ENNA’S POV Hindi ako mapakali lalo pa at alam kong masama ang loob ni Jeth sa akin. Kahit na tinanong ko na ito at sinabi na nitong hindi ay hindi pa rin ako kampante lalo na’t sa tuwing susubukan kong kausapin ito ay hindi naman ito sumasagot sa akin. Hindi niya rin ako pinapansin at hindi kinakausap na para bang iniiwasan niya ako. Hindi man nito sabihin ay alam kong nagseselos ito kay Janus at base na rin sa ekspresyon ng kanyang mukha ay sa tingin ko ay nakita nito kanina ang ginawang nakaw na halik ni Janus. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala sa ginawa ni Janus. Isa itong bakla, iyon ang alam ko simula pa noong nasa amin pa kami. Madalas ko itong kasama at tumatambay pa nga ako sa kanyang salon na ang kanyang mga tauhan ay puro rin mga baklang katulad niya ngunit hindi katulad ng il

