ENNA’S POV
Para akong tinubuan ng hiya sa bagay na naganap sa amin ni Jeth. Hindi naman siya nanligaw sa akin at mas lalong wala naman kaming relasyon pero heto at naibigay ko pa nga ang bagay na aking itinatago na wala man lang ni isa sa bayan ng Dela Paz ang nakakaalam.
Gusto kong magsisi dahil sa maling desisyon na aking ginawa. Nagpadala ako sa tawag ng laman at hinayaang gawin ang bagay na iyon.
Tagaktak pareho ang aming pawis dahil sa init ng kwarto at dahil na rin sa aming ginawang paglalaro ng apoy kanina pero tila balewala rito ang init kung makayakap sa akin habang mabigat ang paghinga dala ng pagkapagod.
“I want more but I know you’re body is still adjusting,” bulong nito sa akin habang hinahalik-halikan ang likod ng aking likod. Naiilang man sa kanyang ginagawa ay hindi ko rin mapigilang kiligin.
“Kailangan ko ng maglinis baka biglang umuwi sina Bugoy,” sabi ko rito at tinanggal ang kanyang kamay na nakayakap sa akin. Hindi maipaliwanag na sakit ang aking nararamdaman lalo na sa aking bandang gitna. Kahit na masakit ay pinilit ko iyong baliwalain at nagpatuloy sa pagbihis.
“Magbihis ka na rin baka maabutan ka ng mga bata diyan,” sabi ko rin dito saka naglakad ng tuwid palabas ng kwarto pero nang wala na ito sa aking paningin at nakalabas na ako ay bigla na lang nagbago ang pinta ng aking mukha. Iika-ika akong naglakad patungo sa banyo at saka sinubukan iyong hugasan. Halos mapamura ako sa sakit nang sumayad ang tubig sa aking maselang bahagi pero kinalaunan ay nawala rin. Kahit papaano ay naibsan ang sakit ng malamig na tubig ngunit nang isuot kong muli ang aking panloob ay doon na naman bumalik ang sakit lalo na nang sinubukan kong humakbang.
“Ano ba iyan? Akala ko ba masarap ang s3x? Wala naman nagsabi sa akin na pagkatapos ng sarap ay matinding sakit ang dadanasin ko,” bulong ko na lang habang kumukuha ng tubig sa pitsel.
“Huwag kang mag-alala kapag naka-adjust na ang katawan mo, wala ka ng mararamdamang sakit dahil puro sarap na lang ang ipaparanas ko sa iyo,” sagot naman ni Jeth mula sa kung saan na hindi ko napansin na nakalapit na pala sa akin at narinig ang aking sinabi. Lumapit ito sa akin at muli na naman niya akong niyakap mula sa likod na parang mga napapanood ko sa mga teleserye. Hinahalik-halikan pa nito ang aking leeg na siyang naghahatid ng kiliti sa aking sistema.
“Jeth, baka makita tayo ng mga bata,” suway ko rito pero mas lalo pa nitong ibinaon ang kanyang ulo sa aking leeg at hinigpitan ang yakap sa akin. Bago sa akin ang pakiramdam na ganito, na may lalaking yumayakap sa iyo na para bang ikaw na ang kanyang mundo pero hindi ako sigurado kung ano ba ang aming estado. Nagsalo lang kami sa ibabaw ng kama pero para sa akin ay wala naman kaming label.
“Hayaan mo sila baka nga matuwa pa sila kapag nakita tayong ganito,” bulong nito sa aking leeg. Hinayaan ko itong nakayakap sa akin dahil kahit ako ay nagugustuhan ang kanyang pagyakap pero dahil sa bagay na gumugulo sa aking utak ay pinilit kong makakalas dito.
“Jeth, kailangan nating mag-usap,” pauna ko.
“Tungkol saan?” tanong nito.
“Tungkol sa nangyari sa atin, tungkol sa amin. Alam ng lahat ng taga-Dela Paz na anak ko sina Bugoy at Jena, kahit sa mga birth certificate nila ay ako na rin ang nakapangalan.”
“Then?”
“Kung maaari bang hanggang dito na lang muna kung ano ang meron tayo. ‘Yung nangyari sa atin, isipin mo na lang na dala lang ng kapusukan at init na katawan. No feelings attached at hindi na pwedeng maulit pa ang nangyari ngayon. Baka kasi kung ano ang isipin ng mga tao lalo pa at dito ka sa akin nakatira,” sabi ko rito. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nilang may relasyon kami ni Jeth? Paano ang mga bata? Baka matukso pa sila.
“Anong pinagsasasabi mong no feelings attached? Ramdam na ramdam ko na may gusto ka rin sa akin kanina habang magkasama tayo. The way you kissed, the way you touched and you even let me do things you never had before, I can’t ignore that. Kung ang mga bata ang iniisip mo, pwede naman nating gawing sekreto ang lahat. Ang magiging relasyon natin ay tanging tayo lamang ang nakakaalam.” Kinuha nito ang aking kamay at hinaplos iyon bago dinala sa kanyang labi.
“We can do what we want when we’re together.” Bigla niya akong kinabig palapit sa kanya saka naman hinaplos ang aking pisngi.
“I can hug you and I can kiss you. Kahit maging sekreto ang ating relasyon ay alam kong pag-aari na kita,” anito saka ako hinalikan sa labi. May kung ano talaga akong nararamdaman sa tuwing magkahinang ang aming mga labi na parang tumutunaw sa aking matibay na desisyon at tumutupok sa aking pagkabab@e.
“See? That’s what I’m talking about. From now on, you will be my girl,” nakangiting sabi nito saka muli akong binigyan ng magaang halik.
It’s official.. Kami na ni Jeth!
Ang bilis ng pangyayari na sa sobrang bilis ay akala mo isang panaginip lang.
Sa loob lang ng isang araw ay nalaman ni Jeth ang aking lihim na pagtingin sa kanya na aking sinupil dahil sa akala ko ay isa siyang binabae. Maging ang lihim kong pagiging isang dalaga ay kanya ring nalaman. Naglaro ng apoy at sa isang iglap ay kami na. Hindi man lang ito nanligaw at hindi niya ako tinanong bagkus siya na ang nagdesisyon at wala naman akong naging pagtutol. Sa pagkakataon na ito, parang gusto kong bawiin ang sinabi kong nagsisisi ako kung bakit isinuko ko ang aking mahiwagang V.
Kung kami na nga ni Jeth, ibig sabihin ba noon ay mapapadalas na ang paglalaro namin sa ibabaw ng kama?
Bigla akong kinabahan at tila nanuyo ang aking lalamunan sa aking naisip.
Kailangan ko na ba maghanda, matakot, kabahan?
Pero bakit mas excited pa ako kahit na parang namamaga ang mga talukap ng aking kabibe dahil sa ginawa namin kanina na para bang hindi ako natatakot na maulit muli ang lahat?
Sa kabilang banda naman,
Hindi maipaliwanag ni Jeth ang saya na kanyang nadarama dahil ang babaeng dating kanyang tinatanaw ay napasakanya na.