16- Fever On

968 Words
ENNA’S POV Kinagabihan ay hindi ko inaasahang sasama ang aking pakiramdam. Bigla na lamang akong nilagnat at bumigat ang aking katawan. Mas lalo ko ring naramdaman ang sakit sa aking gitnang bahagi na siguro ay naging rason kung bakit ako nagkasakit. Buong gabi akong nilagnat at hindi makatayo sa aking higaan dahil sa taas ng aking lagnat. Mabuti na lamang at nariyan si Jeth para asikasuhin ang mga bata. Siya rin ang nag-alaga sa akin hanggang sa humupa ang aking lagnat. Nagising ako bandang alas-tres dahil sa alarm ng aking cellphone. Wala ang mga bata sa aking tabi dahil pinalipat ito ni Jeth bilang pag-iingat na hindi ang mga ito mahawaan. Masakit pa rin ang aking katawan lalo na ang aking gitnang bahagi pero wala na akong lagnat. Pababa na ako ng kama nang pumasok si Jeth sa kwarto. “Oh, saan ka pupunta? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?” tanong nito nang makalapit sa akin. “Kailangan ko pa magluto para sa almusal nina Bugoy bago ako pumunta sa bagsakan,” sagot ko rito nang makatayo. Marahan lang ang aking hakbang at halos gusto ko na ngang hawakan ang aking mga binti habang naglalakad para lang hindi magkiskisan ang aking mga hita dahil sa napakasakit nito lalo na kapag nagkikiskisan ang balat ng aking gitnang bahagi. “Magtitinda ka? Eh, antaas ng lagnat mo kani-kanina lang.” “Hindi ako pwedeng magpahinga, Jeth. Kung hindi mo alam, hindi namin pag-aari ang bahay na ito. Nakikitira lang kami sa bahay ni Janus at hindi namin alam kung hanggang kailan kami pwedeng manatili sa lugar na ito. Gusto kong magkaroon ng sarili naming bahay, iyong sariling amin at mas lalong gusto kong maging handa kung sakaling kailanganin na naman namin ang malaking pera kapag nagkasakit ang mga bata,” mahabang paliwanag ko rito. Sanay naman na ako, na kahit na masama na ang aking pakiramdam, masakit na ang katawan at trinatrangkaso na ay pinipilit ko pa rin ang aking sariling magtinda para sa aming tatlo. Dahil alam ko na kapag may mangyaring masama sa amin, hindi ko naman hinihiling ay paniguradong wala kaming malalapitan upang mahingan ng tulong. “Janus? Sinong Janus?” tanong ni Jeth sa akin. “Kaibigan ko siya. Siya ang tunay na may-ari ng bahay na ito at ang nagpatira sa amin,” sagot ko rito. Natahimik ito sa aking sinabi. Akala ko ay ayos na ang lahat kung kaya naglakad na ako papuntang pinto kung saan ito nakatayo nang bigla niyang harangan ang aking dinaraanan. “Jeth, pwede ka bang gumilid?” Sa halip na sagutin ay binuhat niya ako ng pabigla na muntik ko ng ikinasigaw. Mabuti na lamang ay natakpan ko kaagad ang aking bibig dahil kung hindi ay baka nagising ko na ang mga bata. Dinala niya ako pabalik sa kama at doon pinaupo. “Jeth, ano bang ginagawa mo? Hindi ba napaliwanag ko naman na sa iyo ng maayos kung bakit kailangan kong magtinda. Sanay na ako sa ganito, nagtitinda kahit na masama ang pakiramdam at masakit ang katawan para lang hindi kami magutom ng mga bata,” mahinang sabi ko sa kanya. Nanghihinayang ako sa bawat oras na inilalagi ko rito sa bahay. Kung sana ay hindi ito humarang sa pinto sana ay nakapagluto na ako kaagad at maagang makakapunta sa bagsakan upang makapamili ng mas magagandang isda. “Sabihin na natin na sanay ka na magtrabaho kahit na may sakit pero sa pagkakataon na ito, kargo kita. Dahil sa akin kaya ka nilagnat, dahil sa nangyari sa atin kanina,” sagot nito. Nanlaki ang aking mga mata at bigla na lamang napasilip sa pintuan upang tingnan kung nagising ba o narinig ba ni Bugoy ang sinabi nito. Kahit na mahina lamang iyon ay maliit lang naman ang bahay kaya possibleng marinig iyon ng bata kung ito ay gising. Malaki na si Bugoy kaya siguro ay agad nitong maiitindihan ang lahat kung sakaling marinig niya ang sinabi ni Jeth. “Pwede ba Jeth, huwag mo na binabanggit iyan. Baka marinig ka ng mga bata. Hindi mo naman kasi kailangan sabihin pa ang tungkol sa bagay na iyan,” yamot na suway ko sa kanya. “Then, stay here. If you insist, sasama ako sa palengke at tutulungan kita magtinda. Hayaan na natin na makita tayo ng iba na magkasama,” banta nito. “Oo na, hindi na muna ako magtitinda pero sana ay hayaan mo na lang akong magluto ng almusal mamaya para kina Bugoy bago pa sila pumasok,” sagot ko na lang dito. “Huwag ka na mag-alala, ako na ang bahala sa kanilang dalawa. Mahiga na muna at magpahinga, tatabihan ko na lang ang mga bata sa sala para hindi ka nila maistorbo,” sagot ni Jeth. Lumabas na ito ng kwarto at naiwan na akong mag-isa. Ilang sandali pa lang ang nakakalipas ay muli itong bumalik. May dala itong isang brown paperbag saka iniabot sa akin. “Ano ito?” tanong ko rito. Binuksan ko ang laman noon at inanig ang mga laman mula sa mahinang ilaw na nagmumula sa labas ng bahay. Isang feminine wash, ointment at mga tabletas ang laman noon. “Ahm, gamot daw iyan para mabilis na gumaling ang ano mo,” sagot nito. Daw? Sino ang may sabi sa kanya tungkol sa bagay na iyon? “Ah, Jeth. Kanino ka nagtanong?” Kinakabahan kong tanong dahil baka kay Aling Mameng o di kaya kay Aling Tekla ito nagtanong, paniguradong maging pulutan na naman ako ng umpukan kung sa huli ito nagtanong. “Ah, tinanong ko yung kakilala kong doktor. Maganda raw iyang gamot lalo na ang ointment. Mabuti ay nakabili ako kahit e-prescription lang ang ipinakita ko,” sagot ni Jeth. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nito. At least, safe ang sekreto ko maging ang relasyon namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD