Chapter 36 - Hustisya

1345 Words

ENNA’S POV “Kuya Jeth, buti po at dumating kayo. Sinisigawan ni Kapitan si Mama,” sumisinok-sinok na sabi ni Bugoy habang nagpupunas ng luha. “Mabuti na lang talaga at maaga akong bumiyahe kanina. Dapat talaga ay mamayang hapon pa ang dating ko, eh,” sagot ni Jeth habang nagmamaneho. Nakatingin ako sa kanya habang ito ay nakatutok lang ang mata sa kalsada. Bahagyang makipot ang kalsada patungo sa aming bahay, mabuti na lang at medyo malawak ang bakuran namin dahil kahit papaano ay mapaglalagyan ang sasakyan nito. Ngayon lang nag-sink in sa aking isip ang kanyang sinabi kanina. Tinawag niya kaming mag-ina. Ibig bang sabihin nito ay kinikilala niya na kaming pamilya? Para akong nasa alapaap nang mga sandaling iyon, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking narinig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD