Chapter Three

1739 Words
Sa totoo lang, hindi sa iniiwasan ko sya, di lang talaga ako makapaniwala na nangyari yun at di ko din naman alam kung ano ang inisip nya sakin ng gabi na yun kaya di ko parin maiwasang di kabahan pag nagtatama ang mga mata namin o pagnakikita ko man lang sya. Kaba nga ba? o kilig? ani ng multo sa isip ko. mabilis ko naman inignora ang boses na yun at pinilit na pakalmahin ang sarili, gawing normal ang ekpresyon. "Iniiwasan mo ba ko?" Deretsa at hindi inaalis ang mga mata na tanong nito sa akin ng tuluyan na syang makalapit sa akin. Nakatingala ako sa kanya at dalawang dipa ang layo nya sa akin. ngayon ko lang nakita ng maiigi kung gaano ba ganda ang mga mata nya, kung gaano kahahab ang mga pilik mata nya, kung gaano katangos ang ilong nya at kung gaano kakulay rosas ang mga labi nya. He snap me out na syang kinagulat ko din. matagal na pala akong nakatitig sa kanya ng di ko napapansin. agad akong napaiwas ng tingin pababa para di mahalata ang pagkapahiya. "Ano? Bakit mo ko iniiwasan?" Iritableng tanong nito sa akin. "H-Hindi ah--bakit ko naman gagawin yun?" Pilit kong tinutonog normal ang pananalita ko pero hindi ko malamang dahilan at nautal pa ako. Tinaasan naman nya akong kilay at tinitigan maiigi. "Talaga lang ha, Ilang linggo tayong di nagkita tapos pag makikita mo ko tumatakbo ka nalang basta basta na parang may ginawa ako sayong mali? dahil ba to doon sa--" Nanlaki ang mga mata ko at mabilis syang tinignan pataas at mabilis na isinubo sa bibiig nya ang Turon na nabili ko sa labas. lihim akong napangiwi ng maalalang mainit pa pala iyon. Naalala ko nanaman yung nangyari ng gabing yun at hindi ko alam pero nahihiya talaga akong iopen nya yung topic na yun! oo tama nahihiya ako! nakakahiya talaga! "HINDI!!!!!" Mabilis kong sagot agad dito. Marahan naman nyang kinagatan yung turon na binusal ko sa bibig nya, hindi nakaligtas sa akin ang pamumungay ng mga mata nito kaya mas lalo akong natulala sa ginagawa nya. "Bakit nga?" ani nito habang dahan dahang binababa ang kamay ko at ngumunguya. Napalunok ako at mabilis na nagisip ng rason. "A-Ano kasi--busy sa school, tapos kinabukasan ng gabi na yun nalate pa ako ng gising kaya hindi ko rin napasa yung assignment na dapat ipapasa ko nung araw na yun. tapos nung nakita mo ko one time nagmamadali talaga ako dahil sinasama ako nila mama sa pampanga." mahaba kong paliwanag dito. Kumunot ang kilay nito sa mga sinabi ko. "Pampanga? anong ginawa nyo doon?" Tanong nito sa akin. Nagkibit balikat naman ako dito bago sya sagutin. "Wala naman masyado, may tinignan lang daw sila Papa tapos pinuntahan namin yung isang kamaganak namin doon." sagot ko dito na ikinatango naman nya. Natahimik nanaman kaming dalawa. nagdadalawang isip na muling magtanong sa isa't isa. Nagulat ako ng bigla nya akong hilain papunta sa Mini park dito sa Condominium. Nagpatianod naman ako dito. nakasalubong pa namin ang iba pa namin mga kakilala, ang iba halos ay tinutokso kami na mag"jowa" pero iniirapan ko lang sila. Nang marating namin ang Mini-Park dumereto kami sa Maliit na kubo Medyo nagulat pa ako na andito pala yung gitara nya at may mga papel't ballpen. nagsusulat nanaman sya siguro ng kanta. Hilig kasi nyang masulat ng magsulat ng kanta. lalo na nung naghiwalay sila ni Criselle. sandamakmak na kanta ang ginawa nya na kinanta nya din sa akin. sa katunayan nga ang iba kabisado ko na, kaya pag tinutugtug nya ay paminsan-minsan ay sumasabay ako. Tahimik parin kaming dalawa. Doon sya pumwesto sa tapat ko nang maya maya ay kinuha nya ang gitara nya, nakailang stram din sya dito hangang sa may mapili na syang tugtugin. Unang key palang alam ko na agad yung kantang tinutug-tug nya. hinyaan ko lang syang tugtugin ito. marahan nyang sinandal at nirelax ang sarili habang nakatingin parin sa gintara. I notice that my eyes can't off him, para bang nama-magnet ang mga mata kong tumitig lang kanya. I love looking his actions, and the way he strams makes me mesmarized. Waiting for your call, I'm sick, call, I'm angry Call, I'm desperate for your voice.... When he sing the whole chorus, he catch my eyes looking at him. he intentionally look directly into my eyes. para bang binabasa nya ang kung ano bang nasa isip ko ngayon, hindi ko rin alam sa aking sarili bakit hindi ko maiwas-iwasan ang tingin nito. Patagal ng patagal, habang pinapakinggan ko ang bawat liriko ng kanta ay unti unti ko din naiitindihan ang ibig sabihin nito. I tried to loosen it up, but I slowly feel something in my stomach. There's someting inside me tickles me, something I didnt felt to Johnny before. I recognized that His gazed are still mine. kitang kita ko sa mga mata nya ang magkakahalong lungkot, at sakit na hindi ko alam saan nanggagaling. I am not keen of it. After he says the very last part of the lyrics, he stop stramming and say it to me like he is telling it to me directly. To stay with him, and don't go any or everywhere else. Nabasag ang katahimikan naming dalawa ng biglang Dumating si Johnny na pumapalakpak pa sa tuwa. "Nice one Kane! Isa pa! Isa pa!" he asked at pumwesto sa tabi nito. I examine Kane's reaction, pero ganun nalang gulat ko ng mawala nanaman ito sa mood kaya nagiwas nalang ako ng tingin. "Dali na Kane, Isa pa! tapos ituro mo sakin yung chords nyan!" Pangungulit ni Johnny dito kaya wala itong nagawa at tinugtog ulit ang kantang kinakanta nya kanina. Habang busy silang dalawa ay nag-decide naman akong bumili ng memeryendahin namin. paalis na sana ako ng bigla akong tanungin ni Kane. "Saan ka pupunta?" he murmur. napatingin naman sa gawi ko si Johnny at huminto sa pag gigitara. "Bibili ng makakain, nagugutom pa ko eh." I commented. nagulat naman ako ng tumayo si Kane. "Ano bang bibilhin mo? samahan na kita," pag presenta nito. mabilis naman akong umiling. "Wag na, sabihin nyo nalang kung anong gusto nyo para iyon nalang bibilhin ko." ani ko nalang dito. Kumunot naman ang noo nito tsala kinuha ang kanang braso ko at hinila palabas ng kubo. "Kaw na muna dyan Johnny, praktisin mo yung chords para mamaya kantahin natin." He remarked. tumango naman si Johnny bilang sangayon dito. Nagpatianod ako sandali sa pag hila nya pero ng tumama ang tingin ko sa unit namin ay nakita ko kaagad si Mama, kaya mabilis kong hinila ang kamay ko. mahirap na baka mapagisipan pa akong boyfriend ko sya kahit hindi naman. Nagulat naman sya sa ginawa ko at mabilis syang nilagpasan. hindi ko nalang pinansin pa ang reaksyon nya tsaka dumeretso sa tindahan. Alam kong medyo na inis sya sa ginawa ko pero wala akong oras magpaliwanag. Napagdesisyunan namin na pansit kanton nalang ang bilhin at isang litrong softdrinks. ako na nagprisinta na magluto, doon na din namin lulutuin iyon sa bahay nila Johnny. Walang minutong hindi umalis si Kane sa tabi ko, ilan beses din syang nagprsenta na sya nalang magluto na ilan beses ko ding tinanggihan. Nasa pagsasala na ako ng kanton habang tinutulungan ni Kane ng biglang sumingit si Johnny sa amin. "Alam nyo, iba na napapansin ko sa inyong dalawa." deretsong sabi nito sa amin. Napahinto ako sa ginagawa ko at sabay nagtama ang tingin naming dalawa ni Kane. ako din agad ang umiwas, I felt my heart skip a beat and I saw clearly how Kane's lips turn into smirk because of what Johhny said. "A-Ano nanaman yang pinagsasabi mo dyan!" iritable kong sagot dito at itinuloy ang ginagawa. sinusubukan kong inormal ang pananalita ko, and this time I'm proud to say that I did. Kinuha ko na ang mga seasoning na kasama, tsaka ito winasiwas para once ginunting ko ito ay hindi matatapon sa pag ginupit ko ito. "Kayo na--" Johnny ellaborate. "AHH--!!" impit kong daing. Wala sa sariling nagupit ko ang daliri ko dahil sa gulat sa mga pinagsasabi ni Johnny. Agaran inagaw ni Kane ang gunting sa kamay ko tsaka naibato sa lababo. kinuha nya ang daliri ko at mabilis na nilagay sa bibig nito, tsaka sinipsip ang dugo. Nahigit ko ang aking hininga ng makita at maramdaman ang bibig nito sa daliri ko. kita ko din sa facial reaction nito ang pagaalala. "Johnny, may band aid ka ba?" deretsa nyang tanong dito. "Meron--sa bag ko, wait lang hanapin ko lang!" he replied, at mabilis na umalis para maghanap ng band aid. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay nito. Doon ko lang naalala, takot nga pala sya sa dugo ng ibang tao. "K-Kane, A-Ayos lang ako. takot ka sa dugo ng ibang tao diba?" ani ko dito pero hindi nya ako pinansin. "Sinabi na kasing ako na eh, Tigas talaga ng ulo." he said calmly but full of worry on his face. ito kauna-unahang beses ko saya na nakitang magalala sa akin. Unang beses nga ba? "Nagulat ako sa tanong ni Johnny." I whispered at marahang naiyuko ang ulo. nilingon nya ako bigla na parang may nasabi akong nakakalito sa sistema nya. "Nagulat ka? o ayaw mo talaga?" He stated and get busy again sipping the blood out of my fingers. mukhang malalim ata ang pagkakasugat dito kaya hindi parin natigil ang pagtulo ng dugo. I didn't respond, I just stared at him confused of what he was saying to me right now. hindi ako makapaniwala na nagkakaganito sya ngayon sa akin, hindi ko alam anong ginawa ko para itrato at kausapin nya ako ng ganito. Para bang lahat nalang ginagawa at sinasabi ko ay big deal na sa kanya ngayon na dati naman ay wala lang noon and I feel, He is still inlove with his Ex. Nang mapansin nyang hindi ako umimik ay tinawag nya ulit si Johnny. "Johnny! if may Agua Oxinada kayo dalhin mo na din dito, Dalian mo!!" sigaw nito. Hindi ko parin inaalis ang mga tingin dito. Gusto ko syang tanungin, Gusto kong kompirmahin ang mga actions na ipinapakita nya ngayon pero paano? ayokong mahulog magisa, natatakot ako lalo na alam ko na may issues sya sa mga babae. Natatakot akong mahusgahan nya at isipin na nagiilusyon lang ako.  Bumalik na si Johnny na may bitbit na isang Med. Kit, hingal na hingal din ito dahil na rin sa pagmamadali ni Kane sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD