ChapterFour

1897 Words
Mabilis naman kinuha iyon ni Kane at nilagyan ng Agua ang diliri ko pagkatapos ay nilagyan din nya ng betadine. kumuha din sya ng ilang perasong band-aid at inilagay sa sugat ko. Pagkatapos nun ay nilayo na ako ni Kane sa kusina at sila na ang nagligpit ng mga kakainin namin. sila sila na din naglinis ng mga dugo ko doon. Kumain kami ng tahimik, paminsan minsan ay nagbibiruan ang dalawa kaya panandalian namin nakalimutan ang nangyaring aksidente kanina. Nagkaayaan naman kami manuod ng movie, ang una kong napili ay action pero nagkasundo si Kane at Johnny na Horror nalang ang panuorin. "Ayoko nyan nakakadiri yan!" ani ko sa mga ito habang naghahanap parin ng DVD na mapapanuod namin. "Maganda to, hindi naman ganun ka brutal mga scenes dito." Ani ni Johnny. nginiwian ko nalang ito. "Talo ka isa ka lang, dalawa kami!" Pangaasar naman ni Kane sa akin na ikinatawa naman ni Johnny. inirapan ko nalang ito tsaka padabog na pumwesto sa single sofa. After nilang isalang ang DVD ay lumakad si Johnny sa switch ng ilaw at pinatay. lumapit din sya sa mga bintana para isara maiigi ang kurtina. naging mukhang sinehan sa dilim ang buong sala nila. Lalo akong kinabahan pero hindi ko pinahalata. "Dito ka oh, sige ka kakalabitin ka dyan." Hirit pa ulit ni Kane, pero di ko nalang ito pinansin. Hindi pa man nagsisimula ang movie ay naka-taas na ang mga paa ko, at nakatakip na ng unan ang kalahati ng mukha ko sa takot. Di naman nakaligtas sa akin ang tawanan nila Johnny at Kane. Hindi ko nalang ito pinagpapansin. Nasa kalagitnaan na ng movie at puro gulatan na ang nangyayari. may mga scene din na hindi ko na kinaya pa panuorin kaya napapatalukbong nalang ako ng unan sa mukha. Ilan sandali pa ay nagulat ako sa taong humawak sa kamay ko kaya napatili ako ng malakas at niyakap maiigi ang unan pero ganun nalang ang gulantang ko ng si Kane pala ang taong iyon. "Halika Lipat ka sa tabi namin, takot na takot ka na oh." ani nito. Hindi na ako nagsalita kaya sumunod naman ako sa kanya. Nakatalukbong parin ako ng unan sa mukha sa sobrang takot. Pina-umupo ako sa tabi nya. si Johnny ang nasa pinaka malapit sa TV, nasa kanan naman nya si Kane at ako naman din ay nasa kanan nito. kagaya parin ng pwesto ko kanina ay nakataas parin ang mga paa ko, at nakatakip ng unan ang kalahati ng mukha ko. Maya-maya pa ay bigla nalang may nakakadiring scene kaya napatili ako, napatakip din ako ng unan sa mukha tsaka sinubsub ang ulo ko sa tuhod. Wala ng katapusan ang mga nakakagulat na scenes kaya wala na akong ibang ginawa kung hindi magtitili at isubsub ang mukha ko sa gilid. samahan pa ang panggugulat sakin ni Kane kada aalisin o sisilip ako sa TV. ayaw na ayaw ko talaga ng horror movie! Sa sobrang takot ko ay hindi ko na napansin na tapos na pala ang movie na pinapanuod namin. Nakarinig naman ako ng mga tawanan at boses na hindi ko alam kung kanino galing. Nang dahan-dahan kong alisin ang unan sa mukha ko ay nanlaki ang mga mata ko ng malaman kung sinu sino ang mga andito ngayon. "Ayiiieeee.. ang sweet naman ng dalawang to oh!" Tukso sakin ng Mama ni Johnny. Nagtataka naman ako sa inaasal nito sa amin. napatingin ako kay Kane na sobrang lapit na pala akin, at doon lang rumihistro sa sistema ko na naka-akbay na sya sa akin, ako naman ay nakayakap dito at nakasubsub sa dibdib nito. "Fannie ah, Kayo na pala di nyo sinasabi ah!" Panunukso ni Johnny sa amin. Mabilis akong umiling at dahan dahang umalis sa pagkakayakap kay Kane palayo at umupo ng maayos. Sabay sabay naman nag-"AYIIEE" at tawanan ang mga kasama namin. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan ay napunta na sa mukha ko, pulang pula na ang mukha ko. Napayuko nalang ako at mariing pinikit ang mga mata para hindi mapansin ang itsura ko ngayon. Matapos ng nangyari ay nagkaayaan silang tumambay sa mini park, nang makarating kami doon ay nakita din namin ang ibang kakilala namin. Hindi parin tumitigil si Johnny sa pangaasar sa amin. "Hindi nga kami! ang kulit ng utak mo ah!" Iritadong sagot ko dito. ang kulit kulit, Malapit na akong mapikon sa ugok na to. "Weh? Deny KA pa? kung makayakap ka dyan akala mo naman aagawin ko si Kane sayo kanina! hahaha!" sagot nanaman nito. Inilingan naman ni Kane ang pinaggagawa ni Johnny. Huminto ako maglakad at mabilis itong nilapitan, aawatin sana ako ni Kane at sisigawan ko sana ito ng bigla naman kaming tinawag tatlo. "Oy! Fannie, hello!" Bati sa akin ng mga kaibian namin. kumaway naman ako sa mga ito. "Kane, Johnny! laro tayo!" ani ni Harrid, isa sa mga kaibigan namin dito. Mabilis naman sumang-ayon si Kane at Johnny dito. Lumapit na si Johnny SA KAnila pero si Kane ay Humarap sandali sa akin at sinukbot nito ang sling bag nya at pinahawak ang Gitara. "Pabantay muna" request nito tsaka ako kinindatan. sinimangutan ko naman ito. "Wag ka na sumimagot lalong nagpa-flat ilong mo." biro nito sabay pisil ng ilong ko. inirapan ko nalang sya at hinayaan makalaro ang iba namin kaibigan. Umupo ako sa isang bench malapit sa pinaglalaruan nila. Di naman ako mahilig manuod ng basketball kaya nag-decide nalang kong paglaruan ang gitara ni Kane. Kahit hindi ko alam kung tama ba way ko sa pag hawak at stram ay wala na akong paki-alam. Bigla nanamang bumalik sa isip ko ang ginawang pag gitara ni Kane kanina. Bukod sa maganda ang boses nito pakinggana ay napaka galing din nyang mag gitara. pati na ang pagaalala nya sa akin sa aksidenteng pagkakasugat ko. Lalo na yung nanuod kami, hindi ko alam bakit ganun sya sakin. Pabalik-balik sa isip ko na baka may gusto na sya sa akin, pero napaka-imposible naman. Sinumpa na nya lahat ng babae sa mundo. Ayaw na daw nya maranasan pa ang ginawa sa kanya ni Crisselle. Mabilis kong pinilig ang ulo, at inalis sa isipan ang mga haka-haka. ganun lang siguro talaga sya trumato ng babae lalo na mag bestfriend pa kaming tatlo nila Johnny. maalalahanin din naman sya kay Johnny pero as a kuya nga lang. "Tama baka ganun talaga sya." bulong ko sa aking sarili at tumango-tango pa na parang may ibang kausap. Alas-otso na sila natapos maglaro. naka-ilang beses na naging tie ang laban nila Kane at Harrid kaya ilan beses din silang napaulit-ulit hangang sa manalo ang team nila Kane. Tumakbo palapit sa akin si Kane tsaka maingat na umupo sa tabi ko. halatanag ayaw nya akong mabasa ng pawis nito kaya di sya gaano dumikit sa akin. "Iba ka talaga Fannie," Ani ni Harrid na ipinagtaka ko naman. "Ha? bakit ako? hindi nyo naman ako nakalaro ah?" tanong ko dito. "Lakas mong Insperasyon ng isa dyan eh, di naman sya ganyan ka agrisibo pagdating sa basketball. simula lang na nakasama ka namin ngayon, ayaw na nya magpatalo." ani naman ng isa pang kateam nila Kane. Si Harris. Nabato ko naman ng tingin si Kane na busy sa pag inom ng tubig at kunwari walang narinig. kaya inirapan ko nalang ito. "Sila na kasi, kaya ganyan yan si Kane diba Fannie??" Pang-aasar nanaman ni Johnny. sinamaan ko naman ito ng tingin at kinuha ang bola Kay Harris tsaka binato. Nakailag naman ito sa ginawa ko at tatawa tawa pa ang loko. "Hahahaha! oh, diba pikon! sila na nga!!" sigaw ni Johnny. "TUMIGIL KA NGA SABI EH!!!!" sigaw ko dito. napuno ng ingay at panunukso sa amin ang buong court. Matapos ng pangaasar sa amin ng mga kaibigan namin ay Nagpasama naman sa akin si Kane sa bahay nila para makapag palit sya ng damit. hindi na ako tuluyang pumasok at hinintay nalang siya sa labas. Naka-upo lang ako dito sa labas nga unit nila at nakatingin sa kalangitan. Nakapatay pa ang ilaw sa labas nila kay ang liwanag ng Bwan ang nagsisilbing ilaw ko dito. Bilog na bilog nanaman ang bwan, pati ang mga bituin ay sumasabay din sa pagka tingkad nito. Ilang sandali lang din dumating na si Kane na basa ang buhok at may twalya pa sa leeg. naligo pala ito kaya medyo natagalan din ng balik. Amoy na amoy ko ang pabango nya na gustong gusto ko ding naamoy sa kanya. AFFICIONADO F12. Marahan syang tumabi sakin at kapareho ko ay nakatingala din sya sa kalangitan. Matagal kaming binalot ng katahimikan. nakaramdam ako bigla ng Awkwarness. "The Moon is beautiful isn't it?" He confessed. Mabilis naman akong napalingon dito, tsaka mabilis tumango bilang pagasang ayon dito. Marahan akong ngumiti at muling binalingan napaka gandang bwan. "Oo,sobrang ganda nyang tignan. We are one of the lucky person who's looking in this kind of creation." I elaborate. "Yeah, I am very lucky to look on a such a beautiful creation." makahulugang sabi nito kaya wala sa sariling napalingon ako dito at nagtama ang mga mata namin. I can clearly see how his eyes shines because of the moon light. The longer i looked deeply the more i feel safe, Calm and peace. Hindi ko to naramdaman kay Johnny before everytime na nagtatama ang paningin namin. "A-Ahm..K-Kane--" Mabilis nyang tinawid ang pagitan namin at marahan akong ginawaran ng isang HALIK. "I love you Fannie." He said while he is inches away on my face. Hindi ako agad nakapagsalita at nakagalaw sa mga nangyayari. Pilit kong hinahanap ang mga salitang gusto kong sabihin dito, pero ni isa walang lumalabas. Nang hindi parin ako nagsasalita ay marahan nya akong hinila papalapit sa kanya at niyakap. "I'm sorry if nabigla kita sa ginawa ko, I just can't help to wait for that chance to tell my feelings anymore." ani nito. ramdam na ramdam ko sa boses nya kung gaano sya nasasaktan sa pag pigil ng nararamdaman para sa akin. "I-I understand, Pero diba ayaw mo na sa babae? sinumpa mo na kami diba? paanong--" marahan ko syang naitulak palayo sa akin. "Even me don't understand why i am being like this towards you. nakompirma ko to nung nakita kita paano ka nalungkot sa ginawa ni Johnny sayo, kung gaano ako magaalala nung iniwasan mo ko, kung gaano din ako nagalala sayo kanina higit sa lahat nung nangyari yung--" "Please don't let me remind that scene again, I'm sorry." Putol ko dito. until now kasi nakaka-awkward parin yung pangyayari na yun. Napangiti naman ito sa inasal ko kaya lito ko syang tinapunan ng tingin. "You don't need to feel awkward about it. if hindi ba nangyari yun malalaman mo bang mahal na kita ngayon?" deretsahang tanong nito sa akin. like he always do once he's telling me the truth, he looks directly into my eyes and he won't took it away until i believe what he is saying. Kitang kita ko naman kung gaano sya katotoo sa mga sinasabi nya, pero sa hindi ko malamang dahilan meron parin isang bagay sa akin na kumukontra. pilit kong iniisip pero hindi ko malaman kung ano. "Hindi kita mamadaliin mag desisyon, pero isa lang masisigurado ko." He commented. "Ano yun?" "Ikaw ang nakatangal ng sumpa ko sa mga babae." Ani nito na ikinatawa ko. "Loko ka talaga!" sagot ko dito tsaka sya marahang hinampas sa braso, pero hinuli nya ito tsaka hinawakan at siniilan ng munting halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD