17- Papa Jeth

1582 Words
ENNA’S POV Hindi nga nagbiro si Jeth dahil siya na nga mismo ang nagluto ng almusal nang umagang iyon. Siya na rin ang nagpakain, nag-ayos ng gamit ni Bugoy at inihatid niya pa ito sa school nito. Ibinigay niya na lamang sa akin ang pag-aasikaso kay Jana dahil anito babae ang pamangkin ko pero ito pa rin ang naghatid sa bata sa daycare center. Maging tanghalian ay siya rin ang nagsundo rito at siya ring nagluto ng aming pananghalian. Halos sa buong araw nga na iyon ay wala akong ginawa kung hindi ang maupo at humilata dahil hindi niya naman ako pinapakilos. Nakasunod pa ito kaagad sa akin sa tuwing maglalakad ako na halos kulang na lang ay buhatin niya na lang ako patungo sa lugar kung saan ako pupunta. Daig ko pa nga ang baldado dahil sa asta nito. “Sasamahan na kita sa pagtitinda sa palengke. Nagpaalam ako kay Mang Raul na hindi na muna papasok bukas,” sabi nito habang kumakain kami ng hapunan. “Hindi ka na pumasok ngayon, nakakahiya naman kay Mang Raul dahil wala ka pa halos isang buwan sa kanila. Maliit lang din ang sasahurin mo niyan,” sagot ko. “Huwag mo ng isipin iyon. Heto, kumain ka pa. Para naman bumalik na ang lakas mo at gumalig ka na nang makapag-proceed na tayo sa round 2,” sabi nito habang dinadagdagan ang laman ng aking plato nang makita nitong kakaunti na ang laman. “Okay ka lang po, Ma?” tanong ni Bugoy nang makita akong bigla na lang masamid habang umiinom ng tubig. Tinakpan ko kaagad ang aking bibig at pinunasan ang aking labi. “Eherm, okay lang ako nak,” sagot ko kay Bugoy saka ko binalingan ng tingin si Jeth saka ko inapakan ng malakas ang kanyang paa. “Aww!” “Kuya Jeth, anong nangyari sa iyo?” baling naman ni Bugoy kay Jeth. Pinagtaasan ko ito ng kilay nang ibaling ni Jeth ang tingin sa akin. Nakangiwi pero pilit na ngumiti ito nang tumingin kay Bugoy. “Wala. Kinagat ng malaking lamok ang binti ko. Bilisan na natin kumain dahil marami ng lamok,” sagot nito. Tumatango-tango lamang na sumagot si Bugoy saka inubos ang kanyang pagkain. Nang matapos ang mga bata ay inutusan ko na si Bugoy na tulungan ang kapatid niya sa paghihilamos at makapagpalit ng pantulong samantalang kaming dalawa na lang ni Jeth ang naiwan sa kusina. Doon ko lang ito malakas na hinampas sa kanyang balikat at pinamewangan. “Ano ba iyan, Jeth. Sinabi ko na sa iyo na kapag may mga bata, huwag kang magsasabi ng mga double meaning na words. Lalaki ang anak ko at baka mamaya kung anu-ano ang matutunan sa iyo.” “Sorry. Ang hina mo kasi kumain, wala akong maisip na ibang sasabihin,” sagot nito na bigla na lang akong niyakap. Parang awtomatiko ako laging napapatingin sa paligid kapag bigla na lamang itong yumayakap sa akin. Daig pa namin ang may isang nakaw na sandali dahil ako ay kanyang kabit. “Jeth naman. Hindi ka ba natatakot na makita tayo ng mga anak ko na magkayakap?” tanong ko rito. Kunwari ay hindi ko gusto ang kanyang mga yakap pero ang totoo ay napakainit nito at kung maaari ay kahit magdamag niya akong yakapin. “Just let them see. Wala ka namang asawa, single din naman ako kaya walang magiging problema,” sabi pa nito saka ako niyakap ng mahigpit. Hay, kung pwede lang na ganito palagi. Hindi ko napigilang maturan sa aking sarili. Ilang sandali pa kaming nanatili sa ganoong posisyon. Nakayakap ito sa akin at hinahalik-halikan ang aking noo maging ang aking ulo habang ako ay nakasandal sa lababo. Nakapikit na ako at ninamnam ang sandaling payapa kaming magkayakap. “Ma! Tapos na po kami maghilamos ni Kuya!” patakbong sigaw ni Jana mula sa kwarto. Bigla ko na lang naitulak si Jeth at naimulat ang aking mga mata saka humarap sa hugasin at magkunwaring naghuhugas ng mga plato. “Jana, huwag ka na sumigaw. Baka tulog na mga kapitbahay natin batuhin na naman ang bubong natin,” saway ni Bugoy sa kapatid nito na nakapagbihis na rin. “Ma, napagpagan ko na rin po higaan natin,” sabi ni Bugoy sa akin. “Ganoon ba, nak. Sige, tapusin ko lang ang paghuhugas at matutulog na tayo,” sabi ko habang naghuhugas ng plato. “Kuya, alam mo. Nakita ko si Kuya Jeth nakayakap kay Mama,” sumbong ni Jana sa kanyang Kuya. Natigilan ako sandali sa sinabi ni Jana. “Jana, baka mali lang ang nakita mo. Hindi kami magkayakap ni Jeth,” pagdadahilan ko habang nakatingin sa bata na nakamulagat lang na nakatitig sa amin. “Hayaan mo na, Jana. Ayaw mo bang maging Papa si Kuya Jeth? Di ba palagi niya tayong binibilihan ng pasalubong at laruan. Tinutulungan niya rin tayo sa assignments natin at saka siya rin nag-alaga kay mama kahapon noong may sakit si Mama. Di ba nga, si Kuya Jeth ang naghatid at sundo sa iyo sa school mo kanina,” ani Bugoy sa kapatid nito at tumabi rito. “Gusto. Mabait kasi siya eh,” inosenteng sagot naman ni Jana. Lumapit ito kay Jeth na nakatayo sa tabi ko. Nakangiti ito na parang nagugustuhan ang naririnig na pag-uusap ng mga bata. “Kuya Jeth, pwede bang ikaw na lang ang Papa namin?” tanong ni Jana nang makalapit sa kanya. Bigla naman akong namula dahil sa pakiusap ni Jana kay Jeth kaya bago pa nakasagot ang lalaki ay sumabat na ako. “Jana, halika rito.” Marahan kong hinila ang kamay ng bata palayo kay Jeth. “Jana, hindi mo pwedeng ipakiusap kay Kuya Jeth mo ang tungkol sa ganyan. Hindi mo pa kasi naiintindihan ng lahat kaya hindi mo alam na hindi ganoon kadali ang sinasabi mo,” paliwanag ko sa bata. Oo nga at may relasyon kami ni Jeth pero halos kahapon lang iyon at ni hindi nga kami dumaan sa ligawan stage, dumiretso na kami kaagad sa bembangan stage. Kung hindi pa ito nagtapat sa akin na gusto niya ako at hindi siya bakla ay hindi siguro ito magkakalakas loob na halikan ako na nauwi sa bembangan na naging dahilan upang malaman nito na may gusto rin ako sa kanya. Pero kahit ganoon ay hindi naman ako umaasa na magtatagal kami. Kung tutuusin isa lamang siyang estranghero na nakitira sa aming payak natahanan at dumating sa aming payapang pamumuhay. Hindi na ako magtataka kung dumating ang araw na bigla na lamang itong umalis at iwanan ako. Sino ba naman kasi ang magtatagal sa isang dalagang may dobleng bagaheng kargo sa buhay? Siguro ay kagaya lamang ito ng ibang lalaki na ang nais lamang ay makaisa sa akin at kapag nagsawa ay saka ako iiwan. “Jana, lapit ka sa akin,” tawag naman ni Jethro kay Jana. Mabilis na lumapit si Jana kay Jeth. Naupo si Jeth upang maging magkapantay sila ng bata. “Bakit mo tinatanong? Gusto mo ba akong maging Papa?” nakangiti pang tanong ni Jeth. “Opo. Kasi naalagaan mo si Mama tapos nagluluto ka. Tinatanong nga po ako ng kaklase ko kanina kung Papa kita sabi ko Oo. Wala naman po kasi akong Papa na ipapakilala sa kanila. Sila kasi hinahatid lagi ng motor ng Papa nila,” sagot ni Jana. “Jana. Masama ang nagsisinungaling,” sabat ko sa naging pag-uusap nila pero tiningnan lang nila ako lalo na ni Jeth. “Ganoon ba? Kung gusto mo, pwede mo naman ako tawaging Papa.” “Talaga po Kuya Jeth, pwede ka naming tawaging Papa ni Kuya Bugoy?” tanong ulit ni Jana sa namimilog na mata. “Oo naman.” “Thank you po. Yehey, Kuya Bugoy! May Papa na tayo!” tuwang tuwa na sabi ni Jana na pumunta pa sa Kuya nito at niyakap. “Sige na. Matulog na kayo at ako na ang maghahatid sa inyo bukas sa school ninyo,” sabi ni Jeth sa mga ito. “Sige po. Good night Mama, Good night Papa!” sabi ni Jana na lumapit sa akin para yumakap maging kay Jeth ay yumakap na rin. Habang tuwang-tuwa si Jana ay tahimik lamang si Bugoy habang pinapanood ang kapatid. Para sa kanya, masaya siya dahil nagkaroon na rin sila ng kumpletong pamilya at hindi na mahihirapan pa makahanap ng asawa ang kanyang Mama na sa totoong buhay ay kanyang tiyahin. Inaya na ni Bugoy ang kanyang kapatid at sa muli ay kaming dalawa na naman ni Jeth ang naiwan. “Paano ba iyan, hindi na natin kailangan pa maglihim sa mga bata,” mahangin na sabi ni Jeth na muli na namang yumakap. “Hindi ka ba magsisisi? Baka masaktan mo ang mga bata lalo na si Jana kapag dumating ang araw na umalis ka na. Hindi ba pansamantala lang ang pananatili mo sa lugar na ito?” tanong ko rito. Doon pumasok sa aking isip ang realidad, na darating ang araw ay kaiangan na umalis ni Jeth gaya ng sabi niya noong una pa lang na pansamantala lamang ang pananatili niya sa lugar namin. “Hindi mangyayari iyon. Siguro, may pagkakataon na aalis para asikasuhin ang ilang mga bagay pero babalik pa rin ako rito,” pag-amin nito. Tama nga ako. Malapit na ang araw ng kanyang pag-alis pero ang tanong; Kapag umalis ba ito ay muli itong babalik o tuluyang maglalaho? Kapag nangyari ang huli, hindi lang ako ang maiiwang umaasa, pati na rin ang mga bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD