ENNA’S POV Pagkatapos namin mananghalian kasama ang mga bata ay pinauna ko na muna si Jeth sa pagawaan ng paso ni Mang Raul. Kahit na paulit-ulit nitong sinasabi na tinatamad na itong bumalik doon para magtrabaho at ang nais na lang nito ay tumulong sa akin sa pagtitinda ay hindi pa rin ako pumayag. Pabor sa akin iyon dahil naging dagsa ang bumibili sa akin, pero ayaw ko naman samantalahin ang kabaitan nito at ang relasyon namin na hindi ko alam kung totoo ba o laro-laro lang. Ganunpaman, nakita ko kung paano nito alagaan ang mga pamangkin ko na itinuring kong mga anak kung kaya gusto ko rin itong tulungan sa pagawaan ng paso. Pagkatapos kong maasikaso si Bugoy ay inihatid ko naman si Jana kina Aling Mameng upang doon iwan sandali ang bata. “Iiwan ko po muna sa inyo, Aling Mameng. Sas

