DRECIA MARIE
PAGBUKAS ko ng pintuan ng kwarto namin ni Harry ay nanlaki bigla ang mga mata ko.
"Harry!" Suot kasi nito ang panty at bra ko.
Napatingin ako sa akin ay napatakip ito sa dibdib at sa ibaba niya.
"Hindi ka ba marunong kumatok?"
"Kwarto ko na din ito, at bakit mo suot ang panty at bra ko?"
"Nagandahan kasi ako."
Oh My Gosh! Kailan kaya magbabago ang baklang 'to?
"Nagandahan? Kailangan isuot pa?"
Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa labi. "Hubarin mo nga yan."
"Marie, how many times do I have to tell you don't kiss me in the lips."
"Gusto mo naman."
"Che!"
Natatawang umupo ako at tinignan siya. "Hubarin mo na kasi yan, ang laswa mong tignan, seriously Harry magkakababy na tayo, magpakalalake ka na."
Sinamaan niya ako ng tingin, "I will be a good mother to her, even I'm a gay."
Her? Wala pa ngang gender anak namin, kasi alam ko 5 months pa lang ayon sa nabasa ko sa internet.
"Mother? Father ka kaya. Saka hindi mo ba naiisip na gusto mong magpakalalake?"
"Naiisip naman." Bulong nito pero narinig ko pa din.
Sana talaga magpakalalaki ka na, Harry. How I wish.
Hindi na ako kumibo, humiga na lang ako sa kama at napatingin sa kisame. Harry...
Naramdaman ko na lang na may humiga sa tabi ko at yumakap ito sa akin. "Hindi ka yata pumasok, Harry? Hindi kita nakita sa university."
"Oo hindi ako pumasok."
Tumagilid ako para magkaharap kami. "Bakit naman, Bakla?"
"Tinatamad ako e."
Napailing na lang ako. "Bakla, puwede mo ba akong ibili ng braso de mercedes?"
"Mamaya na, Marie."
Napatingin ako sa katawan niya hanggang maglandas ang tingin ko sa pagkalalake niya, sobrang bakat dahil suot niya yung panty ko at sobrang nipis pa nung tela.
"Don't look at my pussy." Suway nito.
Natawa ako at tumingin sa kaniya saka hinaplos ang pagkalalake nito. "Marie!"
"Magbihis ka na kasi, Bakla. Natutukso ako e."
"Gosh!" Reklamo nito bago tumayo, tinampal ko ang pang-upo nito dahilan para pukulan niya ako ng masamang tingin.
Natatawang pinagmasdan ko siya habang nagbibihis. "Itapon mo na yan." Utos ko.
Napatingin ito sa akin. "Bakit naman?"
"Hindi ko na yan masusuot dahil lumuwag na. Ang laki kaya ng katawan mo."
"Akin na lang." Presinta nito.
"No."
"Sige na, Marie akin na lang."
"Hindi nga! Itapon mo na yan."
Napanguso ito. "Akin na lang kasi."
Kinuha ko yung orasan sa side table. "Gusto mo bang ibato ko 'to sayo?"
Napanguso ito lalo. "Sabi ko nga, Marie itatapon ko na"
Palihim akong napatawa. Takot na pala ngayon si Bakla.
***
"ITO Na." Sabi nito ng makaupo ito.
"Thank you, Bakla." Hinalikan ko siya sa pisngi pero kaagad din niyang pinunasan.
Napasimangot naman ako habang kinukuha yung pinabili kong braso de mercedes.
"Bakit ka nakasimangot diyan? Baka pumangit anak natin."
"Pinunasan mo kaya yung pisngi mo."
Natahimik ito bigla at narinig ko pang bumulong. "Kung hindi ka lang takaga buntis babae ka, baka kanina pa kita sinabunutan."
"Ano? May sinasabi ka, Bakla?"
"Wala po, Marie."