ENNA’S POV
Ikaapat na araw na na hindi ako kinakausap ni Jeth at nakakaramdam na ako ng pagkainis. Siya pa ang may ganang hindi ako pansinin gayong sa bahay ko siya pansamantalang nakikitira. Ay mali pala, bahay nga pala ito ni Janus at pareho lamang kaming nakikitira.
Araw ng Sabado, alas-nuebe na ng gabi.
Hindi ako mapakali habang naghihintay sa kanya. Tulog na ang mga bata dahil sa paglalaro kanina. Wala naman kasing pasok kaya hinayaan ko silang maglaro. Mas mainam na rin iyon kaysa manood ng tv at mag-cellphone ang mga ito.
“Antagal naman niyang umuwi. Inaantok na ko eh,” inis kong sabi sa aking sarili. Inaantok na ako at kailangan ko na rin matulog dahil maaga pa ako bukas upang kumuha ng isda sa bagsakan upang aking maibenta sa merkado pero hindi ko naman maiwasang mag-alala para sa kanya. Bago lang siya rito at baka bigla na lang siya kursunadahin sa kalsada lalo pa at maraming umiinom ngayon dahil araw ng sahod.
"Makaligo na nga muna bago ko siya silipin." Kumuha lamang ako ng towel at saka pumasok sa banyo. Mabilis lang ang aking ginawang pagligo upang agad kong mapuntahan si Jeth ngunit paglabas ko pa lang ng banyo ay nasa sala na si Jeth. Malamlam ang mata habang nakaupo ito. Halata mo rin na lasing ito dahil sa pamumula ng kanyang mukha, idagdag pa ang matapang na amoy ng alak na ininom nito na amoy na amoy.
"Uminom ka?" tanong ko rito habang pinupunasan ang aking buhok ng isa pang tuwalya.
"Obviously."
Wow, English.
" Dapat hindi ka umuuwi ng sobrang gabi na. Hindi mo pa masyadong kilala mga taga-rito. Huwag ka masyado magpakampante sa kanila, baka bigla kang mapag-tripan diyan sa labas lalo pa at marami ring nag-iinuman. Sina Mang Tasyo, malakas mangkursunada ang mga iyon lalo na sa mga hindi taga-rito," sermon ko pa rito habang ito ay nakatitig lang sa akin.
"Enna," tawag nito sa aking pangalan.
"Bakit? Nasusuka ka? Gusto mo ba ng kape?" tanong ko.
"Why are you wearing something like that? Hindi ka ba natatakot na baka may gawin ako sa iyo? Lalaki pa rin ako," balik tanong nito sa akin.
Naks naman. Ganito ba talaga ito? Kapag nakakainom, napapa-english?
"Eh ano naman kung nakatapis lang ako? Eh, Ikaw lang naman iyan at saka alam ko naman na hindi ka magkakagusto sa babae lalong lalo na sa akin, haha," kompiyansang sagot ko rito.
Hindi ko man masabi sa kanya ang tungkol sa pagkatao niya ay alam niya na ang ibig kong sabihin. Bakla siya o mas magandang sabihin na silahis siya dahil kahit na may puso siyang babae ay napakatikas naman nitong manamit dahilan upang marami siyang malokong mga kadalagahan dito sa bayan ng Dela Paz.
“So, do you think I won't be attracted to you?” tanong nitong muli na hindi man lang kumurap. Inisang hakbang lang nito ang mahigit isang metrong layo namin sa isa’t isa.
“Oo naman. Ang kulit mo pala kapag lasing. Bukod sa ang hilig mong mag-english ay paulit -ulit ka rin —Jeth!!” sigaw ko nang bigla na lamang niya akong hinila pahiga sa upuang mahaba na kanina’y kinauupuan nito at agad itong pumatong sa aking ibabaw saka nito siniil ng halik ang aking mga labi.
Nanlalaki ang aking mata at hindi ako kaagad nakakilos kahit pa magkalapat ang aming mga labi. Biglang lumakas ang pagtib0k ng aking puso at parang ang aking katawan ay tila tinakasan ng lakas.
Totoo ba ito? Si Jeth, hinahalikan ako?
Sinubukan ko siyang itulak subalit mas lalo lang nitong idiniin ang kanyang sarili sa akin at pinagalaw pa nito ang kanyang mga labi. Hindi ko ito magawang maitulak dahil sa laki ng kanyang katawan at mas mabigat ito sa akin pero bukod pa roon ay may parte sa akin ang tila nagugustuhan ang kanyang ginagawang paghalik sa akin. Ilang sandali pa ay namalayan ko na lamang ang aking sariling tumutugon sa kanyang mga halik. Ang kanyang mainit na palad na humahaplos sa aking mukha, maging ang kanyang tuhod na nakatungkod sa pagitan ng aking mga hita na kumikiskis ng bahagya sa isa kong binti ay tila ba nagpadagdag ng kakaibang init sa aking katawan. Init na sa pantasya at panaginip ko na lamang nararamdaman at isang bagay na nakalimutan na ng aking katawan.
Kapwa kami hinihingal nang maghiwalay ang aming mga labi. Magkadikit pa ang tungki ng aming ilong subalit titig na titig ito sa akin. Isang titig na parang nang-aakit at tila may nais pang sabihin.
“Now tell me. Sa tingin mo ba ay bakla pa rin ako?” mapaghamon na tanong nito.
Napapalunok ako habang ipinapaglipat-lipat ang tingin sa kanyang mga mata at mapulang labi.
“H-Hindi,” pabulong kong sagot.
“I just want to let you know, Enna. Hindi ako bakla at mas lalong hindi ako silahis. Kung anuman ang mga naisip mo patungkol sa akin ay sinasabi ko na sa iyong wala iyong kahulugan. Now, if you’re trying to tease me again and accuse me of being a bisexual. Trust me, baka hindi ko na kayang kontrolin ang sarili ko at maparamdam ko ang bagay na ito,” ani Jeth. HIndi ko alam kung may halong pagbabanta pa iyon pero bakit pakiramdam ko ay hinahamon niya ako at nang-aakit dahil sa paraan nito ng pagsasalita na halos papaos, sabayan pa ng nakakatunaw nitong titig.
Napalunok ako at parang nagwala ang aking dibdib nang maramdaman ang paggalaw ng isang bagay sa pagitan ng kanyang pantalon nang idiin pa nito ang kanyang katawan sa akin na para bang sinadya niya iyong gawin.
“H-Hindi na. Hindi na kita aakusahan na bakla kaya tumayo ka na diyan. P-Pasensya ka na,” pakiusap ko rito sa nauutal na boses. Nanlalamig ang aking mga kamay at napahawak ako ng mahigpit sa tuwalyang nakatapis sa aking katawan. Natatakot ako na baka ito na ang isang bagay na hindi ko pa nasusubukan sa buong buhay ko pero bakit parang pakiramdam ko ay mas kinakabahan pa ako?
Ilang sandali pa itong nanatili sa kanyang pwesto sa aking ibabaw habang walang kurap na nakatitig sa akin.
“D@mn!” palatak nito bago niya ako muling biglang siniilan ng halik saka agad tumayo at naglakad patungo sa kwarto nito. Naiwan akong nakahiga sa upuan na natatameme. Parang ambilis ng mga pangyayari at hindi ako makapaniwala sa nangyari.
Naupo ako at sinipat ko ang tuwalyang nakatapis sa aking katawan nang muling bumukas ang pinto.
“Sa susunod, huwag kang maglalakad ng ganyan. May nagagalit,” sabi nito na kagaya ng kanina ay halos mahubaran ako sa kanyang pagtitig. Pagkasabi nito ay muli nitong isinarado ang pinto.
Pagkasarado nito ng pinto ay patakbo akong pumasok sa kwarto namin ng mga bata para kumuha ng damit saka mabilis na nagbihis sa banyo.
Halos hindi ako pinatulog buong gabi ng halik na ibinigay sa akin ni Jeth kahit pa anong baling ko ng pwesto. Maging ang pagpapadama nito ng kanyang alaga ay tila ba hanggang ngayon ay dama pa rin ng aking tiyan sa kabila ng tuwalyang nakatakip sa aking katawan.
Matulog ka na, Enna. Jusko, ano ba iyan? Masyado ng nagugulo ang utak mo. Kasalanan mo naman kasi. Sino ba kasing may sabi sa iyo na silahis si Jeth?
Kung hindi ito silahis, kanino yung tatlong panty na nilabahan ko? Sino ang tinawag niyang Babe na base sa sinabi ni Bugoy ay lalake raw?
Baka naman sa girlfriend niya talaga iyon? O di kaya nagkamali lang ng pagkakadinig si Bugoy kaya akala niya ay lalaki ang kausap nito.
Pero sh!t, nakakahiya.
Naisubsob ko ang aking sarili sa aking unan at halos gusto kong tumili dahil sa kahihiyan. Taragis na iyan, bakit pa kasi ako tumugon sa halik niya kanina? Baka naman dahil sa sobrang tuyo at tigang na kaya kahit lasing si Jeth ay tumugon na rin ako sa halik niya.
Parang sinisilaban ang aking katawan nang maramdaman ang labi ni Jeth na humahalik sa aking leeg maging ang kanyang kamay na naglalakbay patungo sa aking sariwang isda. Hindi ko na napigilan pang mapasinghap nang tuluyan na nito iyong maabot at sinimulang paglaruan at masahiin na para bang sinusundot nito ang gitna ng clay upang makahulma ng paso.
“Jeth,” usal ko na lamang sa kanyang pangalan dahil hindi ko alam na tuluyan na niya akong nahubaran. Kasabay ng kanyang paglalaro sa aking sariwang isda ay ang pagsipsip naman nito sa aking dibdib na parang isang sanggol dahilan upang halos tumirik ang aking mga mata. Para akong nagdedeliryo, hindi alam kung saan ibabaling ang tingin at mahigpit ang kapit sa sapin sa kama habang walang tigil sa paghalinghing kasabay ng pagsambit sa kanyang pangalan.
Mas lalo pa akong nawala sa sarili nang maglandas pababa ang kanyang labi at tuluyang narating ang pagitan ng aking hita. Kita ko ang pagnanasa sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
“Do you like this, Enna?” anito sa baritono nitong boses na nakakapang-akit habang hinahaplos ang pinakagitna pagkatapos ay dinilaan iyon.
Napaiktad at napasinghap ako sa kakaibang sensasyong dala ng kanyang dila nang sumayad iyon sa aking itinatagong kweba.
“Do you want more?” mapanukso nitong tanong na tila ba nambibitin.
“Yes. Yes, gusto ko pa, Jeth,” bulong ng pakikiusap ko rito.
“Whatever you say,” nakangiti nitong sabi at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa aking pagitan.
Halos tumirik ang aking mata sa sarap ng kanyang ginagawang pagkalikot sa aking gitnang bahagi. Napapahawak pa ako sa kanyang buhok ng mahigpit at halos maingudngod ko pa ito roon.
“Tama na, Jeth. Ma-la-pit na a-ko,” hingal at pigil ko rito na mas lalo kong mahigpitan ang pagsabunot dito. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang isang nakakakiliting sensasyon na umaalpas sa akin kalakip ng ginhawa at sarap na hatid ni Jeth. Napatingala ako at napapikit habang dinadama ang bagay na iyon.
Kkrrriiinngg!!!!
Kkrrriiinngg!!!!
Kkrrriiinngg!!!!
Napabalikwas ako nang marinig ang pagtunog ng aking cellphone. Pinatay ko iyon kaagad at pagkatapos ay sinipat ang aking sarili.
Nasapo ko ang aking noo nang mapagtantong isa lamang panaginip ang lahat at ang mas nakakapanlumo pa rito ay basa ang panty ko na senyales na tunay na nag-ar0use ako at ang dahilan ay si Jeth!