ENNA'S POV Hindi pumasok si Jeth kinabukasan gaya ng kanyang ipinangako. Sa halip ay sinamahan niya akong magtinda sa palengke. Gumising ito ng mas maaga, sabay sa paggising ko upang makapunta sa bagsakan. Gustuhin man nitong samahan ako ay hindi pwede dahil walang magbabantay sa mga bata. Hindi na kasi nito pinapunta ang dalagitang si Ikang na madalas kasama namin matulog. Binabayaran ko ito kapalit lang ng pagtulog sa amin at pag-asikaso kina Bugoy Bago ako muling bumalik sa bahay pagkatapos makapamili ng aking paninda sa bagsakan. Ani Jeth, siya na lamang daw ang magbabantay sa mga bata. Mainam na rin para sa akin iyon dahil baka kung ano ang isipin ng magulang ni Ikang lalo na at bagong salta lang si Jeth dito sa Dela Paz. Si Jeth na rin ang nag-asikaso at hatid sa dalawang bata pa

