JETH’S POV Imbis na magsabay kaming umuwi ni Enna ay pinauna ko na muna ito dahil kailangan ko munang tawagan ang secretary ko na nag-aasikaso ng aking kompanya sapagkat sa kanya ko ipinamahala pansamantala iyon habang naririto ako. Ilang linggo na ako sa Dela Paz at hindi ko na alam kung ano na ang estado ng aking kompanya. Baka magkatotoo ang sinabi ni Kuya Xander ng tawagan niya ako at magaya kay Daddy na binawian ni Lolo ng kompanya. Kahit na lagalag ako at minsan ay nasasakal sa ginagalawan kong mundo ay ayaw ko rin naman mawalan ng yaman lalo pa alam ko na ngayon kung paano mamuhay ang iba na salat sa yaman. Dahil kasi sa pagtakas takas ko bilang isang Dela Cuadra ay nalaman ko ang tunay na estado ng pamumuhay ng nasa laylayan. Nang mga taong salat kahit sa kaunting yaman at kagi

