Chapter 35 - Dumating si Jeth

1696 Words

ENNA’S POV Sa tuwing susubukan kong magsalita ay pinapahinto ako ni Kapitan at hindi ako binibigyan ng pagkakataon na magsalita. Ang mas ikinaiinis ko pa ay nang sabihan nilang masyado raw tahimik ang aking anak na hindi angkop sa kanyang edad at kinakailangan ko raw ipatingin sa Psychologist dahil ang kanyang pagiging tahimik ay maaaring mauwi sa pagkabayolente. Hindi ako makapaniwala sa aking sinabi dahil sa bibig mismo ni Kapitan ko narinig ang mga bagay na iyon. Parang ang ipinapahiwatig ni Kapitan ay kasalanan pa ng anak ko kung bakit siya nasaktan? Na hindi siya masasaktan ng ganoon kung sa una pa lang ay pinansin na kaagad ni Bugoy ang pang-aasar ni Lester. Ito ba ang kahulugan ng naririnig ko sa social media na “sometimes you need to bend the law to be able to please the peopl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD