Parang bumagal sa pag-ikot ang kanilang paligid habang magkahugpong ang kanilang mga labi at mahigpit ang pagkakayakap sa isa’t isa. Naramdaman na lamang ni Enna na ang kanyang likod ay dumikit na sa malamig na upuan na gawa sa kahoy sa kanilang sala dahil abala pa rin siya sa pagganti ng halik kay Jeth. Ramdam niya ang muling pagningas ng kakaibang init sa kanyang katawan, init na kanyang naramdaman sa kanyang panaginip habang minamasahe ni Jeth ang kanyang binti. Umakyat pa iyon sa kanyang dibdib at hindi niya na namalayan na pumasok na sa kanyang suot na pang-itaas at sinakop ng kanyang mainit na palad ang kanyang dibdib.
Para kay Enna, ang lahat ng kanyang panaginip ay nagkatotoo. Unti-unting nagiging makatotohanan ang lahat nang maramdaman ang hinlalaki ni Jeth na pinaglalaruan ang tuktok ng kanyang dibdib hanggang sa iyon ay manigas. Hibang at wala na siya sa kanyang sarili, pakiramdam niya ay lalagnatin na siya sa ginagawa ni Jeth sa kanya lalo na ng gumapang ang kanyang labi patungo sa kanyang dibdib at sakupin iyon ng kanyang labi habang ang kanyang kamay naman ay agad na nakarating sa kanyang gitnang bahagi. Napaliyad siya habang napapasinghap habang walang tigil si Jeth sa paghimas sa kanyang itinatago. Pakiramdam niya, anumang sandali ay mararating niya na ang ikapitong langit sa pamamagitan ng pagroromansa ni Jeth sa kanya ng biglang…
“Ma’am Enna, shopee po! May parcel po kayo!” sigaw ng isang delivery rider sa labas ng bahay.