CHAPTER 15

586 Words
PAPASOK na kami ni Kylie sa Cafeteria ng may mahagilap ako. Si Harry at may kasama itong lalake. Tinitigan ko yung kasama niyang lalake ng makilala ko kung sino. Ang boyfriend niya... Umiwas na lang ako ng tingin, nagtama kasi ang mata namin ni Harry. Ikakasal at magkakaanak na kami, sila pa din nung boyfriend niya. Sabagay hindi naman namin inaasahan na magkakababy kami. Ang bigat lang sa loob, at parang nakakaramdam ako ng sobrang kirot sa puso. Umupo na lang kami ni Kylie sa pinakadulo. "Anong gusto mo, Drecia?" Tanong ni Kylie. "Ibili mo na lang ako ng pizza tapos pabigyan mo ng mustard sauce." Mukhang napatanga ito dahil sa sinabi ko. Natawa ako, "Sige na ibili mo na ako." "O–okay." Ilan sandali lang ay bumalik na si Kylie. "Thank you, Kylie." "You're welcome, Drecia." Nag-umpisan na akong kumain habang tumitingin sa ibang mga kumakain, nagtama ulit ang paningin namin ni Harry kaya nauna akong umiwas. Ayoko siyang tignan kung may kasama siyang iba. Pakakasalan lang talaga niya ako dahil sa baby, hindi dahil mahal niya ako. Bading siya kaya imposibleng mahalin niya ang isang tulad ko. "By the way, uuwi na mamaya si Rejie mamaya. Sasama ka?" Ngumiti ako. "Sure, anong oras?" "Around 6 pm. Hintayin mo na lang ako para sabay na tayong puntahan si Rejie sa bahay niya." "Okay, huwag mo na lang ipaalam kay Harry." Kunot noo na tumingin ito sa akin. "Bakit ko naman sasabihin sa kaniya? Hindi naman kayo close non." "Siya ang ama ng anak ko." Gulat na napatingin sa akin. "A–ano?" "Hindi ko na uulitin." Natatawang saad ko." *** "SALAMAT, Rejie. Pasensiya na kung ikaw pa naghatid sa akin." "Wala iyon, isuot mo ulit itong sumbrero at jacket." Sumunod naman ako. Niyakap ko muna siya bago lumabas ng kotse. Hinintay ko muna siyang umalis bago pumasok sa bahay. "Where the hell have you been, woman?!" Bungad ni Harry ng makapasok ako sa kwarto namin. Hindi ko siya pinansin, kumuha lang ako ng closet saka pumasok sa banyo para magbihis. "I'm talking to you! Saka kanino jacket at sumbrero ang suot mo kanina?" "Puwede bukas na lang? Pagod ako." Pagdadahilan ko matapos kong humiga pero tumalikod ako sa kaniya. "No. Talk to me, Marie." Humarap ako sa kaniya. "Ano? Anong pag-uusapan natin." "Nag-alala lang ako dahil buntis ka." "Bakla, puwede ba!" "Napapano ka?" Umupo ako at tinignan siya. "Gusto mo bang hindi na ituloy ang kasal?" Pag-iiba ko. Kumunot-noo ito. "No, bakit mo ba natanong yan." "Para maging malaya ka na kasama ang boyfriend mo." "Are you talking to Daehan?" "Bakit hindi ba? Di ba boyfriend mo siya?" "Oo pero nakipagbreak ako." "Bakit naman?" "Kasi ikakasal na tayo at magkakaanak na." "Ano ngayon? Puwede ka pang tumanggi." Masungit na sabi ko. Natawa ito at lumapit sa akin. "Hindi ko gagawin na umatras dahil kagustuhan ko ito." "So, saan ka galing?" Dagdag nito. "Kay Rejie." Sumeryoso ang mukha nito. "Who's Rejie? Your boyfriend?" Umiling ako. "Kaibigan ko at wala pa akong naging boyfriend." "Really?" "Mukha ka pang masaya. Bakit lalandiin mo si Rejie." Napairap ito. "Duh! No! Masaya ako kasi wala kang boyfriend." "Dapat ba akong umasa na magiging lalake ka na?" Hindi ito nakaimik. "Bakla..." "Tulog na tayo." Pag-iiba nito at humiga na saka ako hinila pahiga sa tabi niya. Niyakap pa niya ako. "Bakla, iniiba mo e." "Matulog na, late na bawal magpuyat." "Bakla naman." "Stop calling me Bakla, call me Harry." "Aasa ba ako, Harry?" "Good night, Marie." "Harry kainis ka naman!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD