JETH’S POV Sapilitan akong pinabalik ni Enna sa pagawaan ng paso kung kaya wala akong nagawa kung hindi kausapin si Mang Raul na hayaan niya akong pumunta at gumawa ng paso sa pagawaan niya pero imbis na ako ang bayaran ay siya ang binayaran ko upang tanggapin lang ako. Hindi naman ako pwedeng tumanggi dahil siya ang nagpasok sa akin sa trabahong iyon noon dahil na rin sa request ko. Paulit-ulit niyang sinasabi na wala akong sasahurin kapag palagi akong nasa tabi niya at hindi na ako magtatrabaho. Akala niya ay isa lang akong simpleng tao na walang trabaho. I can be with her all day every day. Kahit pa hindi ako magtrabaho ay walang problema. Bago ako mag-umpisang gumawa ng paso ay bigla na lang nag-ring ang cellphone ko. Napabuntong hininga ako nang makitang si Kuya Xander ang tumataw

