ENNA'S POV Sa bawat araw na lumipas na kasama namin si Jeth ay pakiramdam ko ay nabigyan ko ng buong pamilya ang mga pamangkin ko. Masaya ako lalo na ang aking puso kapag kasama ko siya at sa tuwing nakikita kong masaya ang mga pamangkin ko. Hindi na Lihim sa lahat ang mas lalong pagiging malapit namin ni Jeth sa isa't isa lalo na at sumasama na ito sa akin sa palengke pero may mga pagkakataon na pinapapunta ko ito sa pagawaan ng paso. Mas madalas kaming magkasama at naririnig na ng marami ang pagtawag ni Jana kay Jeth na papa pero kahit ganoon ay wala pa rin Naman nakakaalam ng tungkol sa aming relasyon maliban na lamang sa mga bata. Araw ng Sabado, isang bisita ang hindi ko inaasahang darating. Pagkagaling sa palengke ay naabutan ko si Janus na kasama sina Bugoy. "Enna!" tawag sa a

